CASSANDRA Malapit na akong bumaba sa amin. Natatanaw ko na iyong tulay at ilang segundo na lang ay bababa na ako. "Oh, Tulay Maharlika!" "Mayroon po! Para!" bulalas ko tapos tumayo na. Kumapit ako nang mahigpit sa unahang upuan upang hindi ako mabuwal. Nang tumigil ito, medyo lagpas na ro'n sa kung nasaan iyong hagdaan pababa sa bahay. "Salamat po," bati ko ro'n sa manong drayber bago ako bumaba. Mabilis na umalis iyong sasakyan, ako naman ay naglakad na rin patungo sa unahan pa doon sa may tarpaulin. "May patay?" tanong ko sa sarili ko. Hindi pa man din ako nakakalapit, alam ko na dahil may kalapati akong nakita tapos mayroon pang mukha ng babae na nakapaloob sa bilog. "Sino kay--" "Salume Tagubig Cabrera..." basa ko. Tila tumigil ang mundo sa akin habang pinagmamasdan ko ang nak