Magkayakap na nagising ang bagong mag-asawa. "Good morning sa magandang asawa ko." malambing na bati ni Devin kay Marj. "Good morning din sa asawa kong ubod ng gwapo." bati din ng babae dito na napakalaki ng ngiti sa asawa. "Sweetheart, 'wag ganyan. Umagang-umaga pinakikilig mo ako." namumulang tugon ni Devin na kinatawa ng mahina ni Marj. "Eh sa gwapo naman talaga yung asawa ko eh. Kahit saang anggulo! Iyan ang looks na kahit sa kaninong kpop star ay 'di ko ipagpapalit. Hihihi! " maharot na sambit ni marj. "Talaga?" - tanong ni Devin na t