DON FERNANDO "Kailan ka ulit dadalaw sa auction, kumpare? Miss ka na ng mga bata," wika ni Augustine, kasosyo ko sa negosyo. Kaya ako laging umaalis sa bahay tuwing weekdays ay dahil kailangan kong magpanggap bilang ibang tao. Alam niyo, walang yumayaman sa pagiging masipag. Kahit ka pa magtrabaho walo o sampung oras, hindi aabot ng isanlibo ang sahod mo sa isang araw. Hindi sa pagmamayabang, matanda na ako pero marami pa rin akong pera. Nagtatrabaho ako isa o dalawang oras pero ang kinikita ko, limpak-limpak na salapi. Kapag katawan lang ang pinagana mo? Hindi ka aasenso. Pero kapag utak ang pinagana mo, hindi malabo ang salitang milyonaryo. "Hindi ako makakadalaw dahil mayroon din akong inaalagaan. Mabilis lang ang panahon, kailangan kong mapalapit sa bata ko bago siya sumapit sa k