Chapter eighty three MADISON’S POV’S Ang galing galing ni Clark, siya ang top one sa buong klase at hindi lang sa buong klase sa buong department namin. Pinatawag ang mama niya para kausapin ito, siguro ipapakita yung grades ni Clark at icocongratulate siya ng dean namin. Nakakaproud talaga. “ Congrats Clark!” “ Congrats!” “ Uy brad Congrats!” Lahat ng madaanan niya binabati siya, nasa tapat ako ng pinto ng isang classroom dahil inaabangan ko siya. Wala pa kaming klase pero ang iba meron na. Nakangiti lang siya habang naglalakad at sa akin lang siya nakatingin. Hindi ko maiwasan mapangiti sa kanya. “ Congrats, top one ka.” “ Thanks to you.” “ Ha?” “ You inspired me.” “ Tsk, nambola ka pa, matalino ka naman talaga.” “ Ayieee.” Rinig na rinig ng mga classmate namin yung sinab