CHAPTER 8.5

1688 Words
CASSANDRA Naglalakad na ako ngayon sa pasilyo. Napakakintab ng sahig, talagang malinis ang lahat. Ang dami ko nang nadaanang pinto ngunit hindi ko pa rin makita iyong sinasabi ni Don Fernando na bungo ng kalabaw. "Oh, bihis ka na pala. Hindi pa tapos ang oras ng pamamahinga mo, ah," ani 'ya. Nadatnan ko itong nagpupunas ng mga babasaging palamuti sa mesa. "Pinapapunta po kasi ako ni Don Fernando sa kaniya pong silid," walang patumpik-tumpik kong sagot. Mabilis na nagbago ang ekspresyon si manang Chabita na para bang niyakap siya ng takot. Nilingon niya muna ang kaniyang paligid bago lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso tapos inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. "Mag-ingat ka, iha. Wag kang gagawa ng ingay kapag-- kapag hinipo ka niya. Gano'n talaga si Don Fernando. Pero mabilis lang iyon, iha, basta wag ka lang magrereklamo kung gusto mong magkaroon ng trabaho sa pamamahay na ito," ani 'ya. Hindi ako makapaniwala sa narinig. "H-Hipo? Bakit naman po niya ako hihipuin? At saka, hindi ba't bawal iyon? Trabahador niya man tayo, wala pa rin siyang karapatan." "Makinig ka, iha. Marami nang nagreklamo at umalis dito dahil sa bagay na iyon. Pero malaki magpasahod si Don Fernando. Saan ka makakakita ng iba na magpapasahod ng sampung libo para lang sa kasambahay? Mag-isip ka, iha. Madadala naman iyon sa kuskos ng labakara. Hipo lang naman ang kaya niyang gawin... iyon lang ang sisikmurain mo sa tuwing nandito siya. Sige na. Pero kung gusto mo na kaagad bumalik sa pinanggalingan mo, galingan mo ang pagsigaw, ha? Ang silid niya ay nasa kaliwa, sa dulo." Pagkatapos sabihin iyon ni manang Chabita, nagbago ang tingin ko sa kaniya at sa mansyong ito. Matanda na siya, isa pa, kapwa ko babae... paano niya nasisikmurang sabihin sa akin na wag kumibo kapag hinipuan ako ni Donn Fernando? Naglakad na ako. "Kaya ko bang lunukin ang aking dignidad para sa pangarap ko para sa aking pamilya? " Sino ako para manghusga... paniguradong concern lang si manang Chabita sa akin. Pinaalalahanan niya ako dahil alam niyang kailangan na kailangan ko ang pera. "Kaya mo ito, Cassandra... ano ba naman ang simpleng hipo? Hindi naman mababawasan no'n ang aking p********e," bulong ko sa aking sarili tapos binilisan ko na ang aking paglalakad. Nang marating ko na ang dulo ng pasilyo, luminga-linga ako sa paligid. May nakita akong lalaking nakatayo sa gilid kaya nilapitan ko siya. Lahat ng suot niya ay kulang itim. Siguro gwardya siya ni Don Fernando, pero masyado siyang maliit para roon. "Excuse me po," bati ko roon sa lalaki. Tumingin ito sa akin. Noong magtama ang mga mata namin, napagtanto ko na bata lang pala sila katulad ko. "A-Ahm, d-dito ba iyong silid ni Don Fernando?" nauutal kong tanong. Labis akong nagulat. Marami bang bata na kagaya ko na nagtatrabaho rito? Maiintindihan ko pa kung katulong din siya katulad ko, pero-- base sa unipormeng suot namin, mukhang mas disente ang trabaho niya kesa sa akin. Sinipat niya ang aking katauhan, mula ulo hanggang paa. "Cassandra?" Kaagad akong tumango. Sinabi na siguro sa kaniya ni Don Fernando na darating ako. "Pasok," ani 'ya. Mukhang tama ang hula ko, isa nga siyang gwardya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tumambad sa akin ang maganda at malaking silid. Namangha ako noong makapasok na. Puro kumikinang ang mga bagay na nakikita ng aking