CASSANDRA "Kailangan kong umuwi, pauwiin niyo ako, Precious, naagmamakaawa ako sa iyo, kailangan ako ng kapatid ko!" "Cassandra..." "Nasa panganib sila, kailangan nila ako! Please lang~ hindi ako tatakas, kahit samahan mo pa ako. Basta kailangan kong makauwi ngayon. Nagmamakaawa ako Precious, tulungan mo ak--" "CASSANDRA!" Ang malakas na sigaw ni Precious ang siyang nagpatigil sa aking bibig mula sa pagsasalita. Mariin ang hawak niya sa magkabila kong balikat dahilan para makadagdag ito sa rason ng aking pagluha. "You are just being anxious. Huminga ka nang malalim, namumutla ka na!" saway niya. Umiling ako dahil hindi siya nakikinig sa akin. Kailangan ko ng tulong niya, ngunit hindi niya sineseryoso ang sinasabi ko! "Look, kalma. Bakit mo nasabing nasa panganib sila? Did you-- di