CHLOE Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang matalo. Matalo lalo na ng mas nakakababa sa akin. My pride won't just allow me to admit defeat that's why I am still moving forward, risking everything outside my boundary. "Siya ba iyon?" tanong ko sa taong kinuha ko para hanapin si Cassandra. "Siya nga. Siya ang kumuha kay Cassandra, nagbigay ng trabaho at tumulong para magkaroon ito ng matataguan kasama ang mga kapatid nito. Kukunin ko na rin ba ang mga paslit?" "Nah, leave those innocents. Hindi sila damay sa galit ko sa ate nila." "And so do I, right? Kaya bakit ako nandito? Bakit niyo ako kinidnap!" bulalas na tanong nitong babae. I heard her name was Precious and hindi ko inaasahan na ang katulad niyang may magandang buhay ang magsasalba kay Cassandra. Why? Hindi ba't ang mahirap ay tung