Athena POV...
Nakatitig lang ako sa kanya.
"Zeus.." nasabi ko nalang.
"Athena, what's the meaning of this?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Parang ang nangyayari ngayon ay parang nag taksil ako nito ha?
Nakikita ko sa mga movie na ganun ang nangyayari.
"I need to go. Athena mamayang gabi tayo pupunta." Sabi ni Hades at tumango lang ako at lumabas na siya. Pero teka iniwan talaga ako ni Hades na di man lang ako niligtas o magbigay naman siya ng kaunting palusot.
Nakatitig lang siya saakin. At napalunok ako sa tingin niya para kasing mangangain ng tao eh.
"Athena, kind you explain what's happening with you and Hades?" Napakagat ako ng labi. Teka sasabihin ba? Secret nga yung plano eh. Pero si Zeus yan at makakapagkatiwalaan mo siya, Athena.
"Ano kasi Zeus..." sasabihin ko ba talaga?
"Did you cheat me?" Nanlaki ang mga mata ko at napailing. Sinong nang cheat?
"Hindi ah! Mali ang iniisip mo. Gusto ko tulungan si Artemis." Aish kitams sinabi ko sekreto sana namin ni Hades yun eh!
"About what? Bakit siya ang nilapitan mo bakit hindi ako?" Sabi niya kumalma na din ang mukha nito at may nakita akong nasasaktan siya.
Ang Zeus ko....
Lumapit ako at niyakap ang tyan niya para di na siya malungkot.
"About sa namatay na kaibigan ni Artemis na kagagawan ng mga halimaw... sigurado ako hahanap yun ng paraan para mahanap niya ang mga halimaw at ayokong masaktan siya o mamatay ng dahil sa siya lang ang susugod mag isa." Paliwanag ko at tumango naman siya at hinawakan ang bewang ko.
"I see... pero ililihim niyo pa saakin." Yun lang napapikit ako at dahan dahang tumingin sa kanya. Yung tipong nagpapacute at sana di siya magalit.
"Sasabihin ko naman sayo kaso..."
"Kaso?"
"Busy ka kasi... ayokong makidagdag sa problema mo dito sa school. Ayokong madami kang aasikasuhin." Sabi ko. Totoo naman siya kaya may ari nitong school.
"Athena, my true job is to protect the whole world and kill the enemies and my priority is to protect you." Hinaplos niya ang buhok ko na kinapikit ko.
Siya nga si Zeus na minahal ko. At di kailanman magbabago.
"Poprotektahan din kita gaya ng pagprotekta mo sa akin." Sabi ko din.
Pinat niya ulo ko at ngumiti.
"Let's go." Sabi nito at tumango nalang ako.
Bumalik na kami sa silid namin at nakita ko doon si Artemis seryoso talaga ang mukha niya.
"Baby Athena, okey ka lang?" Tanong ni Apollo. Tumango ako at ngumiti.
Gabi...
Nandito ako sa kwarto ko at napansin ko wala ang aura ni Artemis dito sa kabilang kwarto don't tell me...
Pumikit ako ginamit ko ang future powers ko.
Nakita ko siya nasa isang lugar na madilim at may mga halimaw doon at makikipag laban siya sa mga halimaw.
Napamulat ako. Mangyayari yun mamaya!
Agad akong tumakbo papunta sa lugar kung saan kami magtatagpo.
"Zeus... wala si Artemis sa kwarto niya." Sabi ko.
"Sinasabi ko na nga ba." Sabi ni Zeus.
"Ako na ang bahala sa kaluluha ng bata na kaibigan ni Artemis." Sabi ni Hades.
Tumango kami at nawala bigla si Hades. Tiningnan ko si Zeus.
"Baby Athena!" Napatingin kami sa tumawag.
"Apollo, Hera, Ares? Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ko. Di naman sila updated sa plano naming pagligtas kay Artemis?
"Syempre sasama sayo." Sabi ni Apollo. Tiningnan ko sila Zeus at Hades kung may nagsabi ba sa kanila at umiling naman silang dalawa.
"I know kung saan makikita si Artemis." Sabi ni Hera.
"Sasama kami sa inyo dahil kasapi din kami sa Eight Deadly Royals." Sabi ni Ares. Tama nga siya. Isang team kami. Tumango ako at ngumiti.
*Phone Ring*
Napatingin ako sa cellphone ko.
"Si Liz tumatawag." Sabi ko at sinagot ko naman ang tawag.
"Liz." Narinig ko na may mga labanan sa paligid niya dahil sa mga sabog at mga tunog ng espada sa paligid.
"Sumusugod ang mga halimaw sa mga tao!" Panik niyang sabi. Nanlaki ang mata ko.
"Okey... papunta na kami!" Sabi ko at tumingin ako sa kanila. At mukhang narinig naman nila ang nangyayari doon.
"Kaya natin toh guys." Sabi ko at tumango sila at nagteleport kami kung saan ang mga halimaw.
Nakita din namin sila Liz doon na nakikipaglaban. Naalala ko marunong na siyang makipaglaban pati ang kapatid niya nakikipag laban na din.
"Liz! Will!" Tawag ko.
Napatingin sila sa amin.
"Guys!" Sabay sabi nila at lumapit sa amin.
"Mabuti nandito na kayo. Di namin kakayanin ang ganyang karami." Sabi ni Will.
"Kailan pa sila dumating?" Tanong ko agad.
"Kanina lang mga 10 minutes bago ako tumawag sayo, Athena." Sabi din ni Liz.
Di kakayanin ng mga normal na kawal nila dahil may kapangyarihan din ang mga halimaw.
"Kami na ang bahala sa kanila." Sabi ko at itinaas ko ang kamay ko at lumabas ang liwanag doon at nagbibigay iyon ng energy at nagpapagaling ito sa mga kawal na nasugatan sa labanan.
"Okey, let's Go!" Sigaw ni Zeus. At tumango naman kami.
Habang nagkikipaglaban kami biglang may lumabas na malaking halimaw. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko ang laki niya!
"Nandito na ang pinakahihintay ko ang magkaharap tayong mga Deadly Royals!" Sabi nung halimaw.
"Pwede usap lang walang galitan?" Sabi ko nalang ang sakit kaya sa tenga.
"Namimilosopo ka ba?" Sabi nito.
"Di naman, nagsasabi lang ako ng katotohanan." Sabi ko sa kanya pabalik.
Biglang may umilaw sa may balikat niya at lumabas doon yung babaeng pinakamalandi sa lahat ng nilalang na nakilala ko.
"Nagkita muli tayo. B*tch!" Sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.
At lumapit ako kay Zeus at hinawakan ang kamay nito at ngumiti ng nakakaloko sa malanding yun.
"Umalis ka sa pagkakahawak sa kanya!" Galit na sabi nito. At bumaba sa lupa at masamang nakatingin sa akin.
"Ayoko nga. Bakit ko naman siya bibitawan eh akin siya at Fiancee niya ako noon pa, diba My Hubby?" Sabi ko. Mahinang napatawa si Zeus sa inasal ko.
"You're so cute, My Future Wife." Napangiti ako at mahinang kinurot ang pisngi ko.
"Ikaw babae ka!" Sigaw niya at pinagtatapon niya kami ng apoy.
"Ako na ang bahala." Sabi ko sabay taas ng kamay ko at lumabas ang malaking shield.
Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Hindi ka isang wizard." Sabi niya. Eh? Di ba siya nainform kung sino ako?
"Wala akong maalala na sinabi ko na isa akong wizard." Sabi ko sa kanya.
"Sino ka ba talaga?" Sabi nito.
"Ako si Athena... ang nag iisang reyna ni Zeus." Sabi ko sa kanya na kinagulat nito at agad umiling iling dahil sa narinig. Di niya talaga matanggap ang nangyayari.
"Hindi! Ako lang!" Sigaw niya at sinugod niya ako. Hindi niya iniisip ang mga gagawin niya. Agad agad kasing sumusugod.
Sumugod ako at nang makalapit ako sa kanya itatama ko sana sa kanya ang apoy ko nang biglang gumalaw ang kalaban kaya napaiwas ako.
"Wrraaww!" Sigaw nito na kinatakip ng tenga namin.
At sumugod na ito. Kaya nagtango kami at sumugod na uli.
Inilabas ko ang scythe ko at isang atake ko sa kanila at nawala na lang bigla pero bigla itong naging dalawa nag times two! Mukhang wrong atah ang ginawa ko.
Nagpalabas ako ng apoy at inatake sa kanila at ayun naging abo.
Napatingin ako sa babaeng malandi kailangan ko siyang matapos siya lang ang daan para matapos na itong lahat ng kaguluhang ito!
Tumakbo ako at sabay pinagtatama sa kanila ang apoy na ginawa ko.
Nang makaabot na ako nakatingin lang ako sa babae yun. At lumipad ako at kita ko na sila.
"Tatapusin kita!" Sigaw ko.
Susugod sana ako ng bigla akong sinuntok ng malaking halimaw.
Kaya bagsak ako sa may bato.
"Ang sakit ha." Sabi ko nalang at tumayo. Tatapusin namin ito!
Zeus POV...
Ginawa ko silang yelo at sabay pinagbabasag na parang salamin ang mga halimaw nang may naramdaman akong presensya na nanggagaling kay Artemis.
Nandito na siya at ang pinakagugulat ko mukhang nasa isang lugar na kulong siya ngayon.
Kailangan namin siyang maligtas.... teka asan si Athena?
Hinanap ko siya pero di ko siya makita. Asan siya?!
Athena POV...
Patuloy akong pinagsusuntok ng halimaw at naririnig ko ang tawa ng demonya.
"Hahaha! Mamatay ka na!" Sigaw nito.
Mauna siya. Tsk...
Humanda kang malanding ka! Umabot na ang galit ko sa pinakamataas na level.
Huminto na ang pagsusuntok nito saakin at tumayo nako at tumingin ng seryoso sa kanila.
Isang iglap nakarating nako sa tabi nung babae at napaiwas agad siya ng makita ako.
"Paano... ang hina mo na tapos bakit parang ang lakas mo pa." Di makapaniwalang sabi niya sa akin at napa iling iling pa.
"That's why I love my power." Sabi ko at nagpalabas ng isang kapangyarihan na ako lang ang makakagiba.
Nanlaki ang mata niya at idinikit ko na ang kamay ko sa katawan ng halimaw at bigla itong nasira.
"Hindi!" Sigaw nung babae. At mukhang galit na galit na siya sa ginawa ko at napangiti ako.
"Mukhang magiging halimaw na din siya." Napa smirk ako at hinanda ko ang sarili ko.
"ROAR!"
"Ang pangit mo pala..." nakangiting sabi ko.
"Hindi ako pangit!" Sigaw niya at tumakbo na ako sa kanya at isang suntok ko ayun tumba. 1 v 1 pa kami ng malanding pangit na toh! Mas maganda naman ako kesa sa kanya.
Ang hina..... pagbaba ko sa lupa tumahimik ang lahat at galit na galit sila.
Biglang umitim ang langit at may lumabas na isang lalaking lumilipad doon.
Mukhang ito ang ama nang babaeng ito ang hari. Ang hari ng mga halimaw na nagpasimuno ng lahat.
"A-ama.." napatingin ako sa babae bumalik na din siya sa dati.
"Athena!" Nakita ko sina Zeus na papalapit sa akin nang biglang kinuha si Zeus ng malaking halimaw kahit anong gawin niyang pagtakas di niya magawa.
"Zeus!" Sigaw ko.
At bigla kaming na teleport sa isang lugar na parang palasyo.
"Nasaan kami!" Sigaw ni Ares.
Nanlaki ang mata ko kasi hawak ng kalaban sina Zeus at Artemis.
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Pumili kayo kung sino ang ililigtas mo, Athena." sabi nito. Nanlaki ang mga mata namin. Kailangan ba talagang mamili? Pwede dalawa?
Di ito maaari.
"Isang galaw niyo diyan ay dalawa ang mamamatay... Immortal nga kayo pero sa edad niyo lang yun at kung papatayin ko kayo pwede kayong mamatay nang wala sa oras." Pagbabanta nito sa amin na kinalunok namin. Napatingin ako kay Zeus na nag aalalang nakatingin sa akin. Ito ba ang nararamdaman ni Zeus nung nalalagay ako sa kapahamakan? Ang sakit pala sa puso. Di ko aakalain na mas masakit pala na makita mo ang mahal mo na nasa delikadong sitwasyon.
Pero...
Napatingin ako sa kanilang dalawa.
Sino kaya ang pipiliin ko?
*****
LMCD