"Pangako, hindi ko naman talaga intensyong kunin ang pera ng batang iyon. Hiniram ko lang at pumayag naman si Cassandra. Sinabi ko sa kaniya na ib-ibabalik ko rin sa susunod na buwan," pagsisinungaling ko. Para akong nasa paglilitis. Bakit ganiyan ang mga mukha nila? Sa ayaw at sa gusto nila kailangan nila akong paniwalaan dahil pamilya nila ako! "Siguraduhin mong totoo 'yang sinasabi mo, ha! Hindi ka na nahiya kung pati iyong mga paslit ng pinsan mo ay pagsasamantalahan mo. Siya, basta ang sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo pinapatuloy rito para lang magbakasyon, ha? Kumilos kayo rito sa bahay ko! Hindi ko kayo mga bisita! At ikaw, maghanap ka ng trabaho, wag puro hilata!" "Ma, tama na. Sinabi ko naman na maghahanap kami ng trabaho ng asawa ko rito," sabat ko't baka magkadiskusyunan pa