CHAPTER 45: SABWATAN

1196 Words

DANIEL "Care to explain... anyone? Ano? Magtititigan na lang tayo rito?" tanong ni Chloe. Hindi ako makapagsalita. Sa lahat ng oras, bakit ngayon pa pumunta si Chloe? Anong gagawin namin? Hindi kami pwedeng mabuking... "Ahm, actually, ito ang unang beses na pumunta ako rito. N-Nagbabakasakali lang ako na makakausap ko si Daniel," utal-utal nitong wika. Ramdam at kita ko ang takot sa kaniya dahil labis na nanginginig ang kamay nito. Iniisip ko kung nagkita na sila noon ni Precious dahil mukhang magkakilala na sila. "For what? Inutusan ka ba ni Cassandra bago ka--" Saglit siyang tumigil sa pagsasalita si Chloe kaya nalukot ang noo ko. Pasimple kong tiningnan si Precious, gulat ang mukha. "Daniel, kilala mo ba itong babaeng ito? Bakit pumayag kang makipag-usap sa kaniya?" pag-iiba nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD