Athena POV...
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Sino ang pipiliin ko?! Ayokong mawala silang dalawa. Lalo na si Zeus. Ayokong mawala ang mahal ko.
'Kailangan mong mamili kung sino ang ililigtas mo.' Napatingin ako sa paligid sino yun? Kaboses yun ni..
Xylo..
'Naalala mo nung huling laban mo... pinapili kita noon na kung mabubuhay ka mamamatay silang lahat at kung mamamatay ka man lahat ay magsisimula ulit sa simula.' Sabi nito. Napapikit ako. Tama yun ang ginawa ko kaya ko ginamit ang kapangyarihan ko na destruction para maligtas ang lahat sa kapamahakan. Kailangan kong magdesisyon ng tama para sa hinaharap at para sa ngayon. Ayokong mawala sila pareho dahil importante sila sa buhay ko.
"Ang napili ko ay silang dalawa...." Sabi ko na kinagulat ng lahat at sabay napatingin sa akin.
"Athena..." Alam ko ang nasa isipan nila dahil kung nasa kinatatayuan nila ako ay mahihirapan talaga sila.
"Nagpapatawa ka ba?" Sabi nung halimaw. Kung nagpapatawa ako dapat tumatawa na ako ngayon pero hindi seryoso ako ngayon.
Napasulyap ako sa kanila at kay Zeus. Na nagaalalang tumingin sa akin na mukhang nababasa na niya ang gagawin ko at nagsimula ng magpanik na siya.
"I love you, Zeus." Sabi ko at napailing iling siya.
"No! Athena!"
No choice.... nagteleport ako kasama ang halimaw at ang anak niya papunta sa isang desyerto.
"Saan mo kami dinala!" Sigaw ng Ama ng malandi habang ang malandi naman ay nakahawak sa ama niya.
"To end this fight!" Sigaw ko at sumugod na kung mamamatay ako dito. May next life pa naman siguro.
"Ito na ang katapusan mo!" Sigaw ko sa kanya.
Ito na ang katapusan ng kanilang kasamaan at ito din ang ginamit ko noon pa man at sana mapapatawad niya ako kasi ginawa ko na naman.
"Power of Destruction!" Sigaw ko na kinalaki ng mata nila. At may malakas na ilaw na lumabas na nakakasilaw sa mata. At doon nakita ko lahat na magiging okey na at wala nang poproblemahin pa.
Nag papasalamat ako na binuhay ako dito at marami akong kaibigang nakilala at nakalaro at may minahal din ako.
"Mamimiss ko kayo guys... Sana papayagan ulit ako " at nawala na lang lahat.
Mawawala ako sa mundong ito na may ngiti sa mga labi. Naintindihan na siguro ni Zeus kung bakit ko ginawa yun yung ginamit ko ang power of destruction.
Sa susunod uli...
3rd Person's POV...
Nakaluhod si Zeus sa sahig habang napapikit iniisip niya sinakripisyo nanaman ni Athena ang buhay niya para protektahan ang mga tao.
"Huhuhu! Athena!" Iyak ni Artemis. Dahil mukhang kasalanan niya kung bakit ganun ang nangyayari. Dahil sa padalos dalos niyang desisyon ay nawala nanaman ang isa sa matalik na kaibigan nila.
Nawala na ang lahat ng mga halimaw sa paligid at kahit isa nun ay wala na kahit abo.
Dahil nawala na ang hari ng mga halimaw at dahil yun kay Athena.
"Ang hilig talaga ni Athena na magpaiyak, ang hilig niya talaga magsakripisyo para lang sa kapakanan ng marami.... mamimiss ko siya." Sabi ni Apollo. Napatingin siya sa kalangitan.
Nang biglang nagpakita si Hades at may kasamang batang kaluluha at makikita din sa mga mukha nito ang kalungkutan na sinapit ni Athena. Alam na din niya ang nangyari kay Athena.
"Ate Artemis!" Tawag nung batang na si Sky. Nagulat naman si Artemis sa nakita niya. Dahil dala dala ni Hades ang batang kaibigan niya na akala niya na di na niya makikita pa.
"S-sky?!" Niyakap ni Artemis ang batang si Sky at di siya makapaniwalang nakita niya ulit iyon.
"Ate!" Nakangiting sabi nung bata.
"Paano ka nakalabas sa underworld... Hades, diba hindi ka nagpapalabas ng mg--" napatingin si Artemis kay Hades. Dahil strict si Hades tungkol sa mga kaluluwa.
"Dahil kay Athena. Nagmamakaawa siya na gawin ito sayo na magkita uli kayo ng batang yan." Sabi nito kay Artemis. Napatulala naman si Artemis sa sinabi ni Hades. Ginawa din ni Athena ang tungkol dun.
"Alam niya ang tungkol kay Sky? Athena!" Umiiyak na sabi ni Artemis.
"Huhuhu wala na si Athena!" Napatingin sila kina Liz na di makapaniwalang nawala na ang kaibigan nila.
"Salamat dahil sa mabuting nagawa mo at naging kaibigan ka namin ng kapatid ko." Sabi ni Wil sa langit. At niyakap niya kapatid niya.
Bigla na lang nag snow na kinagulat nila. Di naman kasi nag sno snow sa lugar na yun.
"Snow..." di makapaniwalang sabi ni Hera habang nakatingin sa kalangitan. Umuulan ng yelo.
"Sigurado akong si Athena ang may gawa nito." Sabi ni Ares. Habang kumuha ng snow sa sahig.
"Nais niya tayong pangitiin." Sabi ni Zeus sa kanila.
Napangiti silang nakatingin sa langit.
"Mahal din kita, Athena. Handa kitang hintayin kahit ilang libong taon ka pa bumalik." Sabi ni Zeus sabay hawak sa umuulang yelo.
10 years later...
Nagbago ang lahat at may trabaho na ang iilan. Di padin sila tumatanda.
"Sir, yung mga bagong employees po nasa labas. Papasukin ko na po ba?" Tanong nung assistant ni Tyrome.
"Mamaya na... may ginagawa pa ako." Sabi nito sa assistant niya at nagbow nalang ang assistant nito at lumabas.
10 taon ang nagdaan at malaking pinagbago ng lahat dahil wala nang kalabang mananakop ng mundong ito. Dahil ito sa huling kapangyarihan na inilabas ni Athena na mananatili ang kapayapaan at yun ay ang Snow noon.
At ang mga bida natin namuhay ng normal sa mundong earth.
Habang naghihintay ang mga bagong empleyado na interviewhin sila ng boss dahil sa boss ang huling interview bago makapasok sa kompanya nito.
May isang babae na di masyadong maarte sa sout nito at pinabayaan lang niya ang mga babaeng nakatingin sa kanya. Kahit nakasout lang ito ng mahabang palda at nakajacket lang ito.
"Di ka ba naiinitan sa damit mo? At ang cheap naman ng damit mo wala ka bang ibang damit? O di ka lang talaga marunong manamit." Sabi nung isang babaeng katabi sa dalaga.
"Alam mo? Di ka matatanggap dito. Back out ka nalang." Sabi nung babae. Di niya pinansin ito bakit pa siya mag ba back out eh ikatatlo siya bago interbyuhin.
Tiningnan nalang niya ulit ang folder niya kung may mga iaadjust pa sa folder niya.
Pinapasok na ang dalawang babae at nagulat sila na luhaan itong lumabas. Ito yung mga babaeng kumausap sa kanya. Tiningnan lang niya ito at umupo sa bakanteng upuan para tumahan.
'Inaway ba sila ng Boss sa loob? Sinigawan ba sila o ano?' sabi nito sa isipan.
"Next." Napatayo naman siya kahit kinakabahan pumasok na siya at namangha siya dahil sa magagandang gamit nito sa loob. Nakita niyang nakatalikod ang may ari habang nakaupo sa upuan.
Unknown POV...
Binabasa na niya ang files na binigay ko at nakalimutan pa naman lagyan yun ng litrato. Yun nga ang nakalimutan ko kanina pa.
"You must be Ms. Sy." Sabi nito na kinatindig ng balahibo sa boung katawan dahil sa lamig ng boses nito. Ang lamig...
"Uhmm... " anong sasabihin ko? Eh sa di naman ganito ang feeling ko noon nung iniinterview ako ng mga boss.
Bakit ito ang lakas ng t***k ng puso ko parang lalabas na eh sa lakas. Ganito ba ang nararamdaman ng mga babae kanina na grabe ang kaba nila hanggang sa umiyak na sila.
Pagkatapos nito pupunta ako sa clinic magpapacheck up ako baka may sakit ako sa puso baka atakehin ako.
"You forgot your picture." Malamig na sabi niya. Ito na nga bang sinasabi ko eh! Naalala ko nandito yun sa bulsa ko at agad ko yung kinuha at marami yun hanggang makuha ko na ang 2x2 na picture ko.
Pero parang pamilyar ang boses niya?
"Pasensya na po! Ito po." Binigay ko sa kanya at napayuko ako. Nako naman! Ayokong tumingin sa kanya baka makita ko ang matalim na mga tingin niya baka atakehin pa ako ng wala sa oras.
Humarap siya saakin at kinuha ang picture ko. Mukhang 1 minute na akong nakayuko dito... Ano ba ang ginagawa niya? Idinikit pa ba niya ng glue ang picture ko sa files ko?
Sana sinabi niya na ako na ang magdikit at di na siya mag abala pa.
"Tumingin ka saakin." Nagulat ako sa sinabi niya. Eh?
"Po?"
"Tingnan mo ko." Sabi nito. Ang ganda sa tenga ng tagalog niya at di mawawala ang pagka manly nun.
Unti unti ko siyang tiningnan at nang makita ko ang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko....
'Z-zeus!'
*******
LMCD