CHAPTER 3

2052 Words
TINAMAAN NA naman si Winry ng pagkabagot nang araw na iyon kaya matapos magbukas ng restaurant ay nag-ikot-ikot siya sa mall.  Tumitingin-tingin din siya ng mga bagong gimik ng mga restaurants doon pati na rin ang mga interior designs na magagamit niya sa kanyang sariling restaurant.  Next time na lang siya magpu-food test.  Gawain na niya iyon kapag nakakakita siya ng mga restaurants.  Ganon siguro talaga ang mga gaya niyang restaurateur, mainit ang mga mata sa mga kalabang restaurants. O kaya naman, sa sobrang boredom siguro ay kung ano-anong ideya na lang ang naiisip niya.  Nagpapauso ng mga bagay-bagay.  Nakita niya ang booth ng Wow!  Philippines ng Tourism Department.  Kinuha niya ang brochures na ibinigay sa kanya ng tauhan doon.  She looked at it.  Palawan.  Siguro bakasyon lang ang kailangan niya para mawala ang mga pina-iisip niya tungkol sa mga lalaki.  Ilang taon na rin siyang hindi nakakapagbakasyon dahil sa pagtutok niya sa pagpapalago ng kanyang restaurant.  Matagal-tagal na rin naman nang huling beses siyang nagbakasyon.   Napadaan siya sa isang appliance center kung saan naglalakihan ang mga telebisyon sa display window.  And then maybe I should get one of these plasma televisions.  O kaya naman ay ang shampoo na kasalukuyang kino-commercial nang mga sandaling iyon.  Napakaganda ng buhok ng modelo.  It was shot on a place that looked like a ranch.  The woman was riding a horse and her silky long black hair was glistening against the rays of the sun.  While handsome men was looking at her in admiration at the side of the track. Inihit siya ng ubo sa iniinom na fruit shake nang mag-panning ang camera sa hilera ng mga lalaki.  Napadikit pa siya sa salaming dingding upang mas lalong makita ang nag-iisang lalaki sa commercial na iyon na nakakuha ng atensyon niya.  Sandali lang ang commercial ngunit sigurado siyang iyon ang lalaki na nakita niya sa café bar noong nakaraang araw. “Buy Stallion Shampoo and Conditioner and get a chance to win cash prices and a date with one of these gorgeous men.” Nagulat pa siya nang marinig ang tilian ng mga babae sa kanyang tabi.  Lima ang gaya niya ay nakatanga lang sa naka-display na telebisyon nang mga sandaling iyon. “Oh, my God!  Gusto kong manalo!” “Gusto ko ng isa sa mga papables na iyan!” “Halika na, Maricon!  Pakyawin na natin ang Stallion Shampoo sa grocery!” “Ate Mhelai!  Hintayin mo ako!” Sukat sa narinig ay tila sinilihan din siya sa p***t lalo na nang makita niyang ang limang babaeng nanonood din ng commercial na iyon ay sa sumunod sa magkapatid. “Mananalo ako!” aniya sa sarili habang nagmamadali ding nagtungo sa grocery store.  “Anak ng tinapa!” Inilista niya sa isip ang lahat ng grocery stores na puwede niyang puntahan upang makabili ng shampoo na iyon.  Gusto niyang maging kasing ganda ng buhok ng babae sa commercial ang buhok niya.  At siyempre, ang pinakamahalaga sa lahat, ang maka-date ang lalaking iyon na naging bahagi na ng kanyang pangarap. ************************************************* TAMANG-TAMA NA pagtatapos ng usapan ni Neiji sa kanyang kliyente sa telepono nang pumasok siya sa Stallion Lounge.  Sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya.  Dalawang beses na kasi siyang nasabak sa dressage arena laban sa iba pang miyembro ng Stallion Riding Club.  Dressage is an equestrian sport that usually involved riders making their horses do intricate movements.  Wala gaanong racing competition sa dressage bagkus, mas ipinapakita rito ang pagiging masunurin ng mga kabayo sa kanilang mga riders.  Ito rin ang paraan upang makita kung anong kabayo ang may pinakamagandang porma sa arena.  At siya ang nanalo doon.  Ngayon.   His friends were competitive and mostly, they would always want to beat each other.  At iyon ang pinakagusto niya sa riding club na iyon.  Hindi sila nagsasawang ipakita sa isa’t isa kung sino ang pinakamagaling.  Pero ang lahat ng iyon, friendly competition lang.  After that, makikita na silang mga miyembro ng exclusive club na iyon na nagkakatipon-tipon sa mga restaurants at cafés na naroon sa loob ng club. May umakbay sa kanya bago pa man siya makalapit sa bar counter upang um-order ng maiinom.  Ang kambal iyon na sina Jigger at Trigger. “Sino ba ang nagsabi sa iyo na maglabas ka ng announcement sa telebisyon na kasama kami sa promotion ng shampoo commercial mo?” “Pare, pumayag na nga kami um-extra sa commercial na iyon, pati ba naman sa mga promos e idadamay mo pa kami?” Hinarap niya ang mga ito.  “Kaya ko nga kayo kakausapin ngayon.  Ipapatawag ko lang ang iba—“ “Nandito na silang lahat.”  Inginuso ng isa sa kambal ang direksyon ng malawak at maaliwalas na dining area ng Stallion Lounge.   And true enough.  Lahat ng miyembro ng Club na nag-volunteer na sumama sa commercial na ginawa ng kumpanya niya noong nakaraang buwan ay naroon.  Kasing dilim ng riding uniform ng mga ito ang kanilang ekspresyon sa mukha.  Napailing na lang siya.  Madugong paliwanagan ito. “Huwag nyo nga akong tingnan ng ganyan,” reklamo niya sa mga ito pag-upo sa bakanteng silya.  “Baka isipin ng mga tao rito, nang-r**e ako.” Inilapag ni Zell ang broadsheet sa ibabaw ng mesa.  Naroon ang larawan ng fiancee ni Jubei na si Temarrie na siyang modelo ng shampoo product niya.  Pati na rin ang larawan ng ilang miyembro ng Stallion Riding Club na nag-volunteer na lumabas para sa commercial. “Kung alam ko lang na magpapalabas ka ng larawan namin, Neiji,” wika ni Zell.  “I could have given you a much better picture of me.  Hindi ganito.  Ang pangit ng kuha ko rito, pare.  Ang liit-liit pa.  Hindi makita ang itsura ko.  Paano maalala ng masa ang iboboto nilang susunod na lider ng bansang ito kung ganito lang kaliit ang picture ko rito?” Napailing na lang si Eneru bago bumaling sa kanya.  “Neiji, pare, bakit naman hindi mo sinabi sa amin na may ganitong promotion ka palang balak?  Okay lang naman sana iyon kung alam namin.  Kaso, sa telebisyon pa namin nalaman.  Actually, ako kay Jhun ko lang nalaman dahil bigla na lang niya akong binatukan pagkatapos naming makita ‘yung commercial.” “I was about to tell you.  Ang problema, hindi ako makakuha ng magandang tiyempo.  Naging masyado pa akong abala sa pag-aayos ng mga bagong products ng kumpanya kaya medyo nawala na rin sa isip ko.  Ngayon ko na nga lang uli iyon naalala.” “Neiji Villaraza,” singit ni Reid, the club’s owner.  “I wanted my horse to kick you out of my Club.” “Bakit ba kailangan pa ng ganyang klase ng gimik, ha, Neiji?” “Gusto ko lang naman na mabigyan ng kaunting kasiyahan ang mga customers ng Stallion Shampoo dahil sa mainit nilang pagtanggap sa bagong produkto ng Mobliz Limited.” “And you came up with us,” pahayag ni Jubei.   “Yeah.  According sa researchers ko, nakadagdag ang appearance ninyo sa commercial para mas mapansin iyon ng publiko.”  Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang mga ito.  Pero sa nakikita niya, konting udyok na lang ay papayag na rin ang mga ito.  “Come on, guys.  Its not as bad as you think.  In fact, naisip kong ibigay ang ten percent ng profit na ipapasok ng Stallion Shampoo sa kumpanya ko sa charity foundation na gustong pagbigyan ng taong makukuha para makipag-date sa mananalo sa dating raffle na plano ko.” Nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa, halatang pinag-iisipan ang kanyang sinabi.  Ngunit may palagay siyang payag na rin ang mga ito.  Because no matter how much their group members wanted to project an untouchable image, inside, they were all just plain nice.  Parang siya. “So, anong plano mo ngayon?” mayamaya pa’y tanong ni Gino.  “Okay na ako sa dating game na iyan.  Anyway, its just a date.” “Lahat ba tayo rito, payag na sa gimik na ito ni Neiji?” tanong ni Reid.  “Ako, ayoko pa rin.  Pero gusto kong makaganti sa panggugulang niyang ito kaya sasama na ako.  