Zeus POV...
Nakaupo ako sa upuan ko dito sa opisina ko. Iniisip ko kung ano na ang ginagawa ni Athena ngayon. I miss her so much.
"Zeus!" Hinihingal na sabi ni Poseidon. Napatingin ako sa kanya.
"Why?" Sabi ko sa kanya.
"Si Athena..." napatayo ako at tumakbo kami hanggang makarating kami sa lugar kung saan may naganap na labanan dito at lumapit si Ares sa akin.
Napatingin ako sa kanya. May pinakita siya saakin na pendant... teka pendant toh ni Athena.
"Di kaya..." maiyak iyak na sabi ni Artemis. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa baka mangyari sa kanya.
"Hindi. Alam ko na hindi pa siya patay." Tumakbo ako hahanapin ko siya. Athena naman ayoko nang may mangyaring masama sayo nangako ako sayo na ipagtatanggol na kita.
Hinihingal akong tumatakbo ng biglang umulan. Di ako susuko...
"Athena!!" Sigaw ko. Asan ka na!
Napahinto ako nang may babae akong nakikita na naglalakad at nakayuko siya at bigla din siyang napahinto at tumingin saakin.
"Z-zeus..." nanginginig na gulat na sabi niya. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi na kinagulat niya.
At maya maya naramdaman ko na ding tinanggap niya ang halik ko. At humiwalay na ang labi ko sa labi niya at hinalikan ko siya sa noo.
"Athena..." niyakap ko siya. I love this girl so much.
Athena POV...
*Achoo!*
Nako nako nako!!! Sinipon tuloy ako at parang umiikot ang paningin ko di ko alam kung bakit.
Ay nandito pala ako sa mansyon ni Zeus. Naiilang padin ako sa kanya dahil sa ginawa niya na paghalik sa akin. Kahit wala akong maalala ay gusto ko ang halik niya at parang natikman ko na iyon noon pa.
"Here." Napatingin ako sa kanya may dala siyang hot choco.
"Salamat." Nakayuko kong sabi. Tumango siya at umupo sa gilid ko. Ang awkward naman...
Naubus ko na ang hot choco di padin siya nagsasalita.
Parang umiikot talaga ang ulo ko... bigla akong napahawak sa damit niya.
Na kinatingin niya saakin.
"Are you okey?" Nag aalalang sabi niya. At hinawakan niya ang noo ko.
"Teka ang init mo." Sabi niya at napahiga ako sa dibdib niya di ko na kaya eh. Ang sakit ng ulo ko at napapikit ako dahil parang umiikot ang paligid ko.
"Zeus, mahal kita." Di ko alam kung bakit ko nasabi yun. Basta ang gaan sa pakiramdam hanggang sa napapikit ako.
Nagising ako nasa loob na naman ako ng kwarto ni Zeus. Binuhat niya ata ako? Di naman ako mabigat eh.
Napaupo ako at napahawak ako sa ulo ko. Hay nako teka pwede ko naman siguro pagalingin ang sarili ko noh?
Pero paano?
Baka magiging okey rin ako maya maya. Tumayo ako at lumakad palabas eh sa gutom ako eh.
Nasaan ba yung kitchen dito? Ang laki kasi ng bahay eh.
"Lady Athena, bakit po kayo tumayo agad." Napatingin ako sa tumawag saakin. Napaturo ako sa sarili ko.
"Ako? Ako kausap mo?" Sabi ko. Tumango ito at lumapit saakin.
"Opo, kayo po. Aalagaan na rin po namin kayo dahil kayo po ang nag iisang babae sa buhay ni Master Zeus." Sabi nila. Teka nag iisang babae?
"Ha?" Sabi ko nalang. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Ay! Nakalimutan ko po. Nagka amnesia pala kayo kawawa naman po si Master Zeus di mo maalala ang mga kahapon niyo na magkasama kayo sa iisang bahay noon.." napataas ang isang kilay ko.
"Alam mo buhay namin?" Sabi ko.
"Ay hehehe hindi po. Kwento po yun ni Master Apollo... eehhh!! Ang gwapo niya talaga!" Ayun kinikilig pa siya.
