CHAPTER 4

399 Words
NGINGISI-NGISI LANG si Neiji habang papalapit sa grupo nila sina Jigger at Yuan sakay ng kani-kanilang kabayo.  Jigger lost.  Ang dalawa ang huling nakakumpleto sa obstacle course na itinala ng game master na si Reid.   “Congratulations, Jigger,” bati niya rito.  “How does it feel to be dating someone tomorrow night?” “Okay lang.  I’ve been without a date for a week so this will be fine.  May picture ka ba ng babaeng nanalo sa raffle?” “Nope.  All I have was her address.” “Ah, question,” singit ni Brad.  “Don’t you think it’s a bit unfair for the raffle winner if she gets to date the one she might possibly ‘not’ picked out from the guys on that commercial?” Agad sumang-ayon si Jigger na sinegundahan ng kakambal nito.  Pero hindi nagpatalo ang mga nanalo na sa competition. “You should have voiced that out before we held that little competetion.” “Oo nga,” segunda ni Kai.  “Masasayang lang ang pawis ko.  Bawat gramo pa naman nun ay mahalaga.” “I still think it would be unfair for the poor lady.” “I don’t care what you all think.  Kasalanan nyo iyan.  Kung ako na lang ang kinuha ninyo since nag-volunteer na ako, sana wala ng g**o pa.” “Wala namang g**o, ah.  Nagpapaliwanag lang ako—“ “Enough,” saway ni Reid.  “Sinabi ko na sa inyong ayokong nagkakagulo rito sa loob ng Stallion.  If you want to kill each other, get out of here.  And if I should say something, bahala na ang raffle winner ang mag-decide.  Kapag hindi niya natipuhan si Jigger, then bahala siyang pumili ng makaka-date sa atin pagdating na niya rito.” “Hindi ko yata type iyang sinabi mo, Reid.” “Bakit?  Dahil baka mainsulto ka kapag hindi ka nagustuhan nung babae?  Akala ko ba ayaw mong makipag-date?” “Wala akong sinabing ayoko.”  Napabuntunghininga na lang si Jigger.  “Fine.  I’ll go then.” “So, anong foundation ang gusto mong maging beneficiary?” tanong niya rito.   Nilingon nito ang kakambal.  “Tol, ano sa palagay mo?” “I’d go with UNICEF.” “Me too.” Napakamot na lang siya ng ulo.  Malupit talaga ang kambal na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD