CASSANDRA Habang nasa byahe kami ni Precious, hindi mapakali ang isip ko. Pinatayan na naman ako ng tawag ni Toto, baka may nangyari na naman sa kanila. "Alam mo, mauuna ka pang atakihin kesa makarating tayo sa inyo. Kumalma ka, Cassandra," saway ni Precious pagkatapos nitong tumingin sa gawi ko nang mabilis. Huminga ako nang malalim, siguro tatlong beses kong ginawa iyon habang nakalapat ang mga kamay ko sa aking mukha. "Sorry. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nangyayari ito sa amin. Siguro nagbabalak na naman ang kalangitan na may kunin sa akin. Malakas ang kutob ko..." usal ko. Hindi kaagad nagsalita si Precious kaya inaasahan ko na hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi kong iyon. Pero pagkatapos ng ilang segundo, narinig ko ang kaniyang salita. "Tsss, hindi ko alam kun