TOTO Huling Sabado na ng Nobyembre. Palamig na nang palamig ang simoy ng hangin. Ito ang unang pagkakataon na magpapasko kami't sasalubungin ang bagong taon ng kulang ang pamilya. Hindi ko pa alam kung makakauwi si ate dahil nalaman ko kay tiya na mahigpit ang amo niya, hindi pinapayagang umuwi iyong mga katulong. Sana hindi iyon totoo dahil mahirap namang maging masaya sa araw ng kapanganakan ni Hesus kung dalawa ang kulang sa pamilya. Kahit walang handa, ang importante makasama namin si ate, tutal nasa likod lang naman ng bahay namin ang puntod ni papa. Iisipin na lang namin na kasama pa rin namin siya. "Nay, alis na po ako. Pasensya na po kayo, ha? Baka hapon pa po ako makakabalik. Noy, ikaw na muna ang bahala kay nanay. Bayaran na lang ulit kita ng bente mamaya," sabi ko roon sa pins