Athena POV...
Nahawakan ako ng isang guard at doon nanginig ang mga paa ko dahil muntik na akong mamatay! Inakyat nila ako at safe na akong napaupo sa sahig. Bakit parang may hangin kanina?
Napatingin ako sa mga lalaki. At nanlaki ang mga mata ko. Oh no!
"Bitawan niyo ko!" Sabi ko at nasa labas na kami at may kotse na nakapark sa harapan.
"Binigay ka na ng CEO saamin." Sabi nung isang lalaki. Siya yung lalaking narinig ko na kukunin daw niya ako.
"Teka binigay na ako ng CEO dito?" Tumango siya at lumapit saakin.
"Sino siya." Sabi ko.
"Si Mr. Tyrome Evans." Sabi niya. Bakit niya ako binigay sa lalaking ito? Isa nga ako sa mga tagaluto na nakapasikat dito sa kompanya tapos ako pa ang ibibigay niya.
"Kagustuhan pala yun ng CEO dito." Mukhang wala na akong magagawa pa. Nanlumo ako dahil ang may ari na ang nagbigay sa akin. Siya na mismo ang nagpaalis sa akin sa kompanya.
Sumakay na ako ng kotse at nakita ko sila Mrs Soo na malungkot na nakatingin saakin.
"Autumn..." sabi niya.
"Okey lang ako Mrs. Soo. Wag kang mag alala. Bibisita ako dito." Sabi ko at ngumiti ako pero pilit lang di ko makayang maging masaya ngayon sa kalagayan ko.
At sinira na ang pinto ng sasakyan.
"Di mo pagsisisihan ang ginawa mong pagsama sa akin." Sabi nung lalaki.
Tumahimik nalang ako.
Siguro wala naman yung pake saakin. Mukhang malayo layo ang pupuntahan namin.
"Saan tayo pupunta?" Palabas na kasi ito ng lugar namin.
"Basta magugustuhan mo ang gagawin namin sayo." At bigla siyang lumapit saakin.
"Napakaganda mo talaga. Para kang diyosa." Sabi niya sabay hawak sa mukha ko.
"Tsk tsk... tama nga ako. Na yan ang gagawin mo." Napatingin kami sa likuran at tinanggal niya bigla ang sunglasses niya at ang cap niya.
"Sino ka!" Sigaw nitong lalaking toh.
Binge lang?
"Tsk... bitawan mo ang pinakamamahal kong si Athen... ouch!" Sigaw nung lalaki. Binatukan kasi siya nung babae.
"Aray naman Artemis nakakailan kana ha." Reklamo niya sa babae.
"Tsk.. babaero talaga. Walang pinagbago ang isang Apollo." Teka ito nanaman mga bestfriends ba ito ni Zeus?
Oh idol lang talaga nila ang mga Gods ng Greek Mythology.
"Sugudin sila!" Utos nitong lalaking toh.
At nakita ko na tulog na ang mga gwardia niya.
"Paanong..." sabi nung lalaki at biglang huminto ang sasakyan na muntik ko ng ikapalit ng mukha ko sa upuan mabuti nahawakan ako nung lalaking nag ngangalang Apollo.
"Ano ba!!" Sigaw nito.
"Pasensya na." Nakangiting sabi nung driver.
"Hoy, poseidon muntik nang magkapalit ang mukha ni Athena sa upuan." Reklamo nung babae na nagngangalang Artemis.
"Sorry." Napatingin kami sa lalaki at agad lumabas sa van. Tumatakbo ito.
"Di pa ako tapos sa inyo!" Sigaw nito at nakita ko na may lalaking nakahood na nakatayo doon. Teka sino yun?
Napahinto naman ito at tiningnan ng biglang may malaking bungo na lumabas na kinasigaw nung lalaki at pabalik siya na tumakbo sa amin ng may humarang sa daanan niya at sinuntok siya kaya ayun lumipad.
At nakita ko din sa taas na may lumilipad na babae mukhang wizard ang outfit niya.
At may kinast siya at naging isang kuneho ang lalaki pagbaba sa lupa at ayun nagtatakbo siya palayo at di pa siya nakalayo ng biglang nakulong ito sa maliit na kulungan at nakita ko kung sino ang may gawa nun... teka...
"Tsk... di mo siya makukuha saakin." Malamig na sabi nito.
"Walang hiya ka! Mga halimaw kayo!" Sigaw nung kuneho.
