Ang proseso ng muling pagpapakasal ay hindi naging madali para kina Gabriel at Christine. Dumaan sila sa matinding counseling at kinailangang panindigan ni Christine na ang muli niyang pagpapakasal ay bukal sa kalooban at kaya niyang panindigan. Ito ay dahil sa psychological incapacity na naging batayan ng korte para mapawalang-bisa ang kasal nila. Pinayuhan si Christine na tanggap niya kung anuman ang pagkatao ni Gabriel ngayon kaya wala na siyang ibang idadahilan kapag nakipaghiwalay uli siya dito. Lahat ng payo ng abogado nila ay tinanggap ni Christine dahil inaamin na niya ngayon sa sarili niya ang pagkakamali niya. Tanggap din niya na may pagkukulang siya bilang asawa at gustong gusto namang makabawi na ni Christine kay Gabriel. Matapos nilang komunsulta sa abogado, gumaan ang pakira
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books