Napahawak ako sa dingding ng biglang umikot ang paningin ko.
"Okey lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong nito. Tumango lang ako at ngumiti.
"Wag kang mag alala di pa ako mamamatay." Sabi ko sa kanya.
"Wag po kayong magsalita ng ganyan... ihahatid ko na lang po kayo." Inalalayan niya ako.
"No need... pupunta ako ng kusina." Sabi ko sa kanya.
"Pero..."
"Pwede bang samahan mo ko doon?" Sabi ko. Napabuntong hininga naman siya.
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko rito mukhang nasa mga 16 pa ang edad niya.
"Ako po si Lea. At isa po akong Magic Caster." Sabi nito. Eh teka Casting?
"Isa kang Wizard?" Tanong ko rito. Tumango ito.
"Lahat kami Wizards and also Butlers. At 5 taon na naming prinoprotektahan ang mansyong ito na pinatayo ni Master Zeus. Utang namin ang buhay namin sa kanya dahil niligtas niya ang buhay namin nung magwakas ang mundo. " Sabi nito. Teka magwakas ang mundo?
"Anong ibig mong sabihin? Gumuho ang mundo?" Sabi ko sa kanya.
Naalala ko nung sinabi ni Zeus saakin nung niligtas nila ako sa lalaking ginawa nilang kuneho.
Flashback...
"So... matabang kuneho hanggang dito ka nalang. Mukhang gutom na si Apollo gagawin ka nalang naming Inihaw na Kuneho" nakangiting sabi ni Zeus.
Napailing yung kuneho. Napatakbo ako papunta sa kanya.
"Wag!" Napatingin siya saakin.
"What?" Inis niyang sabi.
Agad kong inagaw ang kulungan nito.
"Wag mo siyang patayin... ayokong may mamatay." Sabi ko. Nakatitig lang siya saakin.
Napabuntong hininga ito.
"Bakit ginawa mo yun noon." Malamig na sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Zeus!" Sigaw ni Apollo.
"Nevermind." Sabi niya sabay talikod saakin.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Baka ginawa yun ng dating ako kasi may dahilan hindi yung papatay siya na walang dahilan." Sabi ko kahit di ko maintindihan ang sinasabi ko. Pero di nga nakapatay ako noon?
End Of Flashback...
"Ibig sabihin ako ang dahilan kung bakit gumuho ang mundo." Nakayukong sabi ko.
"Ah.. eh.. wag na po niyong isipin ang nakaraan... sigurado naman po akong may dahilan kayo kung bakit niyo yun ginawa... at ang isipin po natin ay yung ngayon." Sabi nito. Pinilit kong ngumiti.
Napatingin siya sa orasan.
"Aahh... Lady Athena, may gagawin pa po ako sige po tawagin niyo lang ako if may kailangan ka." Sabi nito saakin. Tumango nalang ako. At umalis na siya.
Tulala ako habang kumakain ng cake.
Sino ba ang makakatulong saakin?
Sumasakit ang ulo ko kung iisipin ko agad ang mga nangyari noon.
At may isa pa akong iniisip at yun yung.... ginawa ko noon. Bakit ko winasak ang mundo noon?
'Power of Destruction!'
Nanlaki ang mata ko. Ano yun?! Yun ba ang ginawa ko?
Pumikit pa ako iniisip kung ano pa ang nasa isip ko. Kahit masakit ang ulo ko ginawa ko padin.
Hinihingal ako habang inaalala ang nakaraan. Bakit di ko magawa? Bakit di ko maalala ang nakaraan?
Napahawak ako sa mesa at umiyak. Gusto kong malaman lahat pero di naman nagco cooperate ang utak ko. Parang mas lalo lang itong sumasakit.
Napahawak nalang ako sa noo ko.
"Baby Athena!" Napatingin ako kung sino ang tumawag. Si Artemis lang pala.
Niyakap niya ako.
"Bakit ka tumayo? May lagnat ka pa." Nag aalala niyang sabi. Unti unting nawala ang sakit ng ulo ko at tiningnan ko siya.
"Gutom ako eh. Teka asan si Zeus?"sabi ko sa kanya.
"Nasa library busy as always." Sabi nito. Napatango nalang ako.
"Gusto kong maglakad lakad... Artemis pwede mo bang ikwento mo sa akin ang mga nangyari noon baka may maalala ako." Sabi ko sa kanya.
"Hmm... okey pero yung mga minor lang. Gusto kasi nung lalaking yun na ikaw mismo ang kumilala sa sarili mo." Nakapout niyang sabi. Lalaki?
"Sino?" Sabi ko.
"Don't mind it." Sabi niya at inalalayan akong tumayo.
"Nakakabored dito... gusto mong pumunta tayo sa Japan, Korea o sa America saan mo gusto?" Sabi niya.
"Ha? Malayo yun diba?" Sabi ko.
"Malayo nga pero once na mapuntahan mo ang mga lugar na yun ang maiisip mo nalang ay di sayang ang pagtravel mo nang malayo dahil sulit na sulit ang punta mo sa lugar na yun." Sabi nito habang nakatingin sa langit.
"Traveler ka pala." Sabi ko.
"Yup! Isa kasi akong designer s***h model. Sikat atah ako." Sabi nito. Oh?
"Talaga?! Maganda at sexy ka naman kaya bagay talaga sayo maging model." Sabi ko sa kanya. Napangiti siya.
"Alam mo namiss kita, Baby Athena. Nung nagkita kami nila Zeus ikaw talaga ang agad na hinanap ko at nung nalaman kong hahanapin ka pa nila nalungkot ako." Sabi niya. Niyakap ko siya di ko alam ang lapit ng loob ko sa kanilang lahat para ko talaga silang pamilya.
"Namiss ko yung mga oras na magkaklase tayo nung nasa High School pa tayo yung nagkukulitan tayo at nagsasahan." Sabi niya at ngumiti ako.
"Sana maalala ko yung mga araw na yun." Sabi ko.
"Tama! I have an idea." Napatingin ako sa kanya.
Kinabukasan...
Pinasout niya ako ng uniform. Teka lang di ko na maintindihan... wag niyang sabihing mag aaral kami ulit?
Bumaba kami sa hagdan at nakita namin sila Poseidon, Hades, Hera, Ares and Apollo. Nakasout din sila ng uniform pero bakit wala si Zeus?
"Hahaha baka busy yun wag mo nang isipin si Zeus." Sabi ni Apollo. At inagbayan ako ng bigla nalang hinawakan ni Artemis ang tenga ni Apollo.
"Aray! Aray! Ano ba!" Sigaw ni Apollo.
"Gusto mo mamatay agad sa kamay niya mismo?" Sabi ni Artemis sa kanya. Napapout naman ito.
"Let's Go." Sabi ni Poseidon.
Tumango kami at tumingin ako sa likod wala talaga siya.... di siya sasama sa amin?
Galit pa ba siya? Pero bakit niya ako hinalikan? Napahawak ako sa labi ko.
Pagbukas ng pintuan ng sasakyan nagulat kami kung sino ang nasa loob ng sasakyan.
"Zeus! Nandito ka lang pala." Masayang sabi ni Poseidon.
"Tsk."
Agad akong pumasok at napagpasyahan na sa likod sana pero agad akong inunahan ng iba kaya ang choice ko ay ang tumabi kay Zeus.
Napapout nalang ako.
Napangiti nalang sila parang naging bata ang ugali ko ngayon ganito kasi yun once kasama ko siya umiiba ang ugali ko parang nagiging childish?
Habang nagbabyahe napatingin ako sa kanya.
"What?" Sabi niya. Ngumiti lang ako at umiling.
"Salamat dahil niligtas mo ko. Dinala mo ko sa mansyon mo nung nawalan ako ng malay." Sabi ko sa kanya. Di siya tumingin sa akin. Napangiti ako at hinalikan ko siya sa pisnge na kinagulat ng lahat.
Nang bigla akong nagising sa ginawa ko napayuko ako at ang init ng mukha ko!
Nang makarating kami sa school. Teka pang college toh at yung pinakamahal pa na school.
"Ang laki." Nakangangang sabi ko.
"Yeah, this is Zeus School... this is Kami University." Paliwanag ni Hades. Teka school ni Zeus? Kami... Means in Japanese Gods.
May lumapit na lalaki mukhang siya ang Dean dito.
"Good Morning Masters and Ladies." Sabi nung lalaki.
Napatingin ako sa paligid wala masyadong students baka nagklase na sila.
Lumapit ako kay Zeus.
"Zeus, may power ba ang mga estudyante dito?" Tanong ko. Gusto ko siyang makausap kaya nag iisip ako ng nga tanong at yun lang ang nasabi ko.
"Wala."
Napatango nalang ako. So makikisalo kami sa mga tao... masaya yun! New friends!
Lumakad kami papunta sa rooms namin binigyan kami ng schedule. Habang naglalakad ang mga estudyante nakatingin lang sa amin teka bakit iba ang damit namin sa kanila?
May parang kapa kami ibang iba sa kanila.
'Biniyayaan sila ng ganda!'
'Para silang mga Greek Gods!'
Napatago ako sa likod ni Zeus may mga kamera kasi eh sa mahiyain ako pagdating sa cam eh sila kahit anong angolo okey na okey sila kahit kuhaan ng litrato.
Bigla nalang akong nabangga sa likod ni Zeus. Di ko napansin huminto pala sila.
"Tumigil nga kayo sa pagkuha ng litrato." Malamig na sabi nito. Napatago naman agad sila sa mga cellphone nila. At nakahinga naman kami ng maluwag.
At nagpatuloy sa paglakad.
Hanggang makarating na kami sa room at may guro na doon.
"Okey, class this is your new classmates. Introduce yourselves." Sabi pa ng guro namin.
"I'm Rina Sanchez." Pakilala ni Hera. Napakamisteryoso talaga niya.
"Candrea Balmera." Maldita niyang pagkasabi ni Artemis. Ganun pala siya sa iba pero saakin bakit iba ang pinapakita niya.
'Siya yung model sa paris diba!'
'Ang ganda niya sa personal.'
Sikat talaga siya.
"Good Morning I'm Edwin Lee." Sabi ni Ares.
'Ang cute niya!'
"Hello girls! Ako ang pinakagwapo sa kanila... ouch! Nakakailan ka na ha!" Reklamo ni Apollo binatukan na naman siya ni Artemis. Ang sweet talaga nila. Sinamaan lang siya ng tingin nito.
"... hay... ako nga pala si Tyler Thombson. I'm single and ready to miggle." Pahabol niyang sabi.
'Kyaaa!' Ang ingay ha.
"Devin Cullens." Malamig na sabi ni Hades. Parang may itim na aura ang pumapalibot sa kanya. Nakita ko napakagat ang iba ng labi.
'Ang hot niya!'
"Hello guys! Edward Samson pala." Sabi ni Poseidon at nagtilian pa sila.
'Siya yung sikat na surfer!'
'Bakit may mga sikat tayong kaklase dito!'
'Ang swerte natin!'
Napatingin sila kay Zeus. Siya ang susunod kasi.
"I'm Tyrome Evans." Malamig pa sa ice na sabi ni Zeus.
"And last.." sabi ni Maam.
"Ako nga pala si Autumn Watson, nice to meet you guys." Sabi ko sabay bow.
'Ang cute niya.'
'Ligawan ko kaya.'
'Ako na ang liligaw!'
Biglang may malakas na hangin ang biglang dumating at napatumba ang dalawa sa upuan.
'A-ano yun?!'
Napatingin ako kay Zeus... parang papatay ng tao.
"Uhmm.. I'm taken." Sabi ko napatingin sila Zeus saakin.
"Sino?!" Sabay sabi nung mga lalaki.
"By him." Sabay turo ko kay Zeus at tiningnan ko siya na pati siya ay nagulat dahil sa sinabi ko.
Bahala na ayokong magalit saakin si Zeus baka kung mapaano niya ang mga bata. At sabi pa nila noon mahal daw namin ang isa't isa kaya inaalam ko simula sa ganitong paraan.
"Sayang taken na sila."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kinanganga ko. Teka anong ginagawa niya?
"She's mine, only mine." Mapang angkin na sabi niya na kinagulat ko.
Ano daw?!
LMCD