Napatulala lang si Marj kay Devin habang tumatawa, tinitigan nya ang gwapong mukha nito habang tumatawa. "Grabe! Bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko?" Tanong ni Marj sa sarili, parang napakasaya ng puso nya na makita itong masaya. Biglang tumigil sa pagtawa si Devin at tinitigan siya, hindi malaman ni Marj ang gagawin, hindi niya kayang makipagtitigan dito kaya naisipan niyang iwanan na lang ito at tumungong kusina. Ngunit nang patalikod na siya at di pa man siya nakakahakbang ay naramdaman na niya ang braso ni Devin mula sa likuran at tuluyang sinakop ang beywang niya, hinatak siyang papalapit nito bago tuluyang sinara ang pinto. Matapos siyang isinandal nito sa nakasarang pinto ay na-corner siya ng mga braso nito. Nakangiti siya tinitigan ng binata