TOTO Mataas na ang araw noong makabalik kami sa bahay. Sama-sama kaming lumayas sa bahay ni tiya dahil noong malaman kong ibabawas pala sa sahod ni ate iyong pagkain na pinakain niya sa amin, hindi na kami nagpang-abot pa ng tanghalian. Masyadong mautak ang babaeng iyon, bahala na ang Diyos sa kaniya. Kung may pagkakataon lang talaga akong makausap si ate, babalaan ko siya sa mga pinaggagagawa ni tiya. Simula noong umalis si ate, walang araw na hindi sumama ang loob ko sa kaniya. Kung pwede lang din na wag na namin siyang makita, araw-araw akong magpapatirapa sa simbahan para lang mangyari iyon. "Kuya wala na iyong isang bubong ng bahay natin," sabi ni Pampam sabay turo sa malaking awang sa itaas ng aming bahay. Dahil pinagtagpi-tagping yero lang ang bubong namin, hindi na ako magtataka