Kinabukasan nang magising si Christine, pinagmasdan niya si Gabriel na mahimbing pang natutulog. Nasa tabi niya ito, nakahiga nang paharap sa kaniya. Kinausap niya ito sa isipan niya. Mahal, ngayon tanggap ko na hindi ko pala kaya na wala ka. Ramdam ko na ngayon na naging mas matimbang na ang pagmamahal ko sa ‘yo...unti-unti nang nawawala ang galit ko. Ang kailangan ko na lang ay malaman ang totoo sa inyo ni Valerie. Para mapatawad na kita nang tuluyan at maibalik na natin sa dati ang lahat. “Hmm...Mahal, baka matunaw ako...” Nagising na pala si Gabriel at napansin na titig na titig si Christine sa kaniya. “Ngumiti si Gabriel nang pagkatamis-tamis at balak na namang hatakin si Christine pero mabilis na itong nakaiwas at bumangon. “Tinitingnan kita, iniisip ko kasi kung patatawarin na