TOTO Ilang araw na akong naghihintay sa tawag ni ate ngunit wala akong natatanggap. Nag-aalala na ako sa kaniya, nag-aalala na rin sina Pampam at Jekjek. "Bakit hindi na lang ikaw ang tumawag sa kaniya, Kuya?" tanong sa akin ni Pampam. Tumingin ako sa gawi niya, sa may salaminan. Napangiti ako nang wala sa oras dahil parang kailan lang, hanggang dibdib ko lang si Pampam, pero ngayon-- matatangkaran na niya ako. "Ilang taon ka nga ulit, Pam?" tanong ko. Nabaling ang tingin niya sa akin, lukot ang noo. "10. Hindi mo na ba tanda, kuya? Tawagan mo na lang si ate para malaman natin kung anong dahilan ng hindi niya pagtawag ng tatlong araw," usal nito. Doon lamang bumalik ang wisyo ko at ang dapat kong gawin. "Oo nga, sandali." Tumayo ako't kinuha ang cellphone sa kama. Nga pala, ang dam