"Miss, may problema ba?" tanong ng isang boses lalaki. Att sa boses pa lang ay kilalang-kilala na niya ito. Pagharap niya ay isang nakangiting mukha ang bumungad sa kanya. Muli ay 'di niya napigil ang mapaluha. "Devin....." mahinang sambit ni Marj. Wari'y natulala rin ang lalaking kaharap dahil sa ganda ng babeng ngayon ay kanyang nakikita.Animo'y gustong magwala ng puso nya mula sa kinalalagyan nito, ramdam niyang hindi na bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. "Devin..." muling sambit ni Marj habang lumuluha. "Totoo ba ito?" muli niyang tanong niya at tangkang lumapit sa lalaki pero wari'y biglang nagising mula sa isang panaginip ang lalaki at napaatras kahit parang labag ang