END

1466 Words
HINDI NA alam ni Winry kung ilang minuto na silang naghahalikan ni Neiji.  Basta ang alam lang niya, kuntento siya ngayon.  His hot kisses were like a soft breeze to her wounded heart.  Nakalimutan na nga yata niya kung ano na ang pinagtalunan nila ng binata.   That’s how much she was willing to give up.  Handa niyang kalimutan ang lahat ng hinanakit niya sa mundo, basta nasa mga bisig lamang siya nito.  Basta nararamdaman lang niya ang mga halik nito. “Winry—“  Neiji tried to speak but he kissed her again, as if unwilling to let go of her lips.  Unwilling to end those sweet kisses.  “I lied when I told you I never wanted to kiss you.” Mas lalo pang lumalalim ang mga halik nito na tila ba nais patunayan sa kanya na totoo ang sinasabi nito.  Na tila ba nais nitong burahin sa alaalala niya ang kasinungaling minsan na nitong sinabi sa kanya.  Okay, done.  Nakalimutan na niya iyon. They were both panting when their lips finally parted.  But he didn’t let her go and continued to rain tiny kisses on her face.  Hinahaplos din nito ang kanyang buhok at pisngi. “Ever since I saw you that early morning at Café Helenas, wearing only your pajamas, you never left my mind, Winry.  Kapag nagkakaroon ng pagkakataon ang isip ko na magpahinga sa kaliwa’t kanan ko ng negosyo, ikaw lagi ang naalala ko.  I never get tired of your beauty.  I never get tired of your scent.”  Dinampian nito ng halik ang kanyang buhok.  “No woman had ever caught my interest the way you did.  Doon sa café bar nina Cedric, sa Stallion Riding Club, dito sa restaurant.  Kahit saan ako lumingon, gusto kong ikaw ang nakikita ko.  Akala ko noong una ay interesado lang ako sa iyo dahil…dahil…teka, pa-kiss muna uli.” He kissed her again.  Gusto na niyang magsaya ngayon.  Kaya lang, nag-aalala siyang ang magiging kapalit niyon ay isa na namang kalungkutan.   “Tell me this isn’t just a big joke, Neiji.” “Do you see me laughing?” Oo nga naman.  “So…may iba ka pa bang sasabihin?” “Can I just kiss you instead?” Napangiti siya.  “Why?” “Because I like kissing you.  I was a fool not to kiss you everytime I had the chance.” “Why didn’t you?” “Because I was a fool.”  He sighed and held her tight.  “Ilang beses na pala kitang nasaktan nang hindi sinasadya.  Pero sa kabila nun, minahal mo pa rin ako.  Pakiramdam ko tuloy ngayon, I don’t deserve your love.” “Kung hindi mo tatanggapin ang nararamdaman ko sa iyo, anong gagawin ko roon?  Itatapon ko lang naman iyon kaya mas mabuti ng mapakinabangan ng iba kaysa mabasura lang.”  Inayos niya ang lapel ng suot nitong american.  “Ikaw naman ang magsalita ngayon, Neiji.  Ano ang ibig sabihin ng paghalik mong ito sa akin, bukod sa gusto mo lang akong halikan?” “Hindi pa ba obvious?  Siyempre dahil mahal kita.  Gaya mo, I’ve been inlove with you since that day we first met.  Kaya nga hindi ako nagreklamo nang ipasa ka sa akin ni Jigger para maka-date.” “Ni-request ko kasi sa kanya na ikaw ang gusto ko sa lahat ng Stallion Club member na naroon sa shampoo commercial.” “Ah, yes, that shampoo commercial.  Mabuti na lang pala at naisipan ko iyon.  Kung hindi, baka hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataong magkasama doon sa Club at magkakilanlan kahit paano.  Ilang beses din kasi akong bumalik Café Helenas kaya lang hindi kita matiyempuhan.  Ayoko namang magtanong kina Cedric dahil alam ko kung gaano ka-intrigero ang mga tao roon.  Nag-aalala akong kapag tinanong ka nila kung anong kaugnayan natin e matakot ka at tuluyan ng hindi magpakita.” “Bumabalik din ako roon.  Kaso, hindi rin kita matiyempuhan.” “Hmm, posible pala iyon, ano?  We’re looking at the same place but not just the right time.  At siguro nga, hindi pa talaga iyon ang tamang oras na magkasama tayo.  That time at the Club, I knew you were the one I was looking for my whole life when I watched you sleep.  You’re the most beautiful thing that I ever seen.” “Ganon?  Kaya ba basta mo na lang ako sinigawan at pinalayas?” “Hindi kita pinalayas.  Tinanong lang kita—“ “SInigawan mo ako.” “Okay, fine.  Nasigawan nga kita.  Sorry.  Nalilito pa kasi ako nun kaya medyo tagilid pa ang takbo ng utak ko.  It was the first time I ever felt that way and it scares the hell out of me.  Nawalan na ako ng kontrol sa sarili kong emosyon, which I don’t normally do.  Kaya medyo nag-panic ako.  Ginawa ko lang excuse ang pagkakalinis mo sa kuwarto ko dahil ang totoo, ang sarili ko ang gusto kong pagalitan.  Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko.  Nang umalis ka sa Stallion Riding Club, akala ko babalik na uli sa dati ang lahat.  That I’ll have my organized life back.  Pero nagkamali ako.  The moment we met, my life was destined to change.  Kaya hinanap kita.  Nang magkita naman tayo sa restaurant, mali pa rin ang diskarte ko.  Nagalit ka.  Nainis naman ako dahil nagalit ka.  Hindi na kita dapat lalapitan pa kaya lang narinig ko si Cedric na nagbabalak na ligawan ka.  I hated the idea of another man beside you.  Ayoko.  Akin ka lang. “Kaya sabi ko sa sarili ko, pagkatapos ng huling deal ko sa isa kong kliyente, saka kita pagtutuunan ng pansin.  Pero hindi rin ako nakatiis.  Nakipag-unahan ako sa mga bidder na mabili ang hacienda ng lolo mo.” “Alam mong lolo ko ang may-ari ng lupaing iyon sa Palawan?” “Of course.  Sila ang una kong sinuyo.  At ipinakita ko talaga sa kanila ang magandang side ko para bumoto sila sa akin.  I don’t really care if I get the land of not.  Just as long as I’ll have you.”  Hinaplos nito ang kanyang buhok.  “Tinanong mo ako noon kung may naisakay na ba akong babae sa kabayo ko.  Meron na.  Ikaw.  I love you, Winry Acosta.  I’d give up all my business if it means I could have all the time spent with you.” Lumubo ang puso niya.  Totoo na nga ang lahat ng ito.  Totoong mahal siya ni Neiji.  Mahal siya ng lalaking mahal niya.  Ang saya! “Ikaw ang bumuhay uli sa interes ko sa mundo, Neiji.  Thanks for coming into my life.” “I should be the one thanking you, Winry.  Kung hindi dahil sa iyo, I would never know that love do exists.”  He touched her lips.  “Ngayong nahalikan na kita, akin ka na.  Hindi ka na puwedeng makipag-date kung kani-kanino, bawal ka na ring makipag-speed dating.” “Hindi ko naman pinatulan iyon, eh.  Hindi ka kasi mawala sa isip ko.”  Tinapik niya ito sa balikat.  “Pero kung hindi ka agad nagpakita, baka nga nakipag-date na ako sa iba.” “May inayos lang ako.” “Ganyan ka naman, eh.  Laging kang may inuuna.” “Huwag ka ng magtampo.  Para sa iyo rin naman iyon.” “Sa akin?” “Kinausap ko ang mga lolo at lola mo.  Hindi ko sila tinigilan hanggat hindi sila pumapayag na ipangakong hindi ka nila ibibigay sa iba kundi sa akin lang.” “Talaga?”  Nakakatuwa naman ito.  Wala naman pala siyang dapat na ipagtampo.  “’Buti hindi ka binaril ng lolo ko.  Ayaw nun ng kinukulit, eh.” “Actually tinutukan nga niya ako ng shotgun.  Pinagpawisan ako ng malamig pero hindi ako nagpasindak.  Nagdasal na lang ako.  Mabuti na lang at pinakinggan naman ako ng Diyos.  Pumayag din ang lolo mo.” Napangiti na lang siya.  Kuntento na rin sa wakas ang puso niya.  She had the man she could ever love, and who loves her back.  Mahigpit din niya itong niyakap. “I’ll make you happy in any way I can, Winry.  Yayakapin kita kung kailangan mo ng kayakap.  Sasamahan kita hanggang sa pagtanda mo.  Ako ang mag-aalala sa iyo.  You’ll never be lonely again, because I’ll always be here for you…just don’t make me go away.” “Katangahan na kung gagawin ko iyon.” “Glad to hear that.  Pa-kiss ulit.” “Glad to oblige.”  She smiled and looked up to him as she accepted his kiss.       THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD