"Oh! Dalawa na lang po a kaliwa, lalarga na!" Isang magandang araw para sa pamilya Cabrera. Hindi man kabisado ni Toto ang maingay na kalsada, imbes na mabahala ay matapang na nakipagsapalaran ang mga paslit sa Maynila. "Makikiusog naman po para makaupo na po sila ate." Si Toto ay nagtrabahoo bilang barker sa mga nakaparadang jeep. Si Jekjek naman, dahil medyo malaki ang katawan ay sumali sa mga matatanda. Gamit ang kariton, naghahatid sila ng mga pasaherong nakatira sa gilid ng riles. Si Pampam naman ay sa pagtitinda ng basahan sinubok. Mainam na lang at may kapit bahay silang nagtatahi ng basahan kaya napakiusapan niya na ito na kung maaari, ang ilan ay ibebenta niya. "Dalawang araw pa lang sila rito sa Maynila pero nakikipagsapalaran na silang tatlo. Ako ay tutol sa kanilang pagtat