Naalimpungatan si Christine at naramdaman niya na walang saplot ang katawan niya. Hmm...nasaan ba ako? Bakit wala akong damit? Naalala ni Christine na ang huling nakasama niya kagabi ay sina Jasper. Si Jasper! Biglang napadilat si Christine at tumingin sa tabi niya sabay napahinga nang maluwag. Haay...Mahal, ikaw pala ang katabi ko. Dahan-dahang humarap si Chrisitine kay Gabriel at iniyakap ang isang kamay sa dibdib nito. Isinubsob ni Christine ang ulo niya sa dibdib ni Gabriel. Nagising si Gabriel. “Gising ka na pala, Mahal.” Sabay iniyakap din nito ang isang kamay niya sa balikat ni Christine. “Paano tayo napunta dito? Nasaan ba tayo? Tsaka bakit ba nawala ka kagabi?” Sunod sunod na tanong ni Christine na hindi inaangat ang ulo. “Why? Hinanap mo ba talaga ako kagabi? Hmm?” May halon