Athena POV...
Nandito ako sa likod ng school. Tumakas kasi ako eh...
Ganito kasi yun pagkatapos ng sinabi niya na 'she's mine' daw
Parang awkward na ang nangyari ako lang ba o pati siya? Nung nagdismiss na kami agad akong lumabas ang sabi ko magc cr muna ako at pina una na sila.
At dito nako dumiretso. Umupo ako sa bench dito at nakatingin sa kalangitan.
"Bakit ganito, ganito ba talaga ang tama ko sa kanya? Ganito pala ang pag ibig na nangyayari sa mga telebisyon o books lang mangyayari." Sabi ko sa sarili ko at nagbuntong hininga nalang ako.
"Bakit ka napatawag?!" Napatinging ako kung sino ang nagsalita di kasi niya ako makita dahil may puno na pumapagitna saamin.
At nagulat ako na si Artemis pala ang nagsasalita. Sino kaaway niya?
"H-ha... anong sabi mo? Di yan totoo diba?" Mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Hindi yan totoo! Di pa patay si Sky!" Sino si Sky?
Binaba na niya ang tawag tapos napatakip siya sa mukha niya. Kailangan ko siyang tulungan kahit di pa bumabalik ang memories ko feeling ko na kilala ko na sila noon pa.
Boung araw ibang Artemis ang nakikita ko makikita naman yun sa aura niya ang pagiging malungkutin.
Sino kaya yung Sky na kilala niya?
"Okey all students proceed to the Gym." Sabi nung guro namin.
Tumayo na kami at nagbihis ng P.E. uniform.
At dumiretso kami sa Gym.
"Okey ngayon ang magleleader sa inyo ay si Tyrome kaya sumunod kayo sa kanya." Sabi nang guro namin.
"Ang gagawin natin ay tumakbo ng 50 laps." Sabi niya. Teka pamilyar ang nangyayari ngayon...
Tumakbo na kami at di pa sila nangangalahati para na silang hihimatayin.
Napatingin ako kay Zeus at lumapit sa kanya.
"Bigyan mo sila ng inspirasyon para ganahan silang gawin ang mga pinagagawa mo." Sabi ko mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko maski ako mukhang nangyari na toh dati.
Binawi niya ang pagkagulat niya at humarap sa mga students.
May ginawa siya na di ko nalalaman. Nakita kong nagsitayuan ang mga estudyante.
"Sisiguraduhin kong ako ang mauuna!" Sigaw nung isa at nagsitakbuhan na silang lahat.
"Anong sinabi mo?" Sabi ko sa kanya.
"Secret." Sabi nito. Bigla akong nakaramdam ng inis at kasali na rin yung pagsakit sa ulo ko agad akong tumakbo paalis doon. Ewan ko sa kanya.
Makarating ako sa tambayan ko at napahawak padin sa ulo ko. Kumikirot nanaman sa sakit.
'Zeus'
At napapikit ako at natumba ako bigla. Naririnig ko ang mga pamilyar na boses hanggang sa kahulihan nawalan na ako ng malay.
Nagising ako na nasa clinic nako at nakita ko si Zeus na nakatitig saakin.
Napahawak ako sa ulo ko.
Tsk... mukhang unti unti ko nang nalalaman ang past ko.
"Bakit ang lamig mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Nagulat siya dahil sa pananalita ko. Di naman ganyan si Zeus sa akin noon. Ibig sabihin nagbago na talaga siya.
"Athena..." ngumiti ako at hinarap siya.
"Wag ka namang maging malamig sa akin. Close tayo noon diba?"
Di siya nagsalita. At napabuntong hininga ako.
Mukhang di siya si Zeus na kilala ko noon.... yung Zeus na minahal ako at pumoprotekta sa akin. Binali ko na naman ang pangako ko sa kanya noon na magdesisyon ng ako lang.
Ibang iba na siya di kaya... may iba na siyang mahal?
Napailing ako at nakita ko na tumayo na siya.
"Magpahinga ka muna diyan." Sabi nito at umalis na.
Sinundan ko siya nang palihim alam ko na kasi gamitin ang kapangyarihan ko. Naging invisible ako sinundan ko siya habang lumilipad.
Nang pag ikot niya sa building agad ko itong sinundan at nagulat ako sa nakita ko....
May kahalikan siyang iba!
Nakatingin lang ako sa kanila at bumaba nako sa lupa na kinatingin ni Zeus sa akin. Di ko napansin wala na pala ang invisible powers ko.
Kaya pala...
Napa atras ako at tinulak niya ang babae. Napailing ako habang umaatras.
Naalala ko yung may halimaw sa school namin at ako ang hanap nila at dahil galit si Zeus ng mga oras na yun... di ko makayanan na umiyak dahil sa galit at lungkot.
Lumipad ako at naramdaman kong sinundan niya ako.
"Athena! WAIT!" Sigaw nito. Di ko siya pinansin. Hanggang sa biglang sumakit nanaman ang ulo ko kaya biglang dumilim ang paningin ko at di ko na alam ang nangyari.
Forward....
Zeus POV...
Sh*t that woman!
Siya ang may dahilan kung bakit nahimatay si Athena di ko siya mapapatawad.
Ganito kasi ang nangyari...
Flashback...
Morning...
Naglalakad ako sa hallway at ang mga students ngayon ay nasa kanilang mga klassroom ng may humarang saakin na isang babae.
"Tabi." Malamig na sabi ko.
"Ang init naman ng ulo mo, Tyrome." Malanding sabi nito.
Aalis sana ako kaya lang humarang ulit siya sa daanan ko.
"I want you." Sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Humanap ka nang ibang lalandiin. Maling tao ang nilapitan mo." Sabi ko at nilagpasan ko na siya.
"Alam ko kung sino ka." Sabi nito. Napahinto ako sa paglalakad.
At humarap sa kanya at lumapit siya saakin at hinawakan ang dibdib ko.
"I know you... Zeus. Ang nag iisang lalaking mapapasaakin." Nakangiting sabi niya. Tinulak ko siya.
"Hindi ako magiging sayo." Sabi ko.
"Sino ba ang babae mo? Yung kasama mo palagi? Yun ba? Eh kutong lupa lang yun eh ... ako mas maganda ako sa kanya." Sinampal ko siya. How dare she call Athena like that.
Napanganga siya sa ginawa ko.
"So ganun mo siya kamahal? Pwes... sisirain ko kayo." Sabi niya at nawala na parang bula.
Umalis nako hinanap ko si Athena sa boung lugar pero wala nang makita ko siya sa likod ng building at wala na itong malay agad ko siyang dinala sa clinic.
Hinawakan ko kamay niya at tumingin sa kanya.
"I miss you. My love. Di kita ipagpapalit sa malanding yun." Sabi ko sa kanya.
Napansin kong napamulat siya kaya binitawan ko kamay niya.
Napahawak siya sa ulo niya. Anong nangyari sa kanya?
"Bakit ang lamig mo saakin?" Sabi niya saakin na kinagulat ko.
"Athena..." ngumiti siya at humarap sa akin.
"Wag ka namang maging malamig sa akin. Close tayo noon diba?" Sabi nito. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.
Di ako nagsalita narinig ko nalang siyang napabuntong hininga
"Magpahinga ka muna jan." Sabi ko at umalis na ayokong masaktan siya.
Naglalakad ako ng biglang may humila saakin at hinalikan ako. Gulat na gulat ako sa mga nangyari.
Napansin ko na may nakatingin sa amin at nanigas ako sa kinatatayuan ko na si Athena pala ang nakatingin saamin.
Tinulak ko itong malanding toh at lalapitan ko sana siya ng umaatras siya at lumipad siya sinundan ko siya.
Nagkakamali siya ng inakala. Ito na ba ang sisira sa amin?
"Athena!" tawag ko pero di siya nakikinig hanggang napahawak siya sa ulo niya na parang namimilipit sa sakit.
Hanggang sa napansin kong mahuhulog na siya kaya agad ko siyang nasalo.
"Athena..."
End of flashback..
Nandito ulit kami sa mansion ko sa kwarto ko.
"I'm sorry nagpahalik ako sa babaeng yun." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
Athena POV...
Napamulat ako at naalala ko ang nangyari at bumalik na din alaala ko sa wakas.
Nakita ko na nasa kwarto na naman ako ni Zeus. Naalala ko nanaman ang nangyari bago ako hinimatayin.
Tumayo ako at biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Zeus na nakatingin saakin. Umiwas ako ng tingin at lalakad sana ng hawakan niya ang kamay ko.
"Athena..."
"Oh?" Sabi ko sa kanya.
"I'll explain." Sabi nito. Hinarap ko siya at may mga luha na sa mga mata ko. Kainis lumabas agad pwede na akong maging artista nito.
"Di mo na kailangan mag explain... di naman tayo at matigas ang ulo ko noon diba? Hindi ako nakikinig sayo. Kasalanan ko noon ang mga nangyayari sa akin at sana sinabi mo na di mo na ako mahal para di na ako umasa ng umasa dahil sa mga sinasabi nila na nagmamahalan tayo noon." Sabi ko at kinuha ko ang kamay ko sa kanya.
Nabigla ako nang hinigit niya ako at nang makaharap na ako sa kanya at bigla niya akong hinalikan na kinabilis ng t***k ng puso ko di ko siya matulak ang lakas niya at ako nanghihina ako.
Pero tinulak ko pa din siya at umiiyak pa din ako.
"Tama na. Wag mo na akong saktan. Mabuti na sana na tuluyan na ako nawalan ng memories sayo para di na ako makaramdam ng sakit kagaya ngayon. Sana pinabayaan mo nalang akong mamatay ng tuluyan sa halimaw di mo na sana ako iniligtas kung paghihiganti lang pala ang gusto mo dahil sa nangyari noon."
Hinawakan niya ako sa balikat.
"Athena! Pakinggan mo ko!" Tiningnan ko siya at nagsunod sunod ang luha ko.
"Hindi ako kailanman nakikinig say---" natahimik ako at hinalikan niya ulit ako at niyakap niya ako para di na ako makagalaw pa.
Biglang gumalaw ang kamay ko papunta sa kanyang leeg at pinulupot ito.
Bakit ganito nalang ang tama ko sa kanya.
At napahiwalay ang labi namin at tiningnan niya ako sa mga mata.
"Your mine... only mine and I'm yours only. Wala nang iba pa na mahal ko kundi ikaw lang tandaan mo yan wag mong kakalimutan." Sabi nito. Nakatitig lang ako sa kanya.
Napayuko ako.
"Paano yung babaeng kahalikan mo..."
"Desperada ang babaeng yun gusto niya akong makuha at ayokong mangyari yun... bigla niya akong hinigit kanina at hinalikan ako." Nakaramdam ako ng galit sa ginawa ng babaeng yun.
Napatingin ako sa kanya at niyakap siya.
"Miss na miss kita. At akin ka lang ha." Sabi ko niyakap siya ng mahigpit.
Niyakap din niya ako.
"Mula noon hanggang ngayon hanggang sa hinaharap... sayong sayo na ako, I miss you too, My Athena." Sabi naman nito.
"So... anong tawag natin ngayon sa relationship natin?" Nahihiyang tanong ko.
"Fiancee." Nanlaki ang mata ko. Agad agad?!
"Ha?" Naalala ko pinagkasundo na pala kami.
"Ayaw mo?" Nalungkot niyang sabi.
"Gusto." Namumulang sabi ko.
Biglang may lumabas sa kamay niya na dalawang singsing at isinuot niya ito sa daliri ko at sinuot ko din sa daliri niya na kinangiti namin. Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo.
"Halika na... My Fiancee." Sabi nito. Ngumiti ako at tumango. At naglakad kami habang nakahawak ang aming mga kamay.
Kinabukasan...
Naglalakad ako at sila Zeus may ginawa kasi siya kasi ang New Student Council President.
Habang naglalakad nakita ko yung babaeng humalik kay Zeus na babae bigla niya akong hinarang sa daan.
"Tsk.. isa ka ba sa mga katulong ni Zeus na wizard? Tsk at ikaw ba ang sinasabi ni Zeus na mahal niya?" Sabi nito.
"Ako nga bakit?" Malamig na sabi ko.
"Akin lang si Zeus." Nakangiting sabi nito. Napakuyom ako.
"He's mine only." Sabi ko. Mukhang nainis naman siya.
"Akin lang siya!" Sigaw niya at nagpalabas ng apoy sa kamay nito at tinira saakin.
Teka hindi siya isang tao?!
