CHAPTER 6

1806 Words
TINAPIK NI Winry ang kanyang pisngi habang nakaharap sa lifesize mirror sa loob ng kanyang silid.   “My, my,” sambit niya.  “Ikaw ba talaga iyan, Winry?  Ang ganda mo!” Isang peach dress na may free-flowing flirty-type skirt ang suot niya.  Mataas din ang takong ng suot niyang sandals na nagpalitaw nang husto sa itinatago niyang makinis na binti at paa.  Goodness!  Kung alam lang niyang may ganito siyang kagandahang taglay, baka noon pa siya nakapag-asawa at isang dosena na ang anak niya ngayon kung naipakita lang niya ang ganda niya sa madla.  Pero mabuti na rin siguro iyon.  At least, ang unang taong makakakita sa alindog niyang iyon ay maaaring ang nag-iisang lalaki rin na pag-iinteresan niyang hindi na pakawalan pa. “Go, Winry!  Go, Winry!” sulsol niya sa sariling repleksyon.  “Go, self!  Go, self!” Nataranta siya nang marinig ang paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay.  Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-iingay ng doorbell.  Nandiyan na siya!  Ilang beses pa niyang sinipat ang sarili sa salamin upang masigurong walang anoman itong maipipintas sa kanya.  Satisfied, she walked regally out of her room.  Natalisod pa nga siya paglabas niya ng pinto ng bahay patungong gate.  Mabuti na lang at mag-isa lang siya roon.  Tumatahip ang dibdib niya sa sobrang kaba.   What if he doesn’t like me?  What if I turned out not to be the ideal woman he was looking for?  What if—ah, what the hell! Inipon niya ang buong tapang niya at binuksan ang gate.  Isang maingay na drum roll ang narinig niya sa kanyang isipan.  Na unti-unting tila naging tunog ng sirang plaka nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng gate. “Hi.” He was handsome alright.  Tall, suave, with smiling eyes.  But he wasn’t the man of her dreams. “H-hi.”  Ito ba ang magiging ka-date niya?  Ngunit…datapwat…subalit… “Ahm, I’m…I’m Winry.” “I know.”  Inilahad nito ang kamay.  “I’m Jigger Samaniego.  Let’s go?” “Okay.”  Napabuntunghininga na lang siya.  Pinilit na lang niyang maging masigla para naman hindi nakakahiya sa lalaking ito.  Mukhang mabait pa naman. Sa isang itim na Pajero siya iginiya ni Jigger.  Sa passenger seat siya nito pinapuwesto at ito naman sa driver’s seat.  Walang driver ang binata, halatang independent.  Ang lalaking iyon kaya, anong klase ng sasakyan niya ako isasakay kung sakaling siya ang ka-date ko ngayon?  Hay…Kung bakit naman kasi hindi niya nilinaw sa lalaking nag-inform sa kanya ng pagkapanalo niya sa kung sino ang makaka-date niya. “May naghihintay na chopper sa atin sa air strip sa Pasay,” anito.  “Iyon ang magdadala sa atin sa Stallion Riding Club sa Tagaytay para mabilis ang biyahe natin.” “Okay.” “Can I ask you something?” “Ano iyon?” “Are you disappointed?” “About what?” “Na ako ang kasama mo ngayon.” Naku, egoistic pa yata ang isang ito.  Naman!  “Bakit mo naman nasabi iyan?” “Napansin ko lang kanina na medyo hindi ka masaya na ako ang nakita mong naghihintay sa iyo sa labas ng gate mo.  Were you expecting someone else?  Don’t worry, I won’t get offended.” “Talaga?” “Well, medyo lang.  Pero ikaw ang kauna-unahang babaeng tinanggihan ako kaya patatawarin kita.” Hindi naman ito egoistic.  May kasungitan nga lang.  “Oo, hindi nga ikaw ang inaasahan kong makakasama ko ngayon.  Kaya lang, hindi naipaliwanag kasi ng maayos sa commercial ang mechanics ng dating game.  E, wala naman akong pakialam sa cash price.  I was really after the dating game…” “So, disappointed ka nga sa akin.” “Kung ikaw ang ka-date ko, okay lang din sa akin—“ “I don’t like the sound of that.  I’ve never been a second choice, not even with my twin brother.  Lagi lang kaming magkapantay.”  Saglit itong natahimik.  “Kung ganon nagkakamali rin pala sa negosyo si Neiji.  This is something new.” Parang gusto niyang mapakunot ang noo.  The guy was a little weird for someone so handsome.  Lagi kasing kinakausap ang sarili.  Pagkatapos ay nakita pa niya itong nangiti.  Tatawag na ba siya ng saklolo?  Nasisiraan yata ito ng ulo, eh. “Ang totoo, Winry, hindi ako ang ka-date mo.  I was the only club member available enough to fetch you here in Manila.  Kaya tinawagan ako ni Neiji para maghatid sa iyo sa Stallion Riding Club.  Doon naghihintay ang ka-date mo.” Nabuhayan siya ng loob.  May pag-asa pa siyang hindi masayang ang kanyang beauty.  “Sa tingin mo, puwede kong makausap si Mr. Neiji para alamin kung sino ang ka-date ko?” “Bakit?” “I just want to make sure…” “I see.”  Tumango-tango pa ito.  Ewan niya kung paano nitong nalaman kung ano ang gusto niyang sabihin.  “Ang ibig mong sabihin, nakapili ka na ng talagang gusto mong maka-date.  Kaya ka na-disappoint nang makita ako dahil hindi ako ang type mo.  Kunsabagay, tama lang naman na ikaw ang mamili ng makakasama mo since ikaw naman ang nanalo.”  Muli itong napangisi.  “Neiji would pay for this.” “What?” “So, who’s the lucky guy you want to spend the night with?” “I don’t like the sound of that either.” “I mean it well, Winry.”   Hindi siya kumibo.  Paano, hindi naman talaga niya alam kung ano ang pangalan ng lalaking iyon na nagustuhan niya.  Jigger picked up his phone and called someone. “Tol, nandiyan ba ang mga members ngayon sa Club?  Alamin mo kung nasaan silang lahat…Yeah, something very interesting.  We’ll see you later…Who?  Oh, Winry.  She’s with me.  We’ll be there in about an hour.” “Sino iyon?” tanong niya rito pagkatapos makipag-usap sa cellphone. “My twin.  The Stallion Riding Club, in cooperation with Neiji’s Mobliz Limited, wanted you to have the time of your life.  It’s the least thing we could do for customers like you who keep supporting our friend’s newest products.” “Para kang commercial sa tv, ah.  Okay ka lang ba?” Ngumti lang ito.  Pero parang may nakatago sa ngiting iyon.  Kahit mukhang hindi naman ito masamang tao, kailangan pa rin niyang mag-ingat.  Sa panahon ngayon, mabuti na ang nakakasiguro. Isang helicopter nga ang sumunod nilang sinakyan ni Jigger.  Kahit doon ay ito pa rin ang nag-pilot.  Wala siguro itong sasakyan na hindi kayang paandarin.  Manghang-mangha siya sa tanawin habang nakasilip siya sa bintana ng chopper.  Hindi pa siya nakakapag-travel by air dahil masyadong nakatutok ang atensyon niya sa kanyang restaurant.  Kung alam lang niyang masarap ang pakiramdam ng lumilipad, sana noon pa siya sumakay ng eroplano.   Ang dami na palang nasayang na pagkakataon sa kanya sa loob ng maraming taon niyang pagbuburo sa kanyang negosyo.  She had missed a lot of things.  Dapat nga siguro siyang magbago ng lifestyle.  At ngayong gabi, after meeting the man of her dreams, things would definitely turned around for her.  Pero mas lalo siyang namangha paglapag nila sa helipad ng Stallion Riding Club.  The whole place was illuminated beautifully.  Aakalain mong nasa ibang bansa ka base na rin sa itsura ng buong lugar.  Elegant.  Iyon lang ang tanging deskripsyon na nasabi niya roon. Isang lalaking kamukhang-kamukha ni Jigger ang sumalubong sa kanila.  Though the new guy wasn’t smiling, kinailangan pa niyang lingunin ang kanyang katabi para lang masigurong hindi siya namamalikmata lang.  Mabuti na lang at magkaiba ang damit ng mga ito. “Nakita mo na kung nasaan sila?” tanong ni Jigger. “Oo.”  Nilingon siya nito.  “Hello.  You’re Winry?  I’m Trigger, Jigger’s twin.  Bagay sa iyo ang name mo.  Win.  Winner.  Winry.” “Tol, dumudugo na ang ilong ko sa kakornihan mo.  Let’s go.  Saan tayo unang pupunta?” “Sa Stallion Lounge.  Nagsi-celebrate kasi ng birthday si Yozack.  At maganda rin daw ang singer ngayon doon kaya doon sila nakatingala lahat.  Galing na ako roon.” Hindi niya alam kung ano ang plano ng dalawang bugoy na ito pero dahil sa ganda ng lugar ay naaliw na rin siya sa pagtu-tour ng mga ito sa kanya.  Tama siya sa unang assessment niya sa lugar na iyon.  Talagang pang-mayaman lang.  Until she saw him.  Isa ito sa mga lalaking naka-upo sa mga tables doon.  May mga babaeng kasama ang mga ito.  But he was the only one who was busy talking over his phone than with the woman beside him.  Kumabog ang puso niya.  Siya na iyon!  Katatapos lang nitong makipag-usap sa phone nito nang mapalingon sa kanila.  He smiled and waved at them.  Parang gusto na niyang lundagin ito at yakapin. He was just so handsome.  So, elegant.  So, suave.  So…perfect. “That’s Neiji,” narinig niyang wika ni Jigger.  “Siya ang kakastiguhin natin dahil sa kaguluhang ito.” “Siya si Neiji Villaraza?”  No wonder that even with his voice on the phone, she was still attracted to him.  “Ahm, sa tingin nyo puwede ko kaya siyang picture-an?  Souvenir lang.” “Isa siya sa mga extra sa commercial ng Stallion Shampoo niya,” wika naman ni Trigger.  “Oh…Tol, I think we found her guy.” Hindi na niya pinansin ang mga ito.  Abala na kasi siya sa pag-aayos ng kanyang cellphone para kuhaan ng larawan si Neiji.  Neiji…Neiji…ang ganda ng name.  Ang ganda ng voice, at ang ganda ng face.  So perfect.  Niyaya siya ng kambal na lumapit sa mga grupo nito.  Sobra pa rin ang tahip ng kanyang dibdib habang papalapit dito.  Then recognition etched across his handsome face when he looked at her. “Hindi ba’t ikaw ‘yung babaeng naka-pajama doon sa café ni Danniel?” Oh, my goodness!  He remembers me! “Magkakilala kayo?” tanong ng isa sa kambal.  “Good.  Well, then.  Neiji, meet Winry.  Winry, this is Neiji Villaraza.  The man behind the successful Stallion Shampoo commercial.  You, two, enjoy your date.” “What?” “It’s the customer’s choice who to date and she has chosen you, Neiji.” “Huh?  Pero hindi namna—“ “She’s one of your loyal customers, na gusto mong pasalamatan sa pamamagitan ng dating promo na iyon.  Right, Neiji?”  Magkasabay na tinapik ng kambal sa balikat ang binata.  “Enjoy your date.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD