CHAPTER 13: REGALO

1513 Words

MAULAN ang buong magdamag. Malakas ang sigaw ng kulog at kidlat na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Cassandra. Kanina pa siya hindi mapakali. Tinatanong niya ang kaniyang sarili kung maaari bang magkamali ang balita dahil lumalakas lalo ang ulan. Sinilip niya si Chabita. Noong makita niyang mahimbing itong natutulog, nagdalawang-isip siyang gisingin ito. "Bahala na..." bulong niya tapos nagpasya siyang bumangon upang magtungo sa kusina para uminom ng tubig. Kakamot-kamot siyang naghlakad palabas ng silid. Hindi mawala-wala sa kaniya ang pag-aalala sa pamilya. Kapag ganito ang ulan sa kanila, isang oras lang ay abot na ng tubig ang kanilang bahay. Mabuti kung buhay pa ang papa niya at makakagawa pa ito ng paraan para hindi anurin ang bahay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD