CHAPTER 25: HULING SANDALI

1616 Words

CASSANDRA Ang bilis matapos ng araw, sana ganoon din kabilis malusaw ang lungkot at lahat ng klase ng sakit na pinagsasaluhan namin ng mga kapatid ko. Gustuhin man namin pa siyang makasama ng isa pang araw, hindi na namin pwede pang patagalin dahil nagkakasakit na ang mga kapatid ko. Dahil wala sa tamang lalagyan ang bangkay ni nanay, bentekwatrong oras ay sapat na para sumingaw ang nakakasulasok na amoy mula sa walang buhay nitong katawan. Kagabi lang ay buo pa ang kaniyang mukha, ngunit pagkagising namin, alas nuebe na ng umaga, hindi na namin kaya pang silipin iyon. At dahil kami-kami na lang ang magkakasama, kami na lang din ang naghukay ng lupa sa bakanteng lote sa likod, sa tabi ng puntod ni papa. "Ate, nakita ko 'to sa ibabaw ng damitan ni nanay," wika ni Jekjek. Isasabay na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD