Chapter eighty two CHRISTINE’S POV’S Nagtataka ako sa mga ikinikilos ni Steve nitong nakaraan, hindi ko na naikwento kay Clark ang tungkol sa pag iwan niya sa akin kahit may sakit ako. Ang sama ng loob ko ng araw na iyon, wala siyang pakealam sa akin kahit na masama ang pakiramdam ko. Tapos palagi siyang nag aapura at may tinatawagan sa phone niya, palagi rin siyang late kung umuwi. At ngayon, late nanaman siyang umuwi dahilan nanaman niya ang pamilya niya. Pinapakita ko lang palagi kay Clark na okay ako at okay kami ni Steve pero ang totoo tinitimpi ko lang ang inis ko sa kanya. “ Late ka nanaman.” “ Nagpaalam naman ako sayo na dadaanan ko sina mama.” “ Mas may oras ka sa kanila kesa sa akin?” “ Tin naman, alam mo naman ang rason diba? Gusto kong magustuhan ka nila at maging mas