CHAPTER 18.5

1513 Words

TOTO Kakatapos ko lang magsaing at magluluto na sana ng lucky me nang dumating si tiya. Malaki ang ngiti sa kaniyang mukha. Wala naman siyang dalang pagkain gaya ng sinabi ni Pampam sa akin kanina na magbibigay ito ng sopas pero may hawak ang isa niyang kamay. "Magandang gabi sa iyo Toto," paunang bati nito na ikinabigla ko. Hindi naman siya bumabati sa akin o sa amin kahit noon pang nabubuhay si papa. Iniisip ko kung ano na naman ang kailangan niya kay ate bakit siya nagbabait-baitan. "Wow! Tiya! Pahihiramin mo na po ba kami ng selpon?" maligalig na tanong ni Pampam. Sinitsitan ko ito dahil nagpaplano siyang bumaba ng bahay. "Pasensya ka na Pampam, naubusan ng load si tiya. Pero heto ang selpon na pinadala sa iyo ng iyong ate Toto. Ingatan mo iyan nang mabuti sabi ng ate mo." "P-Po?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD