NORA Hindi ko alam kung bakit pagpasok ko pa lang sa shelter ay iba na ang kutob ko. Parang may mali. Mula sa tingin ng mga taong nakakasalubong ko hanggang sa aligagang trato ng mga madre sa akin. Kakarating ko lang pero pakiramdam ko gusto na nila akong paalisin. May nangyari kaya? "Ahm, excuse me, Sister. Nasaan dito ang opisina ni Sister Margaret? Ngayon niya kasi ako pinapapunta para kunin iyong mga pamangkin ko," kwento ko ro'n babaeng nakasalubong ko. Pangatlo na siya sa pnagtanungan ko pero katulad ng iba, mukhang sasabihin niya rin sa akin na wala ngayon si Sister Margaret. "P-Pasensya na po kayo---" "Wala siya?" pamumutol ko para hindi na siya mag-abala pa, nakakahiya naman sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kaniya, kalauna'y nagpakawala ng malalim na buntonghininga kasi nam