DINAMPOT NI Winry ang nag-iingay na cellphone nang hindi inaalis ang kanyang tingin sa mga resibo na tina-tally. “Hello?”
“Hello. May I speak with Miss Winry Acosta please?”
Natigil siya sa kanyang ginagawa. Ang ganda ng boses! Parang kaboses nung lalaki sa café na lihim niyang naging crush. Nagbunga na rin yata ang pamamahagi ng mga tauhan niya ng cellphone at telephone number niya sa mga kamag-anak at kakilala ng mga ito.
“Yes, this is Winry speaking. Who’s on the line?”
“Ah, Miss Acosta. This is Neiji Villaraza of Mobliz Limited. I’m calling in for the Stallion Shampoo promo. And I’m happy to announce that you’ve been chosen as the winner—“
Napatayo siya at malakas na napamura. Naitakip pa niya ang kamay sa kanyang bibig nang ma-realize kung ano ang kanyang sinabi. “Ahm…I’m sorry, Sir. I’m sorry. Pasensiya na. Nagulat lang ako. Kasi hindi ko talaga ito inaasahan. I mean…Really? Nanalo ako?” Walang sagot. Lagot! Binabaan na yata siya. “Hello? Hello?”
“Yes, I’m still here.”
“Sorry po ha? Ahm…m-may sasabihin pa po kayo, Sir?”
“Marami pa sana. Kaso nakalimutan ko na nang bigla kang sumigaw. Anyway, we will let someone fetch you tomorrow night at eight at your residence. We already have your address so there’s nothing to worry about. Goodluck and congratulations again.”
The line was cut even before she could say thank you. Pero okay lang. Masaya siya. Masayang masaya. Doon lang niya napansin na nakatingin na sa kanya ang lahat ng customer at tauhan niya sa restaurant na iyon. May pagtataka sa mukha ng mga ito. Ngumisi lang siya.
“I won!” sigaw niya. “I won! I won! Ako! Ako ang makaka-date ng isa sa Stallion boys!”
Lahat yata ay narinig na ang tungkol sa yummy boys na iyon ng Stallion Shampoo commercial. At lahat marahil ng babae sa Pilipinas ngayon ay namakyaw ng naturang produkto para lang magbakasakaling suwertehin na manalo at maka-date ang isa sa mga lalaking iyon. Iyon lang ang tangin explanation na alam niya kung bakit halos lahat ng kababaihan doon ngayon ay parang gusto siyang batuhin ng plato at tray.
Pero hindi niya pinansin ang mga ito. Naiinggit lang ang mga ito kaya patatawarin niya sa mga kasalanang naiisip laban sa kanya. With a smug smile on her lips, she started walking towards the counter.
“Kayo na muna ang bahala rito, ha? Bibili pa ako ng gown para sa date ko bukas. Magpapa-parlor din ako at bibisita kina Dr. Calayan.”
“Calayan? Magpaparetoke kayo, Ma’m? Maganda na kayo, ah.”
Ngumisi lang siya. Of course she knew she was pretty enough. Binibiro lang naman niya ang mga ito para hindi gaanong mahirapan na tanggapin ang katotohanang siya ang nanalo sa contest na iyon.
“A, basta. Mauuna na ako sa inyo. Bye.”
“Goodluck, Ma’m.”
“Congrats na rin, Ma’m. Ang suwerte ninyo. Baka ito na ang pagkakataon na hinihintay ninyo para makita ang lalaking para sa inyo.”
The image of the guy from a few nights ago came to her mind again. “Oo, korek ka diyan. Salamat.”
Naalala uli niya ang lalaking nagmamay-ari magandang boses na iyon. She still had his number on her cellphone. Tawagan kaya niya? Gusto lang niyang marinig uli ang boses nito. So she called him again.
“Hello?” came the familiar baritone voice. “Who’s this?”
Bigla niyang pinatay ang cellphone. Ang sungit yata ng boses. Baka naistorbo niya. Scary. Hindi na bale. Makaka-date naman niya ang lalaking naging bahagi na ng kanyang mga pangarap. At sisiguruhin niyang magkakaroon siya ng magandang impression dito. Hindi katulad nung unang beses silang nagkita na nagmukha lang siyang tanga.