CHAPTER 4

1350 Words
HARMONY POV NANGINGINIG pa rin ang mga kamay ko habang nakatitig kina Ethan and Harmony. Tahimik ang buong hallway. Walang gustong magsalita sa aming tatlo. Huminga akong malalim. “Tatanungin ko lang kayo nang isang beses...” madiin na sabi ko habang nakatingin sa kanilang mukha. Nag—iinit na ang mga mata ko dahil sa pagpigil ko sa aking luha. “Anong mayroʼn sa inyong dalawa?” diretsong tanong ko, wala ng paligoy—ligoy pa. Nakita ko ang pagyuko ng Ethan na ito kaya siguro siya yumuko dahil nahihiya siyang nahuli ko siyang nandito sa apartment ni Alina. “Harmony...” Napintig ang tenga ko nang marinig ang malambing niyang boses habang tinatawag ang pangalan ko. Hindi iyon ang kailangan ko. “Sagutin ninyo na lang ako!” malakas na sabi ko habang galit na galit akong nakatingin sa kanila. Napapikit si Ethan nang marinig ang malakas kong boses. Huminga siya nang malalim hanggang tinignan niya muli ako. “Wala... Harmony, magkaibigan lang kami ni Alina!” madiin na sabi niya sa akin. Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya, pero isang mapait ang tawang pinapakita ko ngayon. “Magkaibigan?” malakas na tanong ko habang nagsasalubong ang aking magkabilang kilay. Tinuro ko ang apartment na ito. “May magkaibigan bang nasa iisang apartment lamang, Ethan? Ginagago mo ba ako? Hindi lang iyon dahil may naririnig akong ungol habang nasa labas ako, ha?” malakas na sabi ko sa kanila. “Magkaibigan lang talaga kami, Harmony!” Tinignan ko silang dalawa. “Tapos ganyan ang itsura ninyong dalawa? Gusto mo talagang paniwalaan ko iyan? Para naman akong ipinanganak kahapon kung maniniwala akong magkaibigan kayo at wala kayong ginagawa rito!” malakas ko pang sabi. Tahimik si Ethan sa sinabi ko sa kanya. “Magsalita kayong dalawa! Ano? Na—pipe na ba kayo? Ha?” Kumukulo na talaga ang aking dugo. Nag—iinit na ang ulo ko. “Tama na, Ethan!” Napatingin ako kay Alina nang magsalita na siya, kaya lumingon ako sa kanya. Nakita kong walang bakas ng pagsisisi sa mukha ni Alina. Bakit ko ba naging kaibigan ang isang ito? Sa halip ay seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. “Harmony, gusto mong malaman ang totoo, ʼdi ba?” seryosong sabi ni Alina sa akin habang nakataas ang kanang kilay niya. “Alina—” “Matagal na kaming may relasyon ni Ethan, Harmony!” malakas na sabi ni Alina. “Iyon naman ang gusto mong malaman sa aking bibig, ʼdi ba? Heto na! Sinabi ko na sa iyo!” Napatingin ako kay Alina at halos huminto ang pag—ikot ng mundo ko dahil sa sinagot niya. Wala akong makitang paghihinayang sa kanyang mga mata. “Tangina!” Hindi ko napigilang magmura nang madiin at malakas habang nakatingin kina Ethan and Alina ngayon. Hindi ko inaasahang ang dalawang taong mahalaga sa akin ay sasaktan ako. “Gaano na katagal itong relasyon ninyo, ha?” malakas na sabi ko habang hindi ko napigilang umiyak sa kanilang harapan. Parang may libo—libong karayom na sabay—sabay na tumusok sa puso ko ngayon. “L—love, listen to me—” “Love? Putanginang love iyan, Ethan! Tanginang pagmamahal niyan!” Narinig ko ang malakas na pag—chuckles ni Alina kaya napatingin ako sa kanya. “Nakakatawa ka pa, Alina? Sinaktan mo na ako? Mag—best friend tayo nang mahigit na pitong taon... Bakit pati ako ay niloko mo?” malakas na tanong ko sa kanya. “Wala, eh. Mahal ko si Ethan... Mahal din niya ako—” “Alina!” Narinig namin ang malakas na boses ni Ethan. “What? Totoo naman ang sinabi ko, ha? Mahal mo rin ako dahil kung ʼdi... Hindi tatagal ang tagong relasyon nating dalawa, Ethan!” Nagulat ako sa aking narinig. “S—so, matagal na kayo? Matagal ninyo na akong ginagago at niloloko? Ang galing! Sobrang galing!” sabi ko sa kanila habang pumapalakpak