CASSANDRA
"Ginawa mo ba ang sinabi ko? Hindi ka sumigaw?" sunod-sunod na tanong ni manang Chabita. Pabulong niya iyong sinabi kahit na wala na kami sa loob ng bahay. Nasa may hardin kami, sinamahan ko siyang magdilig ng mga sunflower. Iyon ang paboritong bulaklak ng anak ni Doon Fernando kaya kailangan iyong maging maganda dahil madalas dito tumatambay ang Senyorita.
"Ginawa ko po. Mabuti na lang po, dumating iyong gwardya ni Don Fernando, doon po natigil ang matanda sa kaniyang ginagawa. Niligtas niya po ako... at utang ko po sa kaniya ang kaligtasan ng aking diignidad," sagot ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano na kayang nangyari sa batang iyon. Natatakot ako na baka maparusahan siya dahil sa akin. Mariin pa naman ang pagkakatawag sa kaniya kanina ni Don Fernando at iyong mukha niya...
"Si Daniel? Iniligtas ka ni Daniel?" tanong ni manang Chabita, hindi makapaniwala. Tumingin ako sa kaniya bago tumango. "Malaki ppo ang pasasalamat ko sa kaniya. Diyos lamang po ang nakakaalam kung ano ang maaari pang gawin sa akin ni Don Fernando, ngunit dahil sa kaniya, naudlot iyon," tugon ko.
Tila hindi makapaniwala si manang Chabita sa narinig. "Ngayon lamang ginawa iyan ni Daniel. Alam mo, siya'y labing anim na taong guklang pa lamang. Siya'y laking lansangan at dinala rito sa mansyon upang may makakasa-kasama siya. Hindi maganda ang ugali ng batang iyon. Hidi siya palakibo, hindi rin siya nakikisama sa iba. At ang malala... wala siyang pakialam kung ginagawan ng kahalayan ang mga katulong dito ng kaniyang amo mismo sa harap niya. Kaya noong sabihin mo sa akin na iniligtas ka niya? Nagulat ako. Pasensya ka na, iha. Hindi ko intensyon na basagin ang iyong paniniwala ngunit baka mmay kaailaangan lang talaga siyang sabihin kay Don Fernando kaya siya pumasok sa silid. Ganoon pa man, isa kang maswerte," mahaba niyang lintanya.
Hindi na lang ako kumibo pagakatapos kong marinig iyon. Basta sa akin, iniligtas ako ni Daniel... at magpapasalamat pa rin ako sa kaniya mamaya kapag nakita ko siya.
"YAYAAAA!" Napalingon kami ni manang Chabita noong marinig namin ang matinis na boses ng babae sa aming likuran.
Isang magandang dalagita ang naglalakad ppatungo sa amin. Malinis ang damit, maganda ang kutis. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa.
"May mga kaibigan akong-- who's that? Bago kong laruan?" tanong niya habang nakaturo sa akin. "Bago siyang katulong dito at hindi laruan, Senyorita."
"Oh well, ganoon na rin iyon, lahat kayo rito ay laruan ko. Ikaw, maiwan ka. Kailangan namin ng mapag-uutusan mamaya. At ikaw Yaya, umalis ka na rito at dalhan mo kami ng makakain namin ng mga friend ko. Siguraduhin mong masarap ang ilalapag mo sa mesa, ha? At saka ipagtimpla mo kami ng tea dahil magho-host ako ng tea party ngayong hapon," utos nito habang nakahalukipkip pa ang mga kamay.
"Masusunod. Wag niyo po sanang masyadong pahirapan si Cassandra dahil baguhan lamang siya. Kararating niya lang kanina."
"Hindi ikaw ang masusunod tungkol sa bagay na iyan, Chabita. Masyadong kumakapal ang mukha mo, marahil dahil sa katandaan. Hindi porket nauna ka sa akin sa pamamahay na ito at higit na mas matanda sa akin ng ilang taon ay susundin na kita. Gagawin ko kung ano ang gusto ko sa inyo dahil binili kayo ng papa ko para sa akin. Binabayaran niya kayo buwan-buwan para pagsilbihan ako, naiintindihan niyo naman siguro iyon. May karapatan naman kayongg umalis... pero di niyo iyon gagawin dahil malaki ang nakukuha niyo sa papa ko, right? So dapat, maging grateful na lang kayo. Now, alis."
Hindi ako makapaniwala na ganito ang ugali ng anak ni Don Fernando. Kaya ba hindi siya nalalagi rito nang madalas kahit nappamamahay niya ito dahil hindi niya masikmura ang ugali ng kaniyang anak?
"MMag-iingat ka, iha. Tiis lang," mahinang wika ni manang Chabita bago siya maglakad palayo. Naiwan kaming dalawa ng Senyorita. Matalas ang kaniyang tingin sa akin, siguro dahil alam niyang pareho kaming bata? Hindi siya makapaniwala?
