HAWAK HAWAK NI CHRISTINE lahat ng proposals ng agents na gustong magbenta sa labas ng bansa. Nakaupo sa harapan niya si Jasper at isa-isang ipinapaliwanag kay Christine ang detalye ng bawat proposal. Siniguro ni Jasper na nasuri niyang mabuti ang lahat bago ibinigay kay Christine. “And this one, Ma’am, the agent not only plans to talk to the OFWs...he’s also planning to gather all filipinos who already migrated there and convince them to join the team as his sub-agents.” Tumigil saglit si Jasper na kanina pa nagsasalita pero napansin niya na wala siyang nakukuhang reaksyon mula kay Christine. “Wait...hello ma’am?” Ikinaway ni Jasper sa harap ng mukha ni Christine ang isang kamay niya. Para namang nagulat si Christine at saka lang nagsalita. “Huh? Yes, yes...where are we?” “Ma’am,