WARNING: INAPPROPRIATE SCENE (KAPAG HINDI KAYA, SKIP NA LANG PO) CASSANDRA Ito ang unang pagkakataon na nakatungtong ako sa loob ng bar. Gaya ng napapanood ko sa TV, maingay ang paligid. Masayang nagsasayawan ang mga tao, sumasabay sa tugtuging makamundo. Pagkarating namin ni Senyorita, iniwan niya kaagad ako. Bahala na raw ako sa sarili ko mula ngayon. Wala raw siyang pake kung sumayaw, uminom o makipaghalikan ako sa iba. Noong marinig ko iyon hindi na ako nilubayan ng takot. Labis tuloy akong nagsisisi ngayon na nagpadala ako sa takot at pumayag na sumama sa kaniya. Balot man ng takot dahil bago sa akin ang paligid at ang lahat, naupo na lang ako sa pinakasulok ng establisyemento. Pinili kong maupo sa tago para hindi ako mapansin ng kahit sino. Kung pwede lang akong bumalik sa sasaky