Chapter thirty three MADISON’S POV’S Tinawagan ako ni Steve ng ilang beses kaso hindi ko masagot dahil nasa school ako at may lecture kami, ano kayang nangyari? Bakit ang dami niyang missed call? Kaya ng maglunch break na ay tinawagan ko siya para makipagkita sa akin kaso sakto naman na nakita ko siya sa may gate at nag aabang ata sa akin. Nilapitan ko agad si Steve. “ Anong nangyari?’ parang kakagaling niya lang sa pag iyak. Niyakap niya agad ako at umiyak, hindi ko alam kung bakit siya nagkaganyan, niyakapa ko na lang din siya para icomfort. Dinala ko siya sa may karindirya para makapag usap kami ng maayos. Nilibre ko siya ng lunch. “ Magkwento ka kung anong nangyari sayo?” “ Hindi man lang naappreciate ni mama mga ginawa ko sa kanya.” paliwanag ni Steve sa akin habang nakatula