“SO?”
Inaasar ba ako nito? tanong ni Winry sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang guwapong mukhang iyon na minahal niya sa kabila ng galit, inis at ngitngit niya rito.
“Okay, hypothetically, if I fall inlove with you, maybe I’ll give you this hacienda,” asar niyang sagot.
“That’s too cold. No wonder you’re still single.”
“Ganon? O, ikaw, sige, anong gagawin mo kapag na-inlove ka ngayon?”
“I’ll probably kiss her. Or make love to her.”
She rolled her eyes. “You must have been inlove too many times.”
Tumawa lang ito. “Pero sa totoo lang, ni minsan ay hindi ko pa nararanasang halikan ang babaeng mahal ko. I haven’t even made love to the woman I love. I’ve always wonder what it would be like. My friends said it was awesome.”
“Iyon lang ba ang dahilan mo kaya gusto mong ma-inlove? Manyak.”
“Hindi naman. Idealistic lang siguro ako. At medyo romantic.”
Now that was something she never knew he could ever be. Sa itsura kasi nito, at sa pagkakakilala niya rito, mas aakalain mong isa itong playboy kaysa romantic. O workaholic monster kaysa Rudolf Valentino in disguise. But then again, she remembered the time back at the Club, when he took her hand and ride with her at the back of his horse.
“Its not fair to judge me based on what you see, Winry. Give me a fair fight.”
“Meaning?”
“Hayaan mong ipakita ko sa iyo na romantic side ko. Who knows, baka magustuhan mo iyon.”
“Huwag na. Naniniwala na ako sa iyo.”
“Takot ka lang yata, eh.”
“Na?”
“Na hindi mo ako mare-resist at ma-inlove ka sa akin.”
“Hah. Yeah, right.” Tange! Matagal na akong inlove sa iyo, ‘no? Sa sobrang tagal pati nga ako di ko na namalayan na minahal na pala kita.
“Gusto mong subukan natin?” nanunukso ang ngiti nito.
“Ayoko.”
“Takot ka nga kung ganon.”
“Hindi, ‘no? Tinatamad lang ako—ay!” Naramdaman niya ang pagsundot nito sa tagiliran niya. “Ano ba!”
“Ang lakas pala ng kiliti mo rito.” Isang beses pa siya nitong sinubukang kilitiin. Pero hinampas lang niya ito sa balikat. “You never learned a lesson, do you? Hindi mo ba alam na kapag nasa ganitong sitwasyon tayo, ito ang kalalabasan natin?”
As if to emphasized his point, he seized her hands easily and pulled her to him. Sa malapad na dibdib nito siya nag-landing. At upang hindi siya agad makawala ay mahigpit siya nitong niyakap pagkatapos. It was a firm but gentle hug at the same time.
“Mabuti na lang pala at hindi ka natututo, ano?” anito.
Nagreregodon na ang dibdib niya. Sigurado siyang nararamdaman na nito ang t***k ng kanyang puso sa sobrang lakas ng t***k niyon. Kaya naman pinilit niyang makawala rito.
“Let’s just stay this way for a while, Winry,” halos pabulong na nitong wika. “I just wanted to hold you like this.”
His soft voice whispering in her ear calmed her a bit. Kaya unti-unti na rin siyang tumigil sa pagpupumiglas. Hanggang sa tila masanay ang katawan niya sa init nito at tuluyan na rin niyang pinagbigyan ang sarili. She let herself feel his body, his strength, his warmth.
Neiji…
Inilapat niya ang kanyang mga palad sa likod nito. Kung ilang segundo lang ang itatagal ng sandaling iyon, siguro naman puwede na rin niyang samantalahin ang pagkakataon. She loves the guy, so maybe…it was okay if fate would let her dream that he also feels the way for her. For a while. All she had was just a while.
“Feels kinda weird, huh,” sambit nito.
Hindi siya sumagot. Weird? Iyon ba ang pakiramdam nito nang mga sandaling iyon? Weird? Nakakainis ang isang ito. Heto at nagse-senti siya dahil sa sitwasyon nila ngayon, pero ang tingin lang pala nito sa lahat ng iyon ay ka-weird-uhan. Subalit nanatili pa rin siya sa tabi nito. Kahit na nga siguro sabihin pa nitong kampon siya ng dilim, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya. Mayamaya, kumilos ito at inilabas ang cellphone.
“Souvenir,” anito saka sila kinuhaan ng larawan.
Souvenir? “Ako rin.” Dinukot din niya ang cellphone sa kanyang bulsa at kinuhaan din sila ng larawan.
Tiningnan niya ang kuha nila. He was smiling at the camera while leaning his head against hers. They look good together.
“Sa camera ko, nakapikit ka.” He pulled her to him even closer. “Ulitin natin.”
Ngunit bago pa man nito mapindot ang camera sa cellphone nito ay tumunog na iyon. Someone was calling him.
“Hello? Mr. Smith…yeah, I’m, ah…a bit busy at the moment…The export utility contract? I thought it was already finished…”
Okay, it was time’s up for her. Oras na para gumising uli sa reyalidad. Hindi siya ang babaeng hinahanap nito at mas lalong hindi siya ang babaeng puwedeng maka-distract sa trabaho nito. Umayos na siya ng upo. When she tried to get up, though, he didn’t let her go.
“I’ll call and check that out later, Mr. Smith. Thank you.” Pagpatay nito ng cellphone ay agad din naman iyong nag-ring. Napabuntunghininga lang ito. “Istorbo talaga.”
“Sagutin mo na iyan. Baka importante.” Siya na mismo ang nag-alis ng braso nitong nakapatong pa rin sa balikat niya. “Don’t let me distract you from your work.”
Napatitig na lang ito sa kanya nang tuluyang siyang lumayo rito. Sa kusina ay naabutan niya ang kanyang lola na naghahanda ng miryenda kasama ang mga katulong. Naupo siya sa isa sa mga silya roon at nakikutingting sa mga sandwiches.
“Ano, tapos na ba kayong maglambingan ng nobyo mong hilaw?” Binalingan niya ito. Ngumiti lang ito sa kanya. “Nabanggit lang sa akin ng isa sa mga katulong. Ipinatawag kasi kita kanina at nakita nga niya kayo roon ni Neiji sa teresa.”
“Hindi ho kami naglalambingan.” Ang mga sandwiches na lang uli ang pinagtuunan niya ng pansin. “At tsaka paano kong lalambingin ang isang iyon e lagi niyang kaulayaw ang pinakamamahal niyang cellphone? Ipakain ko pa sa kanya iyon, eh.”
“Pinagseselosan mo ang isang cellphone lang?”
“Hindi lang basta cellphone iyon, Lola. Asawa niya iyon.” Pabagsak niyang inilapat sa tray ang mga sandwiches. “Dapat lagi iyon ang inuuna niya. Dapat laging kausap. Dapat laging inaasikaso. Sabi ko nga dapat pakasalan na lang niya iyon para kumpleto na ang drama nila.”
“So, nagseselos ka nga. Hay naku, kung imbes na nagmumukmok ka rito e itinatapon mo ‘yung istorbong cellphone niya. E di sana masaya na uli kayo ngayon.”
Magandang suhestiyon iyon. Kaya lang hindi talaga puwede. “’La, sino sa inyo ni Lolo ang unang na-inlove?”
“Ako.”
“Paano na-inlove sa inyo si Lolo?”
“Hmm, kinuha ko ang atensyon niya.”
“Paano?”
Ngumiti lang ito. “Itinapon ko ang cellphone niya.”
Nagpangalumbaba na lang siya. Batid niyang hindi ang sariling pakikipagsapalaran sa pag-ibig ng lola niya ang tinutukoy nito. Siya pa rin ang pinatatamaan nito.
Hinaplos nito ang kanyang buhok. “Madali lang makuha ang atensyon ng binatang iyon, apo. Kung magbibigay ka lang ng konti pang effort na ma-distract siya.”
“Pero ayoko namang maging distraction lang sa kanya, Lola. Gusto ko, ang mga bagay sa paligid niya ang makaka-distract sa kanya sa akin.”
“Ano?”
“Kahit ako naguguluhan, Lola.” Napabuntunghininga na lang siya. “Hindi ako ang babaeng hinahanap niya, ‘La. Hindi ako ang babaeng gusto niyang maging bahagi ng buhay niya.”
“Aba’y bakit? Akala ko ba nagkasama na kayo sa iisang bubong noong nasa Maynila pa kayo?”
“Gawa-gawa lang namin iyon. Nag-aasaran kasi kami nung una kaya lahat ng maiisip naming makakapagpabuwisit sa isa’t isa, ginagawa at sinasabi namin.”
“Hmmm. Maganda ang istorya ninyo, apo. Parang pang-nobela. Lahat ay nag-umpisa sa asaran.” Tumango-tango pa ito. “Pero gaya ng mga nobelang iyon, kailangan mo ring kumilos para matupad ang sarili mong happy ending, Winry. Hindi puwedeng hintayin mo na lang ang pagkakataon na gumawa ng paraan para sa inyo.”
“Pero anong gagawin ko, ‘La? I’m not the woman of his dreams.”
“Dreams are just dreams, hija. Ipakita mo sa kanya na mas may mapapala siya sa babaeng nakikita at nahawawakan niya. Na mas may kakayahang magmahal ang isang babaeng nag-e-exist sa totoong mundo. At ang babaeng iyon ay ikaw.”
Tinitigan niya ang ga-bundok ng patong ng mga sandwiches sa harapan niya. Subalit wala naman doon ang kanyang isip. Ako ang babaeng may kakayahang mahalin siya. Ako ang babaeng nag-e-exist sa mundo para sa kanya.
“I can’t believe falling inlove was this complicated.”
“No one ever said it was easy. Hindi mo lang iyon alam dahil ngayon ka lang natutong magmahal ng totoo.” Kinuha ng lola niya ang isang piraso ng sandwich at ibinigay iyon sa kanya. “Sabihin mo kay Neiji ang nararamdaman mo para hindi ka na nahihirapang mag-isip.”
“Sasabihin ko sa kanya?” Biglang kinain ng takot ang dibdib niya. “Ayoko, ‘La. Baka pagtawanan lang nun. Sira ulo pa naman iyon.”
“E, sampalin mo siya. Ipamukha mo sa kanya na napakasuwerte niya at isang katulad mo ang nagmahal sa kanya ng ganyan. Pagkatapos, maghanap ka uli ng lalaking mamahalin. Don’t just stick with your first love. Marami pa ang darating. May second, third, at fourth love pa.”
Kahit paano ay napalitan ng tapang ang takot niya. Maybe she could still find happiness after all. Hindi nga ba’t nasabi na niya minsan sa kanyang sarili na kung nakaya niyang hayaan si Neiji na magkaroon ng puwang sa puso niya, ibig sabihin ay may kakayahan pa rin siyang magmahal ng iba. Baka nga…ito lang ang ibinigay sa kanya ng Diyos bilang jumpstarter sa mga maaari pa niyang mahalin sa susunod. Malungkot.
Because she liked falling inlove with Neiji. And they looked good together on their picture.