CHAPTER 14

1148 Words
ANG TANGA mo talaga, Winry!  Pagkakataon mo na nga iyon na mas lalo pang mapalapit kay Neiji, tinanggihan mo pa.  Ayaw mo bang makita niya ang good side mo na puwede niyang magustuhan? Iyon ang paulit-ulit na nangungulit sa isip ni Winry habang nagpapatunaw siya ng kinain sa veranda.  Hindi niya akalaing darating siya sa oras na aayawin niya ang sarili nang dahil lang sa lalaki.  Kunsabagay, kung pumayag siya sa gusto ni Neiji na ligawan nito, parang maglolokohan lang sila.  E, alam naman nilang pareho na kaya lang sila pumayag na magpanggap magkasintahang nagkakatampuhan ay dahil sa pareho nilang gustong makaganti sa isa’t isa.  Ngayong naayos na nila ang gusot sa pagitan nila, ano pa nga ba ang dahilan para patuloy na magpanggap?  Ang importante na lang ngayon ay maging civil sila sa isa’t isa.  And then that’s it.  Her only problem now was her own feelings. She sighed as she stared out the vast greenland in front of her.  Kung alam lang niyang ganito kasalimuot ang mundo ng mga nagmamahal, hindi na sana siya nag-wish pa na ma-inlove.  Kung bakit naman kasi masyado siyang inggitera at kinainggitan pa niya ang masayang relasyon nina Kristoff at Rachelle Lou sa café bar na iyon.  Kung saan niya unang nakita si Neiji.  Isang beses pa siyang napabuntunghininga.  Hindi naman siya talaga magkukumahog na maghanap ng sariling lovelife kung hindi niya nakita ang binata.   Ito lang ang dahilan kung bakit ninais niya ng pagbabago sa buhay niya.  Si Neiji ang dahilan kung bakit gusto niyang ma-inlove.  Because she wanted to experience falling inlove…with him. “Ang g**o,” sambit niya saka inis na nagkamot ng ulo.   “Anong magulo?”   Napakislot pa siya nang marinig ang boses ni Neiji sa likuran niya.  Tila may fiesta na sa dibdib niya nang maupo ito sa tabi niya at makitanaw sa malawak na lupain sa harapan nila “Kanina pa kita pinagmamasdan.  Ang lalim ng mga buntunghininga mo, ah.  Don’t tell me ako pa rin ang pinoproblema mo.” “Bakit naman ako mag-aaksaya ng panahon problemahin ka?  Nagkasundo na tayo, hindi ba?”  Umalis ka sa tabi ko!  Huwag ka muna rito!  Lalo lang akong nai-inlove sa iyo, eh!  Nakakainis ka! “Oo nga naman.  So…ano ang dahilan ng mga buntunghininga mong iyon?” “Wala.” “Galit ka pa rin ba sa akin?  Akala ko ba—“ “Gusto mong mag-away uli tayo?” “Hindi na.  Sige, wala na akong sasabihin.”  Ito naman ang napabuntunghininga ng malalim.  “I see.  Masarap nga naman ang pakiramdam ng humihinga ng malalim.  Hmm, akala ko pa naman…” “Ano?” “Nothing.”  He was quiet for a while.  “I always wanted to have a place like this.  ‘Yung puwede akong magtrabaho at magpahinga nang sabay.  Nang hindi laging naghahabol ng oras, ng kliyente o ng quota.  Working non-stop gets tiring after a while, no matter how much you wanted your job.  Kaya siguro naisipan na rin ng lolo mo na ibenta ang malaking bahagi ng haciendang ito.” “At hindi rin kasi niya ako aasahan pagdating sa pagti-take over ng hacienda.”  Nagkakakuwentuhan na uli sila ng maayos, gaya noong akuin nito ang date nila ni Jigger sa Stallion Riding Club.  That place again… “Hindi ka pa ba kuntento sa bahay mo sa Stallion Riding Club?  Maganda naman iyon, ah.  Mas maganda pa nga siguro iyon kaysa rito.” “Tama ka.  Kaya lang, maraming temptation doon.  Hindi rin ako makakapagpahinga nang maayos.”  Nilingon siya nito at nginitian.  “You know what I mean.” Oo naman.  Babae.  Magagandang babae, at iyon ang hindi na yata mawawala sa riding club na iyon.  ilang babae na kaya ang nadala nito sa bahay nito para mag-happy-happy?  Ibinaling na lang niyang muli ang atensyon niya sa tanawin sa harapan nila.  O, e, ano naman?  He was just a healthy young bachelor.  Natural lang na magkaroon siya ng string of women. “I wanted a place where I can raise my family.” “Family?”  Mag-aasawa na ito? “Oo.  Bakit ikaw, wala ka bang balak na magkaroon ng pamilya balang araw?” “M-meron.”  Mag-aasawa na ito.  Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon sa kanya?  Nakakasama lang ng loob.  “Pero kailangan ko munang makahanap ng lalaking makakasama ko habambuhay.” Peste!  Ayaw niya ng ganitong usapan.  Naiirita lang siya sa kaalamang nagpaplano na itong magpakasal.   “In fact,” patuloy niya parang lang maitago ang nararamdamang hinanakit.  Pati paggawa ng kuwento.  “Pagbalik ko sa Maynila, maghahanap ako ng mga dating services na makakatulong sa akin sa problema ko.” “Dating services?” “Nag-e-expand na ang restaurant ko at mas lalong mawawalan ako ng oras para sa lovelife ko.  Mas convenient sa akin ang mag-hire na lang ng mga dating services.  Pati speed-dating papatulan ko.” “You can’t find love that way, Winry.” “Who says anything about love?  At my age, lagpas na ako sa time limit para ma-inlove.  I’m turning twenty nine three months from now.  Companionship na lang ang kailangan ko.  I don’t need a lover, although okay lang din ang magkaanak kami kung maganda ang lahi niya.” “You’re talking nonsense.” “Nonsense nga lang iyon siguro sa iyo.  Pero para sa akin, seryosong isyu iyon.”  At ikaw ang may kasalanan nun. “That’s really lame.” “Bakit ikaw, naniniwala ka ba sa true love at happy endings?” “It wouldn’t hurt if you believe in it.” Wouldn’t hurt?  E heto nga at humahabi na siya ng kung ano-anong kuwento at ideya para lang mawala ang pesteng kirot na iyon sa puso niya nang mga sandaling iyon.  Tapos may pa-it-wouldn’t-hurt pa itong nalalaman. “If you believed in it, bakit hanggang ngayon, single ka pa rin?” “Siguro dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng para sa akin.” In one word, hindi siya ang babaeng hinahanap nito.  Ang sakit naman… “Corny mo.” “Bitter ka lang dahil hindi ka pa siguro nai-inlove.” Ihulog kaya niya ito sa terrace.  Nagkibit lang siya ng balikat.  “Siguro nga.” “Kaya hindi ka pa dapat nagsasalita ng tapos, Winry.  Who knows, isa sa mga araw na ito, makita mo na ang lalaking para sa iyo.” “Ewan.”  Tigilan mo na ako, por pabor.   “Winry, hypothetically, what will you do if you fall inlove right now?” Napayuko na lang siya.  “I don’t know.” “…with me?” She looked at him.  “What?” “What if you fall inlove with me?”  ulit nito.  “Hypothetically.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD