Matapos makipagmeeting ni Devin ay dumiretso sila sa isang restaurant ni Marj. Hindi maiwasang matawa ng dalaga. "Ang gara mo naman! Kagagaling lang natin sa isang restaurant dahil sa lunch meeting mo at nung matapos ay umalis tayo para lang pumunta sa isang restaurant din. Bakit kasi di na lang tayo doon kumain?" Nagtatakang tanong ni marj dito. "Just so simple! I don't like their food there! That's all!" Walang buhay na sabi nito. "Eh bakit doon mo piniling makipag meeting?" Kulit ni Marj dito. "Tsk! I'm not the one who chose that place! Yung buwisit na kameeting natin na walang ginawa kundi titigan ka! Kaya nga nilayasan na natin at baka ma