mata. "Wow... May ganito palang kayaman na tao," bulong ko sa aking sarili. "Baka tumulo ang laway mo, iha, hindi ko gusto iyon." Kaagad kong itinikom ang aking bibig pagkarinig noong boses ni Don Fernando. Tumingin ako sa kaniya tapos kaagad na yumuko. "Pasensya po." "Ayos lang, binibiro lamang kita. Nga pala, Cassandra Cabrera... tama?" "Opo." Kinakabahan ako dahil iniisip ko iyong sinabing babala sa akin ni manang Chabita. Kaya ba may gwardya sa labas ng silid ni Don Fernando para kung sakaling sumigaw ako ay mayroong dadampot kaagad sa akin? "Kumusta ang bahay ko? Malaki ano?" "Opo... iniisip ko po kung anong oras ako gigising bukas para malinisan ang buong bahay niyo, sir," ani ko. Tumawa siya, iyon naman ang intensyon ko, ang patawanin siya. "Wag kang mag-alala dahil hindi lang naman ikaw ang katulong dito, marami kayo. Pero ilalagay kita rito sa kwarto ko tapos sa kwarto ng aking anak na babae. Iyon lang ang lilinisin mo rito sa loob tapos sa labas naman, iyong garden, ikaw ang magdidilig. Sabihin mo iyan kay Chabita kapag tinanong ka niya kung saan kita inilagay, ha?" Tumango ako tapos nagpasalamat sa kaniya. Nagpasalamat ako kasi inaasahan ko na iyong buong mansyon ay ako ang maglilinis, iyon pala ay toka-toka pala ang gawain. "Ang anak ko ang kasing edad mo lang, disiotso. Mamaya ay uuwi na rin iyon galing sa kaniyang school, ako naman ay aalis dahil mayroon akong inaasikaso." Nakikinig lamang ako sa kaniya. Nag-iisip ako ng mga pwede kong iambag sa kaniyang kwento kaso wala akong maisip. Nasanay kasi ako na pamilya ko lang ang kausap ko. Tumayo si Don Fernando dahilan para mabuhay muli iyong kaba na kakaalis lang. "Iha, anong gusto mong itawag ko sa iyo... masyadong mahaba ang Cassandra." "K-Kahit ano pong gusto niyo," nauutal kong tugon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang may glue na nakadikit sa aking paa. Lumapit ito at nagtungo sa aking likuran. "Sinabi mo ba kay Chabita na pinapapunta kita rito?" tanong niya, halos pabulong na. Kinilabutan ako noong tumama sa balat ko ang hagod ng kaniyang hininga. "H-Hindi po... hindi ko po siya nakita habang patungo po ako rito," pagsisinungaling ko. Patawarin naua ako ng Panginoon. Hindi ko masisikmurang idamay si manang Chabita rito. "Mainam. Sabihin mo sa akin, iha kung bakit ka nakipagsapalaran dito? Wala ka na bang mga magulang at ikaw na lang ang nagsusustento sa iyong mga kapatid? Dahil ganoon ang kadalasang kaso ng mga katulong ko... o di naman kaya ay--" "Ganoon na nga po, Don Fernando. Kamamatay lang po ang aking papa noong isang araw. Baldado po ang aking ina at mayroon po akong tatlo pang kapatid na naiwan. Mahirap lang po kami at ako na lamang po ang kanilang inaasahan," pamumutol ko. Hindi ko intensyon na bastusin siya ngunit kailangan kong magsalita nang malakas upang ma-conscious siya sa kaniyang ginagawa sa akin. Hindi ako natutuwa sa pasimpleng yapos ng kaniyang kamay sa aking balikat, nandidiri ako. "Nakakaawa... mabuti't napunta ka rito. Alam mo bang bukod sa paglilinis ng bahay ay may mas madaling paraan para kumita ka ng pera?" Hindi ko siya matingnan dahil ang lapit ng mukha niya sa pisngi ko, nararamdaman ko iyon dahil sa init ng hangin na ibinubuga ng kaniyang ilong. "Talaga po? Ano naman po iyon?" tanong ko kungwari'y wala akong ideya kung ano ang tinutukoy niya. Base pa lamang sa kaniyang galaw at tono ng pananalita, paniguradong may kinalaman iyon sa banta na sinabi ni manang Chabita. "Ang tanging gagawin mo lang ay paligayahin ako..." "Paligayahin? Hindi ko po kayo maintindihan." "Hahahahaha! Alam talaga ng babaeng iyon kung ano ang hinahanap ko at dinalhan niya ako ng katulad mo. Imposibleng hindi mo mawari kung ano ang gusto kong sabihin. Mayroon pa bang birhen na disiotso anyos sa panahon ngayon?" Walanghiya... walang preno ang kaniyang bibig. Sinasabi niya na ang lahat ng kabataang may edad na 18 ay hindi na birhen? Anong klaseng kaisipan iyan. Huminga ako nang malalim, hindi ako maaaring magkamali ng galaw o salita dahil maaaring mawalan ako ng trabaho. "Ipagpaumanhin niyo po, Don Fernando ngunit ako po ay babaeng mataas ang dignidad sa sarili. Kung puri man lang ang pag-uusapan, wala pa pong bahid ng kahit anong dungis ang sa akin, ngunit hindi po ba nakakahiyang pag-usapan ang bagay na iyon lalo na't ako po'y di hamak na mas bata sa inyo..." "Hahahaha! Siyang tunay. Sorry kung nai-open up ko ang tungko doon. Alam mo kasi, iha, ang mga katulong ko, ang iba sa kanila ay maagang nagkaroon ng anak kaya naman nasabi ko sa iyo ang tungkol doon dahil malay ko naman kung may anak ka na o wala. Wala na sa itsura ngayon ang pagiging malandi o matinong babae... minsan kung sino pa ang mukhang anghelz sila pa ang may itinatagong kalandian." "At hindi po ako kasama sa mga babaeng iyon, Don Fernando. Maayos po akong pinalaki ng magulang ko kaya pasensya na po kung hindi ako maka-relate sa pinagsasasabi niyo. Ubos na po ang isang oras kong pahinga, inaasahan po ako ni manang Chabita sa ibaba dahil ililibot niya po ako sa buong--" "Ekkk~" "Masyado ka namang nagmamadali, iha. Baka nakakalimutan mong ako ang amo mo at hindi ang gurang na iyon." Nagulat ako noong bigla na lang niyang hipuin ang aking puwet. Hindi niya ginawa iyon nang pasimple... talagang sinadya niyang hawakan iyon. "Kung birhen ka, bakit hindi ka sumigaw? Bakit hindi ka nagrereklamo ngayon, hmm? Wag mong sabihing gusto mo itong ginagawa ko sa iyo? O di naman kaya dahil sa takot kaya di makapagsalita iyang bibig mo? Alin sa dalawa?" Naiiyak na ako. Gusto kong magpumiglas sa pagkakahawak niya sa balikat ko pero iniisip ko iyong trabaho ko, iyong pera at pangarap ko para sa pamilya ko. Tiis na lang, Cassandra... Tiis-tiis na lang. "Sir, nandyan na po ang anak niyo." Nakahinga ako nang maluwag noong bigla na lang bumukas ang pinto at may nagsalitang lalaki... Iyong gwardya sa labas. "Daniel... Kailan mo pa nakalimutang kumatok ng pinto?" tanong ni Don Fernando. Lumayo na ito sa akin dahilan para gumaan ang pakiramdam ko. "Pasensya na po. Nakarating na po kasi ang anak niyo... nababahala lang po ako na baka makita niya ang ginagawa niyo sa katulong." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi no'ng batang lalaki. Alam niya kung ano ang nangyayari? Tapos ngayon lang siya kumilos? Pero salamat pa rin sa kaniya dahil kung hindi niya binuksan ang pinto ay baka kung saan pa nakarating ang kamay ni Don Fernando. "Siya... Cassandra pumunta ka na kay Chabita. Daniel, maiwan ka rito. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mong kabastusan." "Masusunod po." Nalukot ang noo ko noong mabilis itong naglakad papasok. Dumaan siya sa gilid ko tapos bago siya makalampas, may iniwan siyang mga salita sa akin. "Umalis ka na..." bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD