“Mahal, breakfast is ready!” Tawag ni Christine kay Gabriel. “Yes, I’ll be right there, Mahal!” He was getting ready for work. Walong buwan nang nagdadalantao si Christine sa pangatlo nilang anak. Sa susunod na buwan ay kabuwanan na niya. Kahit hirap nang kumilos sa laki ng tiyan ay inaasikaso niya pa din si Gabriel bago ito pumasok dahil ito na lang ang paraan ng pagpapakita niya ng pagmamahal dito. Alam niya na matagal na din niyang nadiyeta si Gabriel sa kama pero wala siyang magawa, dahil maselan ang pagbubuntis niya. “Mahal, may company dinner later. I won’t be joining you for dinner, so bahala ka na muna ha. Sabay ka na sa mga bata.” Nakaupo na si Gabriel and having breakfast. “Sure. Don’t worry about me.” “If something happens, call me, ok?” Worried si Gabriel dahil anytim