CHLOE Medyo nagabihan na ako ng pag-uwi ngayon dahil mayroon pa akong dinaanan na mga tao. Kinuha ko rin sa bahay ng asawa ni papa iyong iba pa niyang gamit na maaari kong maibenta. Mabuti naman at walang pake ang babaeng iyon at hindi niya naman ako kinwestyon. "Damn it! Bakit hindi sinasagot ni manang ang tawag?" inis kong tanong habang paulit-ulit na kinokontak ang number nito. Nakakalimang beses na ako at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasagot ang tawag. "Baka po busy sa pagluluto," sagot ni manong. Napairap ako dahil kahit pa tumatae ang babaeng iyon paniguradong sasagutin niya ang tawag ko. "Hindi kaya may ginagawa sila ni Cassandra? Or baka habang namimili sila sa palengke ay nagtangkang tumakas ang kutong lupa... Ano sa tingin mo?" tanong ko. "Baka po," matipid niton