ako. “Yes, matagal na, Harmony! Hindi ka kasi marunong sumubo! At hindi mo rin kasi siya pinapatikim... Sobra ka naman kasing mala—Maria Clara kaya... Nakuha ko siya... Using this,” nakangising sabi niya at tinapat ang kanyang kanang kamay sa kanyang bibig. “A—ang bababoy ninyo!” malakas na sabi ko sa kanila. “L—Love—” “Donʼt touch me!” malakas na sabi ko sa kanya. “H—huwag ninyo kong hawakan. N—nakakadiri kayo!” Humakbang ako pa—atras. Wala akong nakitang takot sa mukha ni Alina. Huminga akong malalim at hindi ko na nga napigilan ang sarili kong sampalin si Alina at si Ethan. Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanilang dalawa. Nakita ko ang pag—atras nila habang nakatingin sa akin, doon ay nakita ko ang namumulang pisngi niya. “Harmony!” “Donʼt you dare call my name!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Sunod—sunod na tumulo ang aking mga luha sa magkabilang pisngi ko. “Ilang taon na kitang minahal, Ethan! Hindi lang iyon... Pinagkatiwalaan kita... Tapos ganito lang pala ang ibabalik mo sa akin?” mahinang sabi ko sa kanya habang sumisinghot—singhot para mapigilang kong tumulo ang sipon na tutulo sa ilong ko. Lumapit si Ethan sa akin, pero agad akong umatras sa kanya. “Please... Let me explain, Harmony,” mahinang sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanilang dalawa. “E—explain?” nanginginig na sabi ko sa kanya. “Explain? For what? Na matagal ninyo na pala akong niloloko at pinaglalaruan, ha?” malakas na sabi ko at napailing habang nakatingin sa kanila. Galit akong napatingin sa pʼwesto ni Alina. “At ikaw...” Nakita ko kung paano ngumisi si Alina sa akin kaya lalong nag—init ang ulo ko. Wala talagang pagsisisi sa kanyang mukha. “Ahas ka!” malakas kong sabi sa kanya. Lumapit ako sa kanya at sinampal muli siya, pero humarang si Ethan sa harap ko. “Kapal ng mukha ninyo!” Napatakip ako sa aking mukha. “Pitong taon kitang tinuring na kapatid... Pitong taon kitang ipinagtatanggol sa lahat, Alina!” Huminga akong malalim. “Pero, ikaw rin pala mismo ang sisira sa tiwala ko!” malakas na sabi ko. Nakatingin ako sa mukha ng Alina na iyon na nakatago sa likod ni Ethan. “Nice! Knight in shining armor, ano?” natawa ako sa sinabi ko habang nakatingin sa kanila. “B—bakit hindi ko nakita agad iyon? Ang tanga ko rin!” Napaangat ang tingin ko sa ceiling. “Sorry, Harmony.” Narinig ko ang boses ni Alina pero hindi ako tumingin sa kanya. Wala kasi akong narinig sa boses niya na nanghihingi talaga siya ng sorry. “Walang sorry... N—na makakapagbalik ng pitong taong pagkakaibigan natin, Alina.” Tumutulo pa rin ang mga luha ko habang nanginginig pa rin ang aking boses. Huminga akong malalim. “From this day forward... Wala na akong best friend. Wala na rin akong boyfriend.” Tumingin ako sa kanilang dalawa. “Bagay na bagay pala kayong dalawa, ano? Bakit hindi ko agad nakita iyon?” sabi ko sa kanila. “Pareho kayong sinungaling. Pareho kayong cheater!” madiin na sabi ko sa kanila. “Magsama kayo! Wala na akong kilalang Alina and Ethan sa buhay ko! Nakakahiya kayo!” malakas na sabi ko at tumakbo palabas sa apartment ni Alina. “Harmony!” Narinig ko ang malakas na boses ni Ethan kaya lalo akong mabilis na tumakbo. “Please! Makinig ka muna!” Hindi ako lumingon. “Harmony!” Mas lalo kong pang binilisan ang pagtakbo ko. “Harmony!” Nandidiri na ako kapag tinatawag niya ang pangalan ko. Mas pinili kong walang naririnig kaya lalo pa akong tumakbo. Pakiramdam ko ay unti—unti ring nababasag ang bawat pangarap ko na kasama ko si Ethan. Hindi lang iyon din ang relasyon ko ang natapos, kung ʼdi pati ang pitong taong pagkakaibigan namin ni Alina. Magsama silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD