ABALA SA pag-i-imbentaryo si Winry nang may maglapag ng isang bungkos ng red roses sa kanyang mesa.
“Red roses for the beautiful lady.”
Nakatitig lang siya sa mga bulaklak. At iisang tao lang ang naaalala niya. Isang taong pilit niyang kinakalimutan pero salamat sa istorbong ito, back to square one na naman siya. She turned to man in front of her. Hindi niya ito kilala.
“I’m Cedric Avecilla.” Iminuwestra pa nito ang café bar na katapat ng restaurant niyang iyon. “Kapitbahay mo.”
“Ikaw pala ang may-ari ng Café Helenas.”
“Medyo. Hati kami ng Kuya ko, actually. Mind if I sit down?”
“Not at all.” Mabuti na ang mapagsabihan ito ngayon pa lang at nang hindi na siya ulit istorbohin pa. “What can I do for you, Mr. AVecilla?”
“Cedric na lang. O kaya naman, Cid for short, kung gusto mo.”
“Okay, Cedric. Or Cid. What can I do for you?”
Tiningnan nito ang mga resibo sa ibabaw ng table. “Naiistorbo ba kita?”
Ngayon ka pa nagtanong e nakaupo ka na. “Not really. Matatapos na rin naman ako so okay lang.”
“I see. Mabuti kung ganon.” Eksaherado pa itong tumikhim. “Magkakaroon kasi ng anniversary celebration ang real state company na hawak ng Kuya Denver ko. Ako ang nautusan niyang maghanap ng magki-cater para okasyong iyon. And I was hoping na kunin ang services nitong restaurant mo para mag-cater para sa amin.”
“Cater? But we don’t do catering services…” Although she was thinking of venturing into it.
“Ganon ba? Well, don’t you want to try it? May tiwala na ako sa quality ng food na ino-offer ninyo at highly recommended ka rin sa akin ng kaibigan ko.”
“Kaibigan?”
“You dated him once. Neiji Villaraza?”
Muntik na siyang mapasinghap nang marinig ang pangalan ng binata. Ano ba?! nananadya ba ito?
“We didn’t date. Nagkaroon lang ng kaunting pagkakamali kaya kami ang…” Napabuntunghininga na lang siya. “Alright, I’ll take your offer. Kailan ang date ng anniversary at ilan ang mga taong dadalo?”
“Ahm, may meeting pa kasi ako within an hour. How about if we get together this afternoon so we could talk about the details?”
“Okay lang. I’ll let my chef prepare some dishes that we could offer.”
“That would be great.” He offered his hand to her. “Thanks, Winry. I’ll see you this afternoon.”
Napatingin siya sa mga bulaklak. Parang may hindi yata tama sa sitwasyong ito.
“Ah, Cedric?”
“Yes?”
“What’s with the flowers? Bakit binigyan mo pa ako nito? Puwede mo naman akong kausapin kahit wala nito.”
“Ah, hindi sa akin galing iyan.”
“Hindi sa iyo? E, kanino galing ‘to?”
“Sa secret admirer mo.” Nakangisi lang ito nang kumindat sa kanya at nagtungo na bar counter. “Hi, Angel. O, hayan, dinalaw na kita. Siguro naman matutuwa ka na sa akin ngayon.”
Itinaas ng assistant niya ang cellphone nito sa mukha ni Cedric. “Hu u? Txt bak.”
Secret admirer? Tinitigan niya ang mga rosas sa kanyang mesa. Sino naman kaya ang sira-ulong nagpadala niyon? May secret admirer pang nalalaman. Binalikan na lang niya ang ginagawang pag-i-inventory. Ngunit paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa mga bulaklak. She really couldn’t help thinking of Neiji. Ewan din niya kung bakit, samantalang ang pangit nga ng itsura ng mga rosas na ibinigay nito sa kanya noon. She sighed and picked up the flowers. Tinawag din niya ang isang waiter.
“Pakitapon ito sa basurahan.”
“Ma’m?”
“Ayokong may nakikitang bulaklak. May naaalala akong hindi ko dapat inaalala.”
Kinuha na nito ang mga iyon. “Itatapon ko rin ba ang mga bulaklak na nasa counter, Ma’m?”
“Hindi. Iyan lang.”
Tuluyan na siyang na-distract sa kanyang ginagawa. Okupado na naman ni Neiji ang kanyang isipan. Kaya minabuti niyang dalawin na lang ang kanyang chef sa kusina na abalang abala sa pagkanta habang naghihiwa ng kung ano-anong gulay.
“I did it, my waaayyy…”
“Mang Jose, baka may bigla na lang bumaril sa inyo dahil sa kantang iyan.”
“Ay, Ma’m, nandiyan pala kayo.” Hinubad nito ang suot na toque, a chef’s hat, at inilapat iyon sa dibdib nito. Mahilig talaga itong mag-drama. “Mabuti naman, Ma’m, at may nakita rin akong maganda. Nakakasawa na kasing tingnan ang mga gulay at karne dito.”
“Mang Jose, naman,” reklamo ni Rose, ang assistant nito.
“Oo nga pala, Mang Jose. Puwede ba kayong magluto ng mga sample dishes na ipapatikim ko sa kliyente natin?”
“Kliyente?”
“Magki-cater tayo sa isang event. Sa tingin nyo, kaya ninyo iyon? Okay lang naman na kumuha tayo ng isa pang chef para may makatulong kayo.”
“Kaya ko iyon, Ma’m. Hindi nga ba at matagal ko na kayong ibinubuyo na tumanggap na ng catering services para mas makilala ang restaurant natin? At wala kayong magiging problema sa pagkain. Akong bahala. Sisiw lang iyan.”
Niyakap niya ito. “Maaasahan ka talaga kahit kailan, Mang Jose. Paki-prepare na lang ang mga special dishes na sa tingin ninyo ay magugustuhan ng kliyente natin.”
“Olrayt, Ma’m. Gusto ninyo ngayon pa lang bigyan ko na kayo ng sample. May bagong putahe kasi akong natuklasan at gusto kong kayo ang unang makatikim niyon. Pampasuwerte sa akin.”
“Sige ho, wala naman akong ginagawa.”
Bumalik na ito sa ginagawa, ang maghiwa at kumanta. “I did it, my waaayyy…”
“Ma’m! May naghahanap sa inyo sa labas!”
Napakunot ang noo niya nang balingan ang isang crew na tila excited na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito.
“Ano ba iyon, Marie?”
“May naghahanap sa inyo! Ang guwapo! Super!”
Hindi na siya nagtaka sa reaksyon nito. Lahat naman kasi ng makita nitong guwapo ay ganon ito ka-excited kapag ibinabalita sa kanila roon.
“Marie, may ginagawa pa ako rito. Sila na lang ang yayain mo—“
“Ma’m, hindi puwede. Ikaw ang hinahanap, eh. Special mention pa.”
“Sino ba iyon?”
“E…nakalimutan ko na ang pangalan. Kasi naman napatanga na lang ako sa kanya. Pumunta na kayo, Ma’m. Medyo naiinip na siya, eh. Nakakunot na kasi ang noo. Sayang ang face.”
“O, sige—“
“Ma’m Winry, handa na ang special dish.”
Nilingon niya ang chef. May pagka-sensitive ito pagdating sa pagkain na iniluluto nito kaya inuna na niya ito.
“Sabihin mo maghintay lang siya sandali,” aniya kay Marie na agad kumaripas ng lakad palabas ng kitchen. Tinikman niya ang pagkain. “As usual, masarap pa rin. Anong tawag dito?”
“Winry’s Heart. Grilled salmon iyan, with my special secret seasonings, onions, red bell pepper and tomato cream sauce on top.”
“Winry’s Heart?”
“Yes, for you, Ma’m. Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na medyo matamlay ka at gusto kong mapasaya ka naman kahit sa pamamagitan lang nitong aking obra maestra.”
“That’s really nice, Mang Jose.” Na-touched talaga siya sa sinabi nito. She hugged the good old man. “Thanks. And this is really delicious, by the way.”
“Salamat, Ma’m. Kaya huwag ka na sanang malungkot, Ma’m. Gaya ng Winry’s Heart na iyan na bagong tuklas ko lang, magkakaroon ka rin ng bagong tuklas na pag-ibig sa mga darating na araw.”
“Paano naman ninyo nalaman na may kinalaman sa pag-ibig ang nakikita ninyong kalungkutan ko?”
He gave her an understandable smile. “I’m not just a chef, my dear child. Isa rin akong magaling na observer, lalo pa at ang involved ay ang pinakamamahal naming amo rito sa Winry’s Corner.” Nabaling ang atensyon nito sa kung sino man sa likuran niya. “O, nandito na ang secret admirer mo, M’am.”
“Secret admirer—“
Pakiramdam niya ay sinipa siya ng kabayo sa dibdib nang makita kung sino ang tinutukoy nito. Neiji was standing immaculately at the kitchen’s entrance, holding the flowers she disposed of a moment ago.
“You just don’t get rid of me like you get rid of these flowers, Winry.” Lumapit ito. Napaurong naman siya palayo.
His sudden appearance rocked her system. Mula nang huling araw silang nagkita nito sa hacienda ay pinilit na niya ang sariling masanay na hindi na ito makikita pang muli. Pinagtitiyagaan na nga lang niya ang mga larawan nito sa kanyang cellphone kapag nami-miss na talaga niya ito. Pero hindi siya nakapaghanda sa posibilidad na puwede pa pala sila nitong magkitang muli. Kaya ngayon ay heto siya, hindi alam ang gagawin.
“Bakit mo ito itinapon?”
“H-hindi ko naman kasi alam na galing pala sa iyo ang mga iyan.”
“I put a note in here.” Kinuha nito ang maliit na puting sobra na hindi niya napansin kanina. “Didn’t you read it?”
Oh, dear Lord! I miss you! Bakit ganyan ka kung umasta, Neiji? Hindi mo ako kliyente!
“Hindi.”
“Bakit? Hindi ka ba na-curious kung sino ang nagpadala sa iyo nito?”
“Wala akong panahong mag-aksaya ng oras sa mga secret admirers.”
“Secret admirer? I specifically told Cedric to tell you that these flowers came from me. Ibibigay niya ito sa iyo kapag nakita ka niya dahil may importante lang akong pinuntahan sandali—“
Tinapik niya ang mga bulaklak. “At bakit mo ba ako binibigyan niyan? Anong gagawin ko riyan? Balikan mo na lang ang mga kliyenteng iniwan mo para lang makapunta rito.”
“I don’t have any clients now.”
Bagsak ang mga balikat niya. Kung ganon kaya lang siya nito naalala ay dahil wala itong kliyente.
“Hindi ka na dapat nagpunta pa rito, Neiji. I’m doing fine now. Bakit kailangan mo pang magpakita uli?”
“Winry—“
“I was trying my best to forget you, alright? Tanggap ko naman na hindi mo na talaga ako mapapansin dahil mas mahalaga sa iyo ang mga negosyo mo.”
“Sinong may sabi?” kunot-noo nitong tanong. “And why were you trying to forget me?”
“Neiji…” Napabuntunghininga na lang siya. Ito na nga siguro ang tamang panahon para sabihin niya rito ang nararamdaman. Para hindi na lang siya ang nakakaalam. Nahihirapan na siyang isekreto iyon kaya bahala na nga ito kung ano ang gagawin nito sa mga maririnig sa kanya. “I’m inlove with you, alright? Noon pa. Nooong-noon pa. Nang unang beses kitang makita roon sa Café Helenas. Nakuha mo na ang puso ko kahit mga kliyente mo ang pinagtutuunan mo ng pansin. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon sa akin samantalang ni minsan ay hindi nga ako nagkaroon ng interes sa lalaki, may gusto man sa akin o wala. Inisip ko rin noon na dahil lang iyon sa sobrang eager ko ng ma-inlove kaya nang makita kita at kausapin mo ako, ikaw na ang nakita ng puso.
“Pero hindi naman ganon ang nangyari, eh. Na-realized ko lang iyon nang magkasama tayo sa hacienda. I fell inlove with you the moment I saw because you were the one I was waiting for my whole life, Neiji. Because my heart won’t settle for just anyone, unless it was you. But you had your own life. At hindi ako kasama roon. Tanggap ko naman iyon, eh. Kaya nga pinilit ko na lang na kalimutan ka. Charge everything to experience. Siguro naman, kahit paano ay naging malapit naman tayo sa isa’t isa nang nandoon pa tayo sa hacienda. Kaya puwedeng bang alang-alang man lang sa pinagsamahan natin doon, huwag mo na akong pahirapan pa? I wanted to fall inlove again, Neiji. Pero kung lagi kitang makikita, hindi ako makakapag-move on. Hindi ko magagawang magmahal muli. And I wanted to be happy. Sawa na akong mag-isa. Gusto ko naman ng may yayakap na rin sa akin kapag nalulungkot ako at natatakot. Gusto ko na ng may kasama sa pagtanda. I don’t want to end up like my aunt who died alone and lonely. I wanted to have someone with me, Neiji. Ayoko ng mag-isa. So, please, kung wala ka na rin namang mai-o-offer sa akin, just…go.”
Namalayan na lang niya ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi. Umiyak na pala siya, sa harap pa nito. Nagtapat na nga siya ng nararamdaman niya sa isang lalaki, naiyak pa siya. Nakakahiya. Ilang sandali ring nanatili sa harap niya ang binata. Hindi ito nagsasalita at hindi rin siya sigurado kung ano ang reaksyon nito sa mga sinabi niya dahil hindi na niya nagawa pang salubungin ang mga mata nito. Ayaw niyang makita na pinagtatawanan siya nito.
And then she saw him lowered down his arm to his side, flowers still on his hand. Ilang sandali pa, nakita naman niya itong kumilos. Palayo. Napakagat-labi siya. Kaya mo iyan, Winry. You can still find your second love.
“Did you say…that you love me?” narinig niyang tanong nito.
When she turned to him, he was standing by the kitchen entrance, total confusion was written all over his handsome face.
“Neiji—“
“And why the heck am I walking away from you?”
“Neiji—“
“Puwede nyo ba kaming iwan sandali?” tanong nito sa mga kitchen crew niya. “May lilinawin lang ako sa magulo ninyong amo.”
Tila doon lang uli nagkaroon ng buhay ang mga tauhan niya roon. Pati si Mang Jose na hinding-hindi mapapaalis sa kitchen sa oras ng trabaho ay nagmartsa palabas.
“May naisip na akong pangalan sa isa pang dish na na-imbento ko, Ma’m. I would call it…Winry’s Love.”
Nang sa wakas ay tuluyan ng nakalabas ang mga tauhan niya, si Neiji mismo ang nagsara ng pinto. Nang bumaling ito sa kanya ay nakakunot pa rin ang noo nito.
“I’m a little confused,” anito. “Bakit mo ako pinalalayo sa iyo kung mahal mo naman pala ako?”
“I don’t want to distract you from your clients. Alam ko naman na mas importante sila sa iyo—“
“Okay, stop right there. First of all, hindi ganon ka-importante ang mga kliyente ko para itapon ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. And second of all, you were never a distraction to me. Ang mga kliyente ko pa nga ang istorbo sa pakikipaglapit ko sa iyo.”
“I’m having a hard time believing that.” Sumandal siya sa kitchen counter upang kumuha ng suporta. She was really getting tired of this confrontations.
He took a deep sigh and watched her intently without saying anything. Ngayon lang niya napansin ang tila pagod sa mukha nito. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong nang lumapit ito sa kanya, malapit na malapit.
“I heard you said you love me,” anito.
“Well, at least you can pay attention now.”
“So, you do love me.”
“Yeah, so?”
“Nothing. I just happen to have something more to offer.” His nothing means sweeping her into his arms and kissing her deeply on her lips.