Nang bumalik sina Jasper at Christine sa party ay agad na hinanap ni Christine si Gabriel. Inikot niya ang tingin sa buong event hall pero hindi niya makita si Gabriel. Sinubukan niya itong i-text. Nang hindi sumagot si Gabriel ay tinawagan na ito ni Christine. The telephone number you dial is out of coverage area. Please try again later. Operator ang sumagot kay Christine. Nag-alala siyang bigla at sinubukan namang hanapin ang mga parents ni Gabriel. “Ms. Christine, kanina pa po umalis sina Mr. & Mrs. Moreno, mukhang sumama po sa kanila si Sir Gabriel. Hindi po ba nagpa-alam sa inyo?” sagot ni Leslie nang masalubong ito ni Christine. “Okay, Les. Thank you.” Nagtaka naman si Christine kung bakit sumama si Gabriel sa mga magulang gayung may driver naman sila. At hindi man lang nag-tex