CASSANDRA NATAPOS ang unang gabi ko bilang isang magdalena at ang masasabi ko lang ay iyon na ang pinakamasamang gabi na maaalala ko sa aking buhay. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa, gustong-gusto ko nang umalis. Ngunit ang obligasyon ko bilang ate sa pamilya ko ang tila tanikalang nakagapos sa aking paa; dahilan para hindi ko magawang tumakas. Sakto pa naman at bukas na ang nakatakdang araw ng pagpapadala ko sa mga kapatid ko. Iyon lang, hindi kakasya ang tatlong libo para sakanila. Kaya ang mangyayari nito, imbes na buwan-buwan ang padala ko, linggo-linggo na iyon. Di ko pa naman alam kung saan ang padalahan dito, magtatanong na lang ako mamaya kay Precious. "Hindi ka pa rin natutulog?" Napaangat ako ng ulo noong marinig ko ang boses niya. Malawak ang ngiti nito pero mayroong