CHABITA Pagkatapos kong kausapin si Cassandra nagtungo naman ako sa silid ni Chloe. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin, kaya naman bilang kanyang tunay na ina, kailangan kong gawin ang lahat para makuha kong muli ang kaniyang tiwala kahit na ang kapalit niyon ay makatapak ako ng pagkatao ng iba o masira ko ang buhay ni Cassandra. Naaawa ako sa kaluluwa ng batang iyon ngunit mas importante sa akin ang relasyon ko sa aking anak. Hindi na nga alam ni Chloe ang totoo, pati ba naman ang relasyon ko sa kaniya, mawawala? Doon ko na lang nga napaparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko bilang kaniyang ina. Hihingi na lang ako ng tawad kay Cassandra, panigurado naman akong maiintindihan niya ako dahil mabait naman siyang tao. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin noong pagbu