"I'm Chole. Pero hindi kita hahayaan na tawagin ako sa pangalan ko dahil ayaw kong marumihan iyon. Tatawagin mo akong Senyorita katulad ng iba except kay Daniel dahil si Daniel ay espesyal sa akin kaya Chloe ang tawag niya sa akin."
Hmmm... bakit niya sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon? Kailangan ko bang malaman na may gusto siya kay Daniel?
"At dahil din espesyal siya sa akin, gusto kong hindi makita na magkasama kayong dalawa nor makita kayong nag-uusap. Maliwanag?"
"Ahh--"
"Anong ahh? Oo lang ang sagot! Anong klaseng utak mayroon ka?!" Nagulat ako noong bigla na lang siyang nagtaas ng boses. Wala ba akong karapatang mag-isip ng isasagot?
"O-Oo. Makakaasa po kayo," magalang at taranta kong tugon. Noong marinig niya iyon doon lang kumalma ang kaniyang mukha. "Good. Akala ko may bobong tinanggap ang papa ko at hindi ko iyon matatanggap. Siya, mamaya tatawagin kita para pagsilbihan kami ng mga kaibigan ko. Ayaw ko ng lalampa-lampa at ayaw ko rin ng kill joy, ha? Kung ano ang pinapagawa ko, susundin mo kaagad, maliwanag?"
"Opo."
"Now, alis at papunta na rito si Daniel. 'Yung usapan natin, baguhan... hindi mo magugustuhan kung ano ang gagawin ko sa iyo kapag nahuli kita."
Hindi na ako kumibo. Tumango na lang ako tapos naglakad na paunahan. Pigil-pigil ko ang aking hininga habang papalapit ako sa kaniya dahil mayroong takot na namuo sa dibdib ko. Sa titig niya kasi parang gusto niya akong saktan.
"Bilis," ani 'ya. Napatingin ako sa kaniya, nanlalaki ang mga mata. "O-Opo." Tumakbo na ako, doon na lang ako nakahinga nang maluwag ulit.
"Hindi ako makapaniwala... akala ko ang poprooblemahin ko lang dito ay ang nakakapagod na trabaho, iyon pala--" Napalamukos na lang ako ng aking mukha habang hinahabol ang aking paghinga.
Natigilan ako sa paglalakad noong makita ko si Daniel na papalapit. Naaninag ko ang mapupulang marka sa mukha nito.
Anong ginawa sa kaniya ni Don Fernando?
"Dan--" Nag-alinlangan ako na tawagin ang pangalan niya dahil naalala ko iyong sabi ni Senyorita.. Yumuko na lang ako sa kaniya. Ginawa ko iyon hanggang sa makalampas siya sa akin. Hindi niya ako ako kinibo o sinita man lang kung bakit ko ginagawa iyon.
Sigurp iyon na iyong sinasbai ni manang na hindi siya palakibo o baka naman alam niya na rin ang patakaran ni Senyorita kaya siya na mismo ang umiiwas sa mga katulong dito sa mansyon...
Tama... hindi sa ayaw niyang kumibo--
"Salamat, Daniel. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagligtas mo sa akin kanina," wika ko kahit na hindi ako sigurado kung maririnig niya ba iyon dahil nakalagpas na siya sa akin.
Naglakad na ako pero nakakailang hakbang pa lamang ang aking paa ay muli iyong tumigil. "Hindi kita iniligtas."
Imbes na malungkot, sumilay ang ngiti sa aking mukha. Pwede niya naman akong isnobin ngunit hindi niya iyon ginawa. Siguro may dahilan siya para itanggi ang pagtulong at nirerespeto ko iyon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kahit sa kaunting sandali ay napanatag ang puso ko. Hinihiling kong maging kaibigan si Daniel at masuklian din ang kabutihang ginawa niya sa akin. Iyong mga sugat niya sa mukha, kung papayagan niya ako--
"Wag kang mangarap, Cassandra. May kailangan kang sundin at marami kang aasikasuhin," sermon ko sa aking sarili tapos tinapik ko ang aking pisngi upang magising ako.
Marami akong nakikitang babaeng nakasuot ng parehong uniporme na kagaya sa akin. May kanya-kanya silang gawain at tig-iisa lang talaga ang nakatoka ro'n.
"Manang," tawag ko kay manang Chabita na may hawak-hawak na plato tapos magandang takure na gawa sa porselana.
"Kumusta? Hindi ka naman ba niya inaway? Wala naman siyang sinabing masasakit na salita sa iyo?" nag-aalala niyang tanong. Napangiti ako dahil naalala ko si nanay kay manang Chabita. Magkasing boses kasi sila kaya biglang may kumukurot sa dibdib ko kapag nagsasalita siya.
"Wala naman po, wag po kayong mag-alala," wika ko. "Mainam kung gano'n. Oh siya, iha, ihahatid ko na muna ito roon. Anong inutos sa iyo ni Senyorita? Akala ko ba doon ka lang kasama niya?"
"Ipapatawag niya na lang daw po ako kapag nandyan na ang mga kaibigan niya. Pinaalis niya po muna ako dahil magde-date po ata si ni Daniel," ani ko.
"Haha! Paniguradong binalaan ka na rin niya tungkol sa batang iyon. Wag mong masyadong pansinin iyon, hmm? At saka, alam kong hindi ka naman mapapalapit kay Daniel kaya kalimutan mo na lang kung ano ang sinabi niya. Sige na, ipagpatuloy mo na muna ang iyong pamamahinga dahil bukas magsisimula ang tunay mong trabaho rito sa mansyon."
"Opo."
"Ay-- manang, pwede ko po ba kayong tulungan po sa bitbit niyo?" tanong ko sa kaniya. Naaawa kasi ako sa kaniya, mukhang mabigat iyong dalawa niyang takureng may lamang tsaa. Ilan ba ang mga kaibigan ni Chloe na pupunta?
"Sige. Heto dalhin mo itong snacks nila. Wag mong ipapasok ang daliri mo sa loob ng plato, ni dampian. Masyadong maselan ang Senyorita," babala nito. Tumangoa ko. Bale ang paghawak ko no'ng malaking plato ay nasa ilalim ang aking kamay, katulad ng mga ginagawa ng waiter sa restaurant kapag inihahatid na nila ang pagkain ng customer.
Sabay kaming naglakad patungo roon sa harding. Ngayon alam ko na kung bakit paborito ng Senyorita ang hardin... talagang nag-invest nang malaki si Don Fernando para lang sa ikasasaya ng kaniyang anak. Napakagandang pagmasdan ng harding mula sa aking kinatatayuan.
Mas lalo na habang palapit nang palapit. Sumasakto sa kulay na kahel ang mirasol.
"Ang ganda..." usal ko.
"Of course, duh."
Natigilan ako sa pagngiti noong marinig ko ang boses ni Senyorita Chloe. Nakarating na pala kami, hindi ko napansin. Mabuti't hindi ako dumire-diretso sa paglalakad dahil paniguradong mapapagalitan ako.
"Bakit nandito ka na naman, ha? Hindi ba't sabi ko--"
"Nagpresinta po akong tulungan si manang Chabita dahil mabigat po ang dala niya," pamumutol ko. Noong makita ko ang panlalaki ang mga mata nito, doon ko napagtanto kung ano ang aking kamalian.
"Pasensya na po hindi ko po sinasadya," mabilis kong bawi.
"Ha! What the freak... ikaw pa lang ang may ganang mamutol sa sasabihin ko. Yaya, anong ginagawa ko sa mga taong bastos?" tanong niya kay manang Chabita.
"Pagpasensyahan niyo na siya Senyorita--"
"NO! BAKIT HINDI MO SINAGOT ANG TANONG KO, HA?! Bakit ipinagtatanggol mo ang anak maralitang iyan?! Ilagay niyo 'yan sa kulungan, bilis! Tsss! Babalikan ko siya kapag tapos na ang tea party ko!"
"Chloe..." sabat ni Daniel. Napatingin ako sa kaniya. Ang dami niyang pasa sa mukha. Hindi ko napansin iyon kanina.
"Pagbigyan mo na..." dugtong nito sabay abot sa kamay ni Senyorita. Natakot ako dahil baka mapagalitan din siya. Ayos lang ba na hawakan niya ang Senyorita nang ganiyan?
"D-Daniel, pero--"
"Pagsasabihan siya ni Chabita. Kung gusto mo at hindi ka makuntento, ako ang papalo sa kaniyang kamay mamaya. Sampung latigo, sapat na iyon sa iyo, di ba?"
"Hmmm... okay. Pero ngayon lang ito. Naiintindihan mo ba, ha? Bobita?!"
Kaagad akong tumango. Inilapag ko na iyong hawak kong plato dahil inilapag na rin ni manang iyong hawak niya. Hinila niya nang marahas ang braso ko, mabilis kaming lumayo roon sa dalawa.
"M-Manang..." tawag ko sa kaniya.
"Pasensya ka na pero kailangan na nating umalis kaagad... Pasalamat ka, hindi ka natuloy sa kulungan. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Daniel ngunit mag-iingat ka sa batang iyon. Naniniwala na ako sa iyo na iniligtas ka niya kanina, ngayon, aalamin ko kung ano ang dahilan..." ani 'ya na para bang sinasabi niya sa akin na mayroong masamang binabalak si Daniel sa akin, na ang lahat ng kabutihan na ipinakita niya sa akin ngayon ay may malaking kapalit.