CHAPTER 7

1345 Words
“ANG GANDA talaga nitong lugar ninyo.  Parang hindi totoo.  Parang ‘yung mga napapanood ko lang sa mga movies na may kinalaman sa mga royalties.” “Royalties naman talaga ang treatment dito sa mga club members.” “Ang mahal siguro ng membership dito, ano?” “Okay lang.” “Member ka rin dito?” “Matagal na.” “That’s nice.” Nakaupo sila sa mga tables na naka-set sa veranda ng Rider’s Veranda, isa sa mga restaurants sa loob ng Club.  Doon sila nakarating ni Neiji nang yayain siya nitong mag-dinner matapos silang iwan ng kambal.  Overlooking doon ang race tracks at ilan pang arenas kung saan ginaganap ang iba’t ibang esquestrian sports ng mga miyembro ng exclusive club na iyon.  Sa kabilang table na malapit sa kanila ay naririnig niya ang dalawang babae na nagpupustahan kung sino ang mananalo sa mga naglalaro.   “Bakit ayaw mong kay Jubei pumusta, Temarrie?” “E, mahina sa dressage ang mister kong iyon.  Paano kung matalo ako?  Sayang ang miles.”  Sabay pang nagtawanan ang dalawang babae.  “Ikaw, Jhun, sino ang pupustahan mo?” “Si Gino.  Tirador ng dressage arena ang cooking master boy na iyon, eh.” “Bakit hindi kay Eneru?” “E, palpak din ang papa kong iyon sa dressage.  Sayang ang miles.” Siya man ay natawa sa usapan ng mga ito.  Sa mga babaeng nakita niyang pakala-kalat doon sa Club, ang mga ito lang ang napansin niyang tila walang pakialam kung gaano man ka-elegante ang lugar na iyon.  They were enjoying the place and themselves.  Hindi katulad ng iba na tila ba ayaw man lang mabanat ang mga pisngi para mangiti sa takot marahil na hindi maging ‘in’ ang mga ito roon.   “Huwag mong pansinin ang dalawang iyan,” narinig niyang wika ni Neiji.  “Magulo talaga ang mga iyan.  Let’s just eat dinner.” Minamadali na siya nito.  Gusto niyang magreklamo sana kaya lang, sa tuwing pinagmamasdan niya ang guwapo nitong mukha, nag-iiba ang takbo ng isip niya.  He really looks tired.  Kung hindi lang nito mamasamain, hinaplos na sana niya ang mukhang iyon.  Baka sakaling makatulong iyon kahit paano para maibsan ang pagod nito. “Had a long day?” tanong niya rito. “Huh?  Oh.  Yeah, sort of.” “Gusto mo bang magpahinga na?  Okay lang naman sa akin na matapos agad ang dinner natin.  Magpapahatid na lang ako kay Jigger pabalik ng Maynila.” Somehow, her words seemed to hit something in him.  Dahil matagal siya nitong tinitigan.  And then he just smiled.  Aaahh.  Tanggap na niya kahit matapos agad ang gabi nilang iyon.  She had his smile and it was enough to last her a century. “Nah, I’m fine.  Medyo pagod nga lang ng kaunti.  Hindi ko pa inaasahan ang gagawing kalokohan ng kambal na iyon.” “Kalokohan?” Marahan itong umiling.  “Its nothing.  Don’t worry about it.  Let’s just eat.  By the way, you have a beautiful hair.’ Automatic naman niyang idinampi ang kamay sa kanyang buhok.  Ah, sarap ng feeling ng binabati talaga.  “Salamat sa Stallion Shampoo mo.’ “Its that good, huh.” “Yeah.” “You deserve to win.  Do you want anything else to eat?  Huwag kang mahihiyang um-order.” “Hindi na.  Busog na nga ako kanina pa.  Ikaw dapat ang kumakain.  Mukha ka kasing matamlay.”   “Halata na ba talaga ang ilang araw kong pagpupuyat?” “Okay lang.  Guwapo ka pa rin naman.” He smiled sheepishly and turned to his food.  O, di ba?  Nakakapanibago na may isang lalaki pa sa mundo na hindi suwapang sa papuri.  At ang nag-iisang nilalang na iyon ay heto ngayon sa harapan niya. “Jubei, baby, kaya mo iyan!  Manalo ka!  Malaki ang pusta ko sa iyo kaya huwag kang magpatalo!  Sayang ang miles!” Msli siyang napalingon sa direksyon ng dalawang babaeng nagpupustahan kanina.  Sinitsitan ang mga ito ni Neiji. “Children, quiet.  We’re on a date here.” Saka lang bumaling sa kanila ang dalawa.  “Date?  What date?” “She’s not your date, Neiji.” “Si Jigger ang natalo sa contest ninyo para sa magiging ka-date ng raffle winner sa promo ng Stallion Shampoo mo.  So how come she ended up with you?” “None of your business.” “Miss, ingat ka riyan kay Neiji.  Negosyo lang ang kinikilala niyan.” Ngumiti lang siya saka hinarap ang binata na namumungay na ang mga mata.  Kaya imbes na tanungin tungkol sa sinabi ng mga babae ay hinayaan na lang niya iyon. “They were right,” mayamaya’y wika ni Neiji.  “I don’t know what happened but supposedly, Jigger was your date tonight.” Nakakasama naman ng loob ito.  Sana hindi na lang nito iyon inungkat.  Okay lang naman sa kanya ang magpanggap na parang walang narinig. “So, bakit hinayaan mong maisahan ka ni Jigger?” “I don’t know.”  He leaned back against his seat, looking at her.  “I guess I was curious about you.  Hindi kasi kita makalimutan nang unang beses kitang makita roon sa Café Helenas, wearing your pajamas.  You really looked cute then.” Hmmm.  Parang gusto ko ng ngumiti uli.  Sige, ngiti uli tayo.  In any case, hindi rin naman niya mapigilang ngumiti dahil sa sinabi nito.  Kumakanta na ang puso niya dahil sa papuri nito. “Huwag kang maniniwala riyan.” “Bolero iyan.” Nilingon ni Neiji ang mga nanunukso sa likuran niya.  “Isusumbong ko kayo sa mga asawa ninyo.  Na hindi kayo sa kanila pumusta.” Then he got up, took her hand, and lead her out of the Rider’s Veranda.  Hindi na siya nakaimik nang hilahin siya nito sa kung saan.  Masyado kasi siyang apektado ng kakaibang init na hatid ng magkasugpong nilang mga kamay.  Hindi pa siya nakikipag-holding hands sa kahit na sinong lalaki.  Wala kasi siyang dahilan para gawin iyon, unless kailanganin niya ng tulong.  Ngayon, wala naman din siyang dahilan at mas lalong hindi niya kailangan ng tulong ngunit hinayaan niya ang isang estranghero pa ring matatawag na hawakan siya sa kamay.  Pero…ngayon lang din niya na-experience ang joy of holding-hands-while-walking na sinasabi nila.  Masaya pala. Sa isang indoor stable siya nito dinala.  Sa labas niyon ay naroon ang isang puting kabayo na sinusuklay ng isang lalaki na halatang isa sa mga stable boys doon. “Good evening, Sir Neiji.  Patatakbuhin pa namin si Selphie sa paligid ng Club bago sana namin siya ipasok sa kuwadra niya.” “No, its okay.  Ako na lang ang bahala sa kanya.”  Halatang agad na nakilala ng kabayo si Neiji dahil lumingon dito ang hayop nang lumapit ang binata rito.   “Sa iyo iyan?” “Yeah.  This is Selphi, my Wielkopolski-bred horse.  She’s a great horse for show jumping and eventing, and she’s quite fast.  Kanina nga nanguna kami sa Steeple Chase game.  Maaasahan talaga itong si Selphi kapag kailangan kong magyabang.”  Tumawa pa ito saka inayos ang saddle at stirrup.  Ilang sandali pa, nasa likuran na ito ng kabayo.  “Let’s go, Winry.  Hindi tayo makakapag-date nang maayos dito.  Maraming istorbo.  Doon na lang tayo sa bahay ko.” “B-bahay mo?  May bahay ka rito?” “Lahat ng club member meron.  Come on.” “Pero naka-bistida ako.  puwede ba akong sumakay ng kabayo ng nakaganito?”   “Oo naman.  Basta itapak mo lang ang kaliwang paa mo sa stirrup at aalalayan na kitang maupo rito.” She did as he instructed.  Another minute more and she was swept up the back of the horse.  Mabilis at mahigpit siyang kumapit sa katawan ni Neiji.   “I can’t believe I’m doing this!” “Yeah, me too,” narinig niyang sambit nito.  “Heeeyaa!  Come on, Selphi.  Magyabang tayo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD