Nasa isang resort hotel na sila sa Palawan. Ito ang celebration ng 1st year anniversary nila. Ngayon lang talaga nakapag-honeymoon sina Gabriel at Christine. Kung tutuusin ay dalawa na nga ang anak nila pero parehong nabuo nang di sinasadya. At naging abala na silang pareho sa panganganak ni Christine at pag-aalaga dito. Habang pinapanood nila si Tristan at si Jepoy na naglalaro sa dalampasigan, nakaupo sa loob ng cottage sina Gabriel, kalong ni Christine si Baby Tyrone. “Laki laki na ni Baby Tyrone, ah. Lakas lakas dumede, oh.” Nilalaro ni Gabriel si Tyrone habang dumedede ito sa bote. Five months old na si Tyrone at maagang bumitiw sa dede ni Christine. Hindi kasi ito naging sagana sa gatas kaya napilitan na silang gumamit ng tsupon. “O nga, ang bilis lumaki ano. At kamukhang kamukh