Bigla itong ngumiti ng nakakakilabot.
"Tsk... hindi kami halimaw na sinasabi mo... we are Gods." Sabi niya nanlaki ang mata ko. Gods as in Gods na Gods... ay OA masyado.
Pero di nga. Gods sa Olymus? Greek Mythology lang?
"Bakit niyo prinoprotektahan ang isang kusinera lang?" Kinakabahang sabi ng Kuneho.
"Because, isa siya sa amin." Sabi niya at nakatingin saakin. Teka nabingi atah ako.
"So... matabang kuneho hanggang dito ka nalang. Mukhang gutom na si Apollo gagawin ka nalang naming Inihaw na Kuneho" nakangiting sabi ni Zeus pero creepy ang ngiti niya nakakatindig balahibo.
Napailing yung kuneho. Napatakbo ako papunta sa kanya.
"Wag!" Napatingin siya saakin.
"What?" Inis niyang sabi.
Agad kong inagaw ang kulungan nito.
"Wag mo siyang patayin... ayokong may mamamatay." Sabi ko. Nakatitig lang siya saakin.
Napabuntong hininga ito.
"Bakit ginawa mo yun sa sarili mo noon." Malamig na sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Zeus!" Sigaw ni Apollo.
"Nevermind." Sabi niya sabay talikod saakin.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Baka ginawa yun ng dating ako kasi may dahilan hindi yung papatay siya na walang dahilan." Sabi ko kahit di ko maintindihan ang sinasabi ko. Pero di nga nakapatay ako noon?
Kinuha niya ang kulungan at binigay sa babaeng wizard.
"Ibalik sa dati at burahin mo ang alaala niya." Sabi nito at umalis na. Anong nangyari sa kanya.
Nakatingin ako sa kuneho.
"Sana di mo na yun gagawin sa iba." Sabi ko at ngumiti at sinundan si Zeus.
Sasakyan...
"Di mo ba talaga kami naaalala?" Paulit ulit na tanong ni Apollo.
*Boink*
"Nakakailan ka na ha!" Bulyaw ni Apollo kay Artemis. Napapout si Artemis at niyakap ako.
"Inaway ako Baby Athena oh." Sabi nito saakin. Parang ang saya ko at safe ako sa tabi nila... parang kilalang kilala ko na silang lahat.
Napatingin ako sa isang lalaki. Teka siya yung...
"Teka ikaw yung lumaban sa halimaw sa park. At ikaw yung nagbigay saakin nito." Sabay pakita ng tiger na pendant.
"Yes, i am." Nagulat sila lahat sa narinig nila. Kaya muntik na kaming masobsob dahil biglang prumeno ang sasakyan.
At si Poseidon padin ang nagda drive.
"Ano ba!" Naiinis na sigaw ni Artemis.
"Sorry... teka Ares bakit ngayon mo lang sinabi. Boung taon tayo naghahanap sa kanya ikaw lang pala ang unang nakakita sa kanya at di mo pa sinabi." Sabi ni Poseidon. Nakatingin lang ito sa amin.
"Di kayo nagtanong." Sabi nito.
"As usual." Sabi ni Apollo. Napatingin ako sa dalawang misteryoso na mga nilalang sila yung nagpalabas ng malaking bungo at nagcast ng magic.
"Anong pangalan niyo?" Nahihiyang sabi ko.
"Hades." Sabi nung lalaking nagpalabas ng malaking bungo kanina.
Napatingin ako sa isa na titig na titig saakin..
"I'm Hera." Sabi naman nung babae at niyakap ako.
"Salamat dahil niligtas mo ko sa mga kalaban noon." Sabi niya at humiwalay ng yakap saakin.
"Eh?" Ako
Sino ba ako noon? Ang rami ko atang nagawa na nakalimutan ko?
"Tinulungan niyo ko. Gagawin ko ang lahat para bumalik agad ang alaala ko." Sabi ko sa kanila.
"Yan ang Athena na kilala namin!" Masayang sabi ni Apollo. Napangiti ako at tumingin ako sa katabi ko na tahimik lang na nakatingin sa labas.
Paano ko ito kakausapin nakakatakot kasi siya eh.
Susunod nalang... binaba na nila ako sa bahay ko at nakita ko sila Lolo at Lola na nag aalalang nakatingin saakin.
"Saan ka galing bata ka." Sabi ni Lola saakin niyakap ko siya.
"Oh may mga kaibigan ka pala." Sabi ni Lolo. Bumaba sila except kay Zeus.
"Opo, sila po yung mga kaibigan ko noon. Bago ako nagkaamnesia." Sabi ko sa kanila.
"Salamat kasi walang nangyaring masama kay Autumn." Sabi ni Lola. Ngumiti sila at nagsalita.
"Poprotektahan po namin si Baby Athena." Sabi ni Poseidon.
"Kung ganun... salamat mga apo." Sabi ni Lolo.
"Una na kami." Paalam nila. Nalungkot naman ako na tumingin kay Zeus. Galit ba siya saakin? Ayokong may nagagalit saakin.
Umalis na sila...
Bedroom...
Nakaupo ako ngayon sa higaan ko at iniisip ko kung magsorry kaya ako?
Tama yun nga.
Hahanapin ko siya bukas!
Kinabukasan...
Nakatayo ako dito sa harapan ng kompanya hinihintay siya.
"Autumn, sino bang hinihintay mo?" Tanong ni Kuya guard.
"Kaibigan ko po." Sabi ko.
"Anong trabaho niya dito?" May pagkachismoso pala si Kuya.
"Manager po." Sabi ko.
"Ah... bigatin pala ang kaibigan mo." Sabi nito. Ngumiti ako at nakita ko siyang bumaba sa sasakyan at agad ko siyang nilapitan.
"Zeu..." di ko natuloy dahil dinaanan lang niya ako. Teka bakit yun ang tinatawag ko sa kanya? Zeus? Ah oo nga pala Olympus Gods pala sila.
Teka di pa ba niya ako nakita o sadyang ayaw niya talaga akong pansinin dahil di niya ako mapatawad? Eh sa wala naman talaga akong maalala!
"Zeus..." napatigil ako kasi may naramdaman akong kakaiba na aura.
Nabigla ako nang may lumabas galing sa lupa.
Napaupo ako sa lupa kasi lumindol kaya. Nakatingin pa saakin ang halimaw.
"Uhmm... di ako masarap, promise." Sabi ko rito. At nanginginig na umatras. My God ako ang gustong putahe ng mga halimaw!
Nanlaki ang mata ko ng sumugod ito kaya napapikit ako.
Pero ilang segundo wala padin akong nararamdamang sakit napamulat ako. Ang halimaw ay patay na nakita ko kung sino ang may gawa nun.
"Zeus.." mahinang sabi ko at napakaganda ng espada niya.
Bigla itong nawala.
"Ibalik mo ang oras." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw?
"Ikaw ang komokontrol ng oras kaya ibalik mo." Eh? Paano?! Hala wala akong alam sa ganun!
Zeus POV...
Ito na ang paraan para mabilis na bumalik ang alaala niya at yun ang maga-kact akong galit sa kanya.
Di ko alam kung gagana ba... basta.
"Ano na?!" Nagulat siya sa sinabi ko at umiyak siya bigla at bigla nalang bumalik ang lahat sa dati.
Napatingin ako sa mga mata niya... sana bumalik na ang alaala mo. Gusto na kitang mayakap ng mahigpit.
Kung alam ko lang na kung gaano kita kamiss.
"Bakit ka galit? Dahil ba sa nangyari kahapon?" Sabi nito. Tumalikod ako ayokong makita ang mga mata niya na may mga luha.... pina iyak ko siya and i hate it!
Umalis nako dun at dumiretso sa loob.
Autumn POV...
Nandito ako sa kusina nakatulala habang nakatingin sa sibuyas na hiniwa ko lang.
At umiiyak nanaman ako.
Bakit di matigil tigil ito!
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Sabi ni Mrs. Soo. Umiling ako sabay punas ng luha ko.
"Ano ba... sabihin mo na." Sabi niya. Tinuro ko ang sibuyas.
"Dahil sa kanya! Huhuhu." Napabuntong hininga nalang siya.
Pinatayo niya ako at pinaharap.
"I know di yan ang problema mo.... tell me kung ano." Sabi nito. Tumango ako.
"Galit ang isang kaibigan saakin." Sabi ko sa kanya.
"Ano namang ginawa mo?" Sabi nito saakin.
"Nagalit siya saakin dahil... dahil..." di ko masabi sa kanya. Eh alangan namang sasabihin ko na nakapatay ako noon kaya galit si Zeus saakin nako makasuhan pa ako ng murder at makulong nang wala sa oras eh sa burado nga ang mga alaala ko na ginawa ko yun noon.
"Kung ano man ang problema ng kaibigan mo sigurado akong patatawarin ka niya at kung hindi pa baka may dahilan siya." Sabi niya. Dahilan?
Napayuko ako at niyakap niya ako. Para ko narin siyang mama na gumagabay saakin sa tamang landas.
Ngumiti ako.
Uwian...
Lumakad nako palabas ng kompanya at napag isipan kong maglakad lakad muna di muna ako uuwi mamaya nalang.
'Get off of me!' Napatigil ako at tiningnan kung sino ang nagsalita. May mga halimaw na nakahawak sa kanila. Teka hinawakan sila ng halimaw.
Agad akong tumakbo papunta sa kanila. Teka anong ginagawa ng paa ko?!
Napahinto naman sila nang makita ako.
"Uhmm... hello?"
"Sino ka!" Sigaw nung halimaw.
"Teka... Athena!" Napatingin ako sa babae. Kilala niya ako?
"Bitawan niyo sila!" Sigaw ko.
"So... isa ka ring God ayon sa aura mo ikaw nga ang isang Heaven Goddess." Heaven Goddess?
"Kung ano man ang sinasabi mo di ko alam... bitawan mo sila!" Sigaw ko. Nang biglang sumugod ang isa kaya napatalon ako ng wala sa oras teka ang taas ng talon ko!
Teka mahuhulog nako!
Napapikit ako pero wala akong maramdaman na mahuhulog ako kaya napamulat ako at...
0.0
Lumilipad ako? Pagtingin sa baba...
X○X
Pero napatingin ako sa halimaw na susugod ulit saakin.
At natamaan ako at natama ako sa dingding.
Ang sakit! Namamanhid ang katawan ko...
Pero nagulat ako ng biglang lumalakas ang katawan ko yung... malakas na malakas. Tumayo ako.
'Follow me.' Sabi nung nasa isip ko. Tumango nalang ako at pumikit.
At nakaramdam ako na may malaking armas akong dala at pagmulat ko isang Scythe! Ito yung...
Agad kong sinugod ang halimaw at parang ang gaan sa pakiramdam ang nangyayari saakin ngayon.
"Yaaaaaaa!!" Sigaw ko at biglang nawala ang mga halimaw at bumaba nako at nakita ko na nakatayo ang dalawang tao.
"Athena!" Niyakap ako nung babae.
"Niligtas mo ulit ang buhay namin ng kapatid ko... salamat." Sabi nung lalaki. Tiningnan ko sila.
"Kilala niyo rin ako?" Nagulat sila sa sinabi ko.
"Di pa bumabalik ang alaala mo?!" Di makapaniwalang sabi nung babae.
Napatango ako.
"Okey lang yan. Alam namin na babalik ang alaala mo. Ako si Elizabeth short of Liz and my kuya William short of Wil." Sabi nung babae.
"Nice to meet you. Autumn ang pangalan ko ngayon." Sabi ko sa kanila.
Dinala nila ako sa mansyon nila at sinabi din nila na magkakilala sila nila Zeus.
"Uhmmm... pwede magtanong?" Sabi ko sa kanila.
"Ano yun?" Sabi ni Liz.
"Magka ano ba kami ni Zeus?" Sabi ko. Nagulat naman sila sa tanong ko.
"Sa nakikita ko sa una palang... parang gusto niyo ang isa't isa at mahal pa ninyo ang isa't isa eh." Mahal na mahal namin ang isa't isa?
Natahimik ako. Ganun pala ganun nalang kung tumibok ang puso ko pag nakikita ko siya.
"Okey ka lang?" Ang bilis ng t***k ng puso ko kaya pala once nasa harapan ko siya ganito ang puso ko at nung galit siya sa akin nasasaktan ako ng husto.
Forward...
Naglalakad ako at biglang tumulo ang luha ko. At biglang bumuhos ang ulan kaya pinabayaan ko nalang na mabasa ako.
Mahal ko nga siya... pero bakit ganun ang galit niya sa akin di na ba niya ako mahal?
Naglalakad padin ako ng may isang taong nakatayo sa harapan ko at basang basa na din siya. Pagtingin ko nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita ko....
Mas lalong bumilis ang puso ko sa kaba o sa gusto ko siya.
"Z-zeus..." nanginginig na sabi ko.
Bigla nalang niya akong hinalikan sa labi.
?3?
*******
LMCD