"Ikaw mahinang nilalang ka! Anong ginawa mo para mahulog siya sayo ng ganun!" Sigaw niya. So di pa pala niya alam kung sino ako?
"Ang sekreto nun ay ang kapangyarihan ng pag ibig." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw!" Sigaw niya. At itinapon ang bolang apoy saakin.
Napaiwas naman ako. At nang makakita ako ng matatamaan binalik ko sa kanya ang apoy niya.
Napatumba naman siya.
"Paanong..."
"Goodbye, B*tch." Nagpalabas ng apoy at biglang lumabas ang mga halimaw na promotekta sa kanya.
At bigla ding nasa harapan ko si Zeus na handang promotekta saakin.
"Athena, diyan ka lang." Sabi niya.
"Babalik ako! Papatayin kitang babae ka! Humanda ka!" At nawala na lang sila bigla.
Teka bakit kasama niya ang mga halimaw?
"I knew it!" Napatingin ako kay Zeus. Humarap siya saakin.
"Are you okey?" Tanong nito. Tumango ako.
"Kilala mo na siya?"
"She's the Princess of Monsters." Sabi nito. Hala may kalaban nanaman kami!
Niyakap niya ako.
"Don't worry, po-protektahan kita. Sasabihin ko kina Lolo at Lola mo na sa akin ka na tumira. Wag kang mag alala may pinadala na kong isang katulong doon na poprotekta sa kanila." Sabi nito.
"Salamat."
"Ano yung narinig namin na ingay?" Sabi ni Apollo.
"May bago tayong kalaban." Seryosong sabi ni Zeus.
"At Prinsesa siya ng mga halimaw." Sabi ko rito.
Napatingin ako kay Artemis bigla akong nakakita ng galit sa kanya.
Don't tell me kagagawan ng mga halimaw yung pagkamatay sa kaibigan ni Artemis.
Mukhang hindi na pansin nang ilan ang aura ni Artemis.
Library...
Itinago ko ang Kapa ko sa bag ko. Di ko lang talaga care magsout nun. Parang nirerespeto ka nang iba. Ang weird lang.
Hinahanap ko si Hades. Asan na kaya yun?
Nakita kong may mga babaeng parang kiti kiti na may tinitingnan.
'Ang gwapo niya talaga!'
'Oo nga... kaso ang cold lang.'
Napatingin naman ako sa tinitingnan nila.
Si Hades!
"Hade...."
"Shhh.." sabay sabi nila.
"Wag kang maingay, Girl." Sabi nung isa. Ay oo nasa library pala ako.
Bumalik ang pagtingin nila kay Hades.
"Ang cute niya talaga!" Sabi nung ilan.
"Lapitan niyo kaya." Sabi ko.
"Walang kahit sino ang makakalapit sa kanya dahil nakakatakot siya." Sabi nung isa habang di nakatingin saakin.
"Di naman." Sabi ko at lumakad papunta kay Hades.
"Wait, Miss.." tawag nila. At may dumating na teacher kaya pinaalis sila dahil maingay na siguro. Lumapit ako may itatanong lang ako.
"Hades..." nakangiting sabi ko.
"Oh, Athena. Naparito ka may kailangan ka?" Nakangiting sabi nito at hinila ang isang upuan sa gilid niya.
"I need your help. Secret help."sabi ko.
Nasa isang bakanteng silid kami dito ko siya dinala.
"What kind of help?" Sabi nito.
"Gusto ko tulungan si Artemis." Sabi ko. Napakunot naman ang noo niya.
"Why me?" Tanong nito. Tumingin ako sa kanya.
"Dahil ikaw lang ang may kayang kumausap ng kaluluha at makakabukas ng Underworld. Ako doon lang ako sa entrance ng mga kaluluwa pero di talaga ako nakakapasok doon." Sabi ko.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari.
"I see." Sabi nito.
"Papayag ka ba?" Tanong ko sa kanya at ang lapit ng mukha ko sa kanya. Nagpapacute lang ako. Sana pumayag.
"Please!!" Nakangiting sabi ko.
"Okey." Sabi nito at napatalon ako sa kanya at niyakap ko siya.
Nang biglang bumukas ang pinto na kinatingin ko doon.
'Zeus..'
*****
LMCD