Oo nga pala, pare, ihanda mo na ang milyones mo dahil ang UNICEF ang gusto kong pagbigyan ng donasyon.” “That’s not a charity institution, Reid.” “Is there a problem with that?” Nagkibit na lang siya ng balikat.  May atraso siya sa mga ito kaya pansamantala ay pagbibigyan na muna niya ang mga ito.  Walang dapat na makasira sa papagandang momentum ng latest product ng kumpanya niya. “Anyway, naka-draw na ng winner kanina ang mga taga-DTI para sa nanalo sa promo.  Ngayon, ang magiging ka-date na lang niya ang problema.”  Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito.  “Nakapili na ako ng isa sa inyo, unless, of course, may magbo-volunteer.” “Bakit ikaw ang nagdesisyon kung sino ang magiging ka-date ng winner?” reklamo ng half-Japanese na si Hiro.  “Hindi ba dapat ay pag-usapan natin ito nang sabay-sabay?” “Okay.  Madali lang naman akong kausap.” “I’d say na sa race track na lang natin ito idaan,” suhestiyon ng isa sa kambal na kanina pa niya napapansing tahimik lang.  “Para fair sa ating lahat.  Kung sino ang matatalo, siya ang makikipag-date.” “Wait,” singit ni Zell.  “Would this date be in televisions and newspapers, Neiji?” “Yeah, I was thinking of broadcasting it.  Why?” “I’m volunteering.  I needed as much exposure as I can.  Para maging pamilyar sa akin ang mga masa.  Makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa susunod na eleksyon.” “Exempted ka, Renzell.”  Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita.  Paz Dominique was standing right behind Zell’s chair.  “Hindi puwedeng makipag-date ang fiance ko.” Fiance?  Lahat sila ay napalingon sa nag-iisang babaeng naglakas ng loob na sumali sa kanilang usapan.  Naturally, kapag ganitong may importante silang pinag-uusapan ng mga miyembro ng Club, their women companions would stay out of earshot.  Ayaw kasi nila ng naiistorbo.  And everyone at the Club, members man o guests, alam ang patakaran nilang iyon.  Kunsabagay, knowing the impossible daughter of Davao, hindi na sila dapat nagtataka.  Pero ang mas nakakabigla ay ang huli nitong sinabi. “You’re engaged, Zell?” “Yeah, you have a problem with that?” angil ng babae kay Gino na natatawang nagtaas lang ng kamay, tanda ng pa-urong sa diskusyon.  “Since engaged na nga si Zell sa akin, hindi na siya kasama sa kalokohan ninyo.  Ayoko ng may ibang babaeng lalapit sa kanya.” “Sino ka ba?” tanong dito ni Zell.  Tumayo na ito at hinarap ang babae.  “I don’t even know you.” “Oo nga.  Pero ikaw kilala ko at kilala ako ng parents mo.  Kaya nga engaged na tayo, eh.”  Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis.  “Dapat pala ay nagpakita na ako sa iyo noong unang beses akong dumating dito.  para hindi ka na nabibigla ng ganyan.  Kaya lang kasi, gusto kitang sorpresahin.  Kaya…surprise!” Lahat sila, isa lang ang reaksyon sa huli nitong sinabi.  Huh?  Pero si Zell, mukhang iba ang reaksyon.  Dahil ilang sandali rin itong walang imik at nakatitig lang sa babae.   “You’re Gov. Ismael Moreno’s daughter?  I see.  Can I buy you a drink?  I think marami tayong mapag-uusapang magandang bagay.” Napailing na lang sila habang pinapanood ang dalawa na patungong bar counter. “Itong si Zell, lahat na lang ng mapapakinabangan niya sa kanyang ambisyong mapasok sa pulitika, papatusin.” “Huwag si Dominique ang alalahanin mo, Jigger,” wika ni Trigger sa kakambal nito.  “Si Zell ang dapat na nag-iingat.  Paz Dominique wasn’t the one to be fooled nor used.” “Lagot si Renzell Zapanta,” sambit niya nang tumunog ang cellphone niya.  saglit niya iyong sinagot bago muling binalingan ang mga kasama.  “Pumunta na tayo sa race track.  Kailangan ng mamili kung sino ang magkakaroon ng date tomorrow.  I still have a meeting in an hour.” Hindi na nila isinali pa ang mga may kasintahan na.  Kaya naging official na taga-pamagitan sina Jubei at Eneru.  Si Zell ay abala pa rin sa pakikipag-usap kay